Chapter 2

22 2 0
                                    

Take Care of the Heart

"What? Anong ginagawa niya doon? Ano bang nangyari raw Ain?" Pasigaw kong sabi kay Ain nang sabihin niya sa akin na sinugod daw sa hospital ang mataray na lalaking 'yun. Simula ng bumalik siya hindi ko na siya kilala. Nagbago na siya. Bully pa rin pero napakamisteryoso na niya. Sabagay kasalanan ko rin naman.

"May nalaman ako Vieh pero mas mabuti sigurong sa kanya mo mismo malaman." Hindi ko na siya pinilit na sabihin sa akin kung ano 'yun dahil mas iniisip ko kung okay lang ba si Dj. Kahit naman hindi na katulad ng dati ang samahan namin 'nun ay mahalaga siya sa'kin dahil mahal ko siya. How I wish na nakaya kong sabihin noon eto sa kanya.

Pagdating namin sa hospital kung saan dinala si Dj ay hinanap ko agad kung asan siya. Sabi 'nung nurse na nakausap ko nasa isang private room daw siya kaya pumunta kaagad kami doon. Pagkarating ko doon, pagbukas ko ng pinto ay naabutan kong umiiyak si tita ang mommy ni DJ habang hawak-hawak ang kamay ng natutulog niyang anak. Napansin ni tita ang pagdating namin. Ngumiti siya habang pinupunasan ang kanyang luha.

"Tita ano pong nangyari? Kamusta si Dj?" Nag-aalalang tanong ko. Nakita kong umupo si Ain sa upuan doon malapit sa pintuan. Pinaupo ako ni tita sa kaninang kinuupuan niya. "Tita, ano pong nangyari bakit biglang sinugod si Dj sa hospital?" Nakita kong nalungkot si tita sa tanong ko.

"Hija. Alam kong wala akong karapatang sabihin eto sayo. Dapat siya ang nagsasabi nito pero hindi naman tamang hindi mo malaman eto. Patawarin mo ang anak ko kung bakit simula ng bumalik kami ay naging malupit siya sayo. Viehcel. May leukemia si Dan-dan. At malala na siya. Nag-a-undergo siya ng therapy, naging maayos na pero nabigla kami ng madetect ulit na bumalik ulit eto." Napaiyak ako sa mga nalaman ko. All this time may nararamdaman siyang ganito pero hindi ko man lang alam. Hindi ko siya matulungan para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya.

Lumipas ang mga araw pero mukhang walang balak si Dj sabihin sa akin ang kalagayan niya. Pinipilit kong sumama ngayon sa kanya papuntang bahay nila.

"Dj sama ako sainyo." Hindi niya lang ako pinapansin. "Dale Jazz Wren for pete's sake! Hanggang kailan mo sa akin itatago ang kalagayan mo? Hanggang kailan Dj." Umiiyak na ako nang sabihin ko 'yun kay Dj. Hinarap niya ako pero ganun pa rin.. Masungit na aura at poker face.

"Kaya ba nitong mga nakaraang araw ay dikit ng dikit ka sa'kin dahil alam mo na?" Malamig at matigas na bangit ni Dj sa akin. Masakit ang mga narinig ko pero hindi ako kumibo. "Hindi ko kailangan ang awa mo Viehcel. Hindi ko kailangan ang awa ng isang Viehcel Hernandez. Para saan Viehcel? Hindi ba noon ay wala ka namang pakialam sa akin? Bakit hindi mo na lang ako hayaan ngayon? Ano naman ngayon kung mamatay ako? Kaya pwede ba wag kang umarte na nag-aalala ka at nagmamalasakit ka 'coz in the first place you're the first person popped-up in my mind that will be happy when I'm gone." Nagpatuloy na siyang lumakad at napako na lang ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga sinabi niya. This is all my fault. If I just be nice to him in the past hindi ito ganito. Mahal kita Dj kaya ako nag-aalala. Bagay sa akin 'to this is the punishment to what I've done.

Sa mga sumunod na araw ay lubhang lumala ang kalagayan niya. Kaya nagpaalam ako kila mommy na hindi na muna papasok ng 2nd sem para alagaan si Dj. Kahit ayaw nila ay pumayag na lang sila dahil na rin siguro bilang suporta kay Dj. 'Nung una ay galit na galit siya sa akin kung kaya't tinataboy niya ako papalayo pero matiyaga akong bumabalik para alagaan siya at di nga nagtagal ay bumalik na ang samahan namin tulad noon.

"Vie-viel dapat bumalik ka na sa pag-aaral. Sayang ng panahon na hinihinto mo para alagaan ako." Ngumiti lang ako bilang sagot sa kanya. Hindi man maiwasan pero habang tinititigan ko siya ay naaawa ako sa kanya dahil mula sa napakatipunong lalaki ngayon ay sobrang payat niya na. Nagsisimula na ring maglagas ang mga magaganda niyang hibla ng buhok dahil sa mga treatments.

"Viehcel. Kahit anong mangyari lagi mong tatandaan na andito lang ako sa tabi mo. Hinding-hindi kita papabayaan. Lagi kitang gagabayan sa lahat ng ginagawa mo. Mahal na mahal kita hanggang maubos ang kahapon, matapos ang araw-araw at mawala ang bukas, ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko." Nakangiting sabi niya sa akin. Napapaluha ako pero tumawa ako para ipakita sa kanyang malakas ako para lumaban din siya.

"Dj wag ka ngang ganyan. Alam mo namang mahal na mahal din kita kaya magpagaling ka para makasama pa kita ng matagal. Magtatapos pa tayo ng pag-aaral, magpapakasal at bubuo ng pamilya kaya wag kang magsalita ng ganyan." Hinalikan ko siya sa noo niya at niyakap ko siya. Pero nataranta ako nang biglang ubo lang siya ng ubo. Tinawag ko sila tita at napagdesisyunan na dalhin siya sa hospital. Nag-aalala ako dahil nasa emergency room sila tita at hindi ako pinayagan na pumasok. Parang may pinag-uusapan sila sa loob habang ginagamot si Dj.

Lumabas na umiiyak si tita habang yakap-yakap ni tito. Kumabog ang dibdib ko, kinakabahan ako sa kung paano umiyak si tita. Tumayo ako at sinalubong ko sila.

"Tita ano raw sabi ng doktor? Kamusta po si Dj? Tita?" Hindi kumikibo si tita dahil iyak lang siya ng iyak. Biglang niyakap ako ni tita habang umiiyak pa rin. Nilingon ko si tito at nakita ako ang luhang tumakas sa mga mata niya. "Tito si Dj. Anong nangyari kay Dj. Tito! Sabihin niyo po sa'kin. Kamusta po siya?" Umiling si tito.

"Wala na siya hija. Hindi na nakayanan ni Dj. Patay na ang anak ko." Tumalikod si tito at alam ko na umiiyak siya.

No! Hindi pa patay si Dj. Tumakbo ako papuntang emergency room. Pinigilan ako ng mga tao sa loob na wag makapasok pero hindi nila ako napigilan. D-Dj. Lalo akong umiyak ng makita kong may kumot ng nakatakip sa katawan ni Dj. Ibinaba ko ang puting kumot para makita ang mukha niya. Lalo akong naiyak ng makitang payapang nakaipikit ang mga mata niya.

Napaupo ako sa sahig habang umiiyak. Naramdaman kong may yumakap sa akin. Umiiyak din siya.

"Hija. Napagdesisyunan namin ng tito mo na i-donate ang puso ni Dj. Bago siya mawalan ng buhay ay pumayag siya para man lang daw makatulong siya sa iba kahit sa huling sandali niya sa mundo kaya 'yun ang ginawa namin." Umiiyak lang ako habang sinasabi ni tita iyon. Tinitigan ko ang katawan ni Dj na nakahiga at naisip kong napakabuti mong tao Dj. Hinding-hindi kita makakalimutan. Mahal na mahal kita, ikaw lang at wala ng iba. Ikaw lang ang mamahalin ko.

If I can go back in the time when I fall inlove with you? I'm sure I will always fall for you but if that will happen. I will be more nice enough and I will show you right away that I love you for us to have a long time together. I love you so much Dale Jazz Wren Daniazeff. Djw Dan I will always love you. And I wish the person received of your heart will take care a pure heart of yours. :-)

Next to I HATE YOU, you got ME!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon