**CHAPTER 9**

29 1 0
                                    

(Jessy's POV)

"Hoy Jessy! Bumangon ka na nga jan! Lagi ka na lang tinatanghali ng gising ah! Gabi ka na kasi umuuwi kaya puyat ka na lang palagi!"

Ayyysshhh!

Ang ingay na naman ni mama.

"Ma, sabado naman ngayon, wala ako schedule."

Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at pumikit na lang ulit.

"Anong wala?? Di ba may praktis kayo ng play niyo sa school ngayon?!"

(⊙o⊙)

Waaaa! Oo nga pala! Bakit ko nakalimutan?? Ngayon yung meeting ng members ng glee club sa campus para sa play! 8:00 ng umaga yun!

Dali-dali akong bumangon sa kama at naligo.

After 10 minutes...

"Ma, alis na ako!"

Dinampot ko yung pandesal sa lamesa at humigop lang ng kaunting milo.

"Aba! Hindi ka pa nga kumakain eh!"

"Doon na ako sa school 'Ma!"

"Magsuklay ka muna ng buhok mo Jessy! Mukha kang sinabunutan ng sampung bakla sa buhok mo!"

Psh. Kinalkal ko sa bulsa ng backpack yung suklay ko at agad na lumipad papunta sa gate.

"Bye Ma!"

7:50 na! Sobrang strikto pa naman sa oras yung president ng club namin.

Ayyttss! Pesteng buhok pa toh! Ayaw makisama. Buhaghag at buhol-buhol pa. Lakad-takbo na ang ginawa ko para umabot ako sa school at hindi maunahan ni president.

**pip pip**
**screech**

Dahil sa sobrang pagmamadali at pagiging busy ko sa mala-alambreng buhok ko, hindi ko na napansin yung paparating na kotse.

"Ayy palaka!"

"Oyy Miss, kung may balak kang magpakamatay, wag ka ng mangdamay! Baka makulong pa ko ng dahil sayo eh!" -- sabi nung driver na kamukha ni james bond pumorma.

"Sorry po. Sorry"

Hingi ko ng tawad with matching yuko-yuko pa para mukhang sincere.

"Brad, don't shout at her. Maybe she's just running out of time."

**blink**
**blink**

Bumaba yung window sa likuran ng driver's seat at sumilip ang isang ubod sa gwapo at perfect na nilalang.

(*^O^*)

Hindi pa naman ako namatay di ba?? Bakit may anghel na akong nakikita?? :")

"Miss are you okay?"

Tanong niya with a very concern face.

(>^ω^<)

(*¯︶¯*)

"Miss??"

He waved his hands in my face to see kung buhay pa ang aking katawang lupa.

"Miss??"

"Haa??"

"I'm asking if you're okay."

"H-a-aa?? Ahhh. Uo o-okay l-ang ako. Hehe"

Sheeek! Nakakahiya! Nagi-stammer pa ako sa harap niya. Masyado akong obvious! >.<

"Okay then. Mag-iingat ka na next time ha?"

I nod my head and smile.

"Hehe sige sige."

He smiled at me then command the driver to continue driving.

LET THIS STORY BE UNTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon