Epilogue

29 2 5
                                    

Epilogue

Djw Dan POV

Nalaman kong may leukemia pala ako. Wala pang nakakaalam tungkol sa sakit ko. Hindi pa ako handang sabihin sa kanila. Pero bago ang lahat nagjojogging 'yun ngayon si Vie-viel at mukang uulan pa. Alam ko kasing pupunta 'yun sa park kaya nagdala ako ng payong at hinintay ko siya doon.

Nagkaroon kami ng sagutan ni Viehcel at inaamin kong nasaktan ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata sa kanya.

Hindi ko naman sadyang hindi siya pansinin kanina kaya lang naisip kong mabuting malayo na ang loob niya sa akin at masanay siyang mawala ang presensya ko. Di kasi magtatagal lilipat na kaming US para magpagamot doon. Pag-uwi ko kasing bahay nakita kong umiiyak si mama at hawak-hawak ang resulta ng test sa akin kung saan positive ako sa leukemia.

Miss na miss ko nang kulitin si Viehcel. Lumipat din ako ng upuan kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Pero nabigla ako nang bigla niya akong kausapin at alam kong hinintay niya akong dumaan para kausapin. Kahit gustong-gusto ko siyang yakapin ay hindi ko magawa kaya wala akong pinakitang ekspresyon sa kanya. Napansin kong naiiyak na siya.

"What are you sayin?" Sorry Viehcel pero para sayo rin 'tong ginagawa ko. Mahal na mahal kita. Nakita kong tumulo ang mga luha niya, I want to punch myself because of that. Ayokong nakikitang umiiyak si Viehcel lalo na kung hindi ko naman siya pwedeng yakapin at patahanin. Iba na ngayon sa noon. Noon kapag pinapaiyak ko siya andyan ako para patahanin siya pero ngayon she will be the one who will wipe her tears.

Nasaktan ako nang sabihin kong hindi ko siya mahal dahil sa totoo ay mahal na mahal ko siya. Alam ko naman na mahal din ako ni Viehcel dahil ramdam ko 'yun. Para sayo tong ginagawa ko at sana darating ang panahon ay maintindihan mo ako.

Tinanong ko siya kung ano ang nararamdaman niya sa'kin kahit alam ko naman talaga. Kapag sinabi mong mahal mo ako pangako Viehcel hinding-hindi na ako aalis at lalaban tayong sabay sa sakit kong eto. Sabihin mo lang Viehcel hindi na ako tutuloy sa US. Alam mong kaya kong bitawan ang lahat para sayo. Ngunit hindi niya sinabi ang gusto kong marinig.

Umalis akong malungkot. Ayaw ko na sanang tumuloy pero pinilit ako nila mama. Sinabi ko sa kanilang wag sasabihin kay Viehcel ang lahat. Nag-undergo ako sa iba't ibang therapies para gumaling ako at makitang muli si Viehcel. Miss na miss ko na siya.

Hirap na hirap ako sa mga therapies na 'yun pero tinitiis ko para kay Viehcel at sa pamilya ko. Araw-araw tinitignan ko ang facebook, twitter or even instagram accounts niya para updated pa rin ako sa nangyayari sa kanya. Habang tumatagal ay gumaganda siya. Kaya niya naman palang wala ako sa buhay niya. Pero nang malaman kong okay na ako ay pinilit kong umuwi kami ng Pilipinas at doon na mag-aral para makita muli ang babaeng mahal ko.

Pag-uwi ko ay naging malupit ako sa kanya pero sa loob-loob ko ay gustong-gusto ko siya yakapin ng sobrang higpit. Ngunit nalaman na lang namin na bumalik ang sakit ko nang bigla akong isugod sa hospital. Doon na nagsimula ulit ang paghihirap ko. Narinig kong umiiyak si Viehcel ng malaman niya ang karamdaman ko.

Lubos ang saya ko ng malaman kong aalagaan ako ni Viehcel pero nalungkot din ako ng malaman kong hindi siya pumasok sa school ng sem na 'yon dahil babatanyan niya ako. Nasisira ko ang buhay niya kaya pinagtatabuyan ko siya pero dahil si Viehcel siya alam kong hindi siya basta susuko.

Hindi ako nagkamali at hindi nga siya sumusuko kaya hinayaan ko na siyang alagaan ako. Naging kami sa kabila ng sakit ko. Kahit minsan ay nasisigawan ko siya dahil sa irita ko pero hindi siya nagsawang alagaan ako. Alam kong nahihirapan na rin siya.

"Gwapo pa rin ba ako Vie-viel?" Biglang biro ko sa kanya kahit na alam ko sa sarili kong ang payat-payat ko na at nagsisimula nang magsilagas ang buhok ko.

"Oo naman Dan-dan, ikaw ang pinakagwapong lalaking kilala ko. Mahal na mahal kita Dan-dan." Natatawang banggit niya. Natuwa ako sa sinabi niya.

Kahit ano man mangyari sa akin andito lang ako lagi sa tabi mo. Kahit nang sinugod na naman ako sa hospital. Alam kong wala na talagang magagawa ang doktor kaya sinabi ko na rin kila mama na kung ano man ang mangyari gusto kong i-donate kay Zeke, sa best friend ko ang puso ko dahil kelangan niya ng heart transplant. Kahit mawala ako Viehcel. Tandaan mong mahal na mahal kita at gagabayan kita.You will be alright. I promise.

I love you so much.

Next to I HATE YOU, you got ME!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon