AKC 7

39 1 0
                                    


[LYCA]


Haay.. Ang hirap talaga gumawa ng sariling story. Huwag ko na nga ituloy at baka kapag nabasa pa ito ni arry kung ano isipin niya, quiet lang kayo about dito ah baka kasi mabasa niya before ko idelete. Kasama kasi siya sa characters sa stort ko. Kami ung gumaganap sa story. Meron pa naman dun na nanganganip ang buhay ko. Whaaa! Paano si crush kung ganun, di ba? Kaya echos ko lang un. Ganyan ang nagagawa ng mga taong walang magawa.



"Lyca!" Uh-oh. Nandiyan nanaman siya. Bago pa ako makatakbo nahawakan na niya ang braso ko.


"Lyca... Matagal na kitang itinatangi, kailan mo ba susuklian ang aking pagtingin para sa iyo?"


Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. Kalma ka lang lyca. Bawal sumigaw. Baka maeskandalo kayo dito. Nasa GYM pa naman kayo, at sa GITNA pa. Easy ka lang. Inhale,... Exhale... Haaaaaaa.



"Armando" mahinahon kong sabi, "hindi naman sa ano..." Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin "pero ano eh. Alam mo na, ano kasi"



"Ano?" Mahina niyang sabi



"Ah... Eh...." Wala akong masabi.



"Lycababes" what? WHAT THE?! Hindi ko na kaya ito! Kahit ano pa mangyari, wala na akong pakialam. Naiinis ako!



"Don't call me that endearment of yours. FYI, armando. Simula't sapul wala Ka nang kapagapag-asa sa akin. Bagsak na bagsak ka sa standards ko. Nakakaimbiyerna ang pagsunud-sunod mo sa akin. AT KAHIT KAILAN HINDING-HINDI AKO MAGKAKAGUSTO SA ISANG KATULAD MO!"



Hard na kung hard pero nakakaiyamot na eh. Isa siyang stalker na kailangan taguan ng taguan. Sunod ng sunod kahit saan aki pumunta kaya hindi ako mapalagay. Isang taon na niyang ginagambala ang aking tahimik na pamumuhay habang nagpapantasya sa aking super duper to the highest level na ultimate crush ko.


Pagkatapos kong isigaw ang huli kong pangungusap para sa kanya ay nagwalk out ako. Hindi ko na carry. Lumabas ako ng gym at pumunta sa field. Sana makita ko si crush na naglalaro ng soccer. Whaaa! I'm so kinikilig tapos titingin siya sa akin at kikindatan niya ako, mouthing 'para sa'yo to'. Para na akong hihimatayin aa kikig.



"Miss!"


*boogsh*


"Ouch" sabay hawak sa ulo ko. Ang sakit. Naalog ata utak ko dun ah. Parang nakakakita ako ng mga stars na umiikot-ikot. Unti-unti para akong naglalakbay sa ibang dimension. Nanlalabo ang paningin ko at parang nagiging dalawa ang isang tao na tumatakbo palapit sa kinalalagyan ko.


*black out*


[END]


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Assuming Kay CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon