**CHAPTER 17**

23 1 0
                                    

(Jessy's POV)

Ilang oras na lang magsisimula na..

Kinakabahan na ako. Wala pa din sila Carmi at Jash para sa moral support daw nila.

"Tsk. Bakit ba hindi kayo nagrereply??"

Ayan! Kinakausap ko na sarili ko sa sobrang nerbiyos. Kanina pa ako pabalik-balik dito sa bleachers na nasa tapat ng social hall.

Marami-rami na rin yung mga mag-auaudition na naghihintay. It's only 8:00 in the morning, at mamayang 9 pa ang audition proper pero sadyang excited lang siguro yung iba kaya katulad ko silang maaga.

Oo na! Himala na nga at maaga ako! Pero ano ba magagawa ko kung kailangan ko munang kabahan bago gumising ng maaga.

Nasa kalagitnaan ako ng moment na sinusumpa ko na sila Carmi dahil wala pa sila nang biglang may tumapik sa balikat ko.

"Ayy palaka!!"

Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko dahil sa sobrang gulat. Bakit ba naman kasi biglang may mangangalabit sakin kita nang kinakabahan ako! Umikot ako para harapin ang kung sino mang tumapik sakin.

"Sorry. Nagulat ba kita?"

Oh My! Si baby Calvin ko pala. At tinawag ko pa siyang palaka!

Napahawak ako sa dibdib ko at nag-inhale exhale.

"Hindi naman masyado. Akala ko kasi kung sino." Umupo ako sa upuan na malapit sakin at tiningnan ang phone ko.

"May hinihintay ka ba?"

Umupo na din siya sa tabi ko. Shocking naman, lalo tuloy akong kinakabahan.

"Uo eh. Sila Carmi at Jash. Manunuod daw kasi sila sa audition ko, kaso wala pa sila."

Tiningnan niya ako sa mukha habang nakangiti. Ano ba naman yann!! Wag muna ngayon please!! Mahirap i-adjust ang feelings ko from nerbiyos to kilig.

"Ang sweet naman nila. Napaka-supportive. I wish I could also be friends with them, para may taga-cheer sakin pag tumutugtog."

Pwede naman akong mag-cheer sayo kung gusto mo..

Ayy pisti!! Ano ba tong pumapasok sa isip ko?

"Ah. Hehe. Pwede naman kayong maging friends."

"Talaga?? "

Nginitian ko na lang siya as a confirmation.

"Siguro I'll start hanging out with you so we can get along." He's still looking at me. Hindi ko tuloy maintindihan kung mag-aassume ba ako na baka may gusto din siya sakin kaya gusto niya makipag-hang out.

Nakuuu naman!Erase erase! Assumera na naman ako eh.

Wag muna ngayon.

"Nervous??"

Tanong niya maya-maya habang ako naman ay nakatingin pa din sa phone ko.

Hayy ganun na ba ka-obvious?

"H-ha??"

"Kinakabahan ka para sa performance mo mamaya?"

Actually mas kinakabahan ako kasi katabi kita

Err?? Ano ba yan! Wag ka muna kiligin puso. Saka ka na kiligin kapag tapos na tong audition na toh.

"Uo eh. Baka kasi pumalpak ako." I scratch my head as a sign of frustration.

"Don't worry. You'll have me all ears kahit pumalpak ka." Tinapik niya ako sa balikat atsaka ngumiti showing his all perfect set of teeth.

Sige na!! Kahit di ako makuhang lead role, okay na sakin! Quota na ako eh! :D

LET THIS STORY BE UNTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon