**CHAPTER 16**

20 1 0
                                    

(Kervin's POV)

Nandito ako sa tambayan ko sa likod ng engineering building at binabasa yung script ng play.

Sinusubukan kong i-absorb yung scenes at yung emotions na kailangan ilagay sa ilang act na ako yung live na tutugtog. Importante yun para hindi lang yung artist ang nakakadama ng scene, dapat pati yung music ay nirereflect din yung emotion. May mga portion na kailangan ko gumamit ng piano, yung iba naman kahit guitar lang.

Sinearch ko yung chords nung ibang kanta na hindi ko masyadong master ang rhythmn. Nagppraktis din ako sa music room nung ibang songs na through piano tutugtugin.

I was in the middle of practicing nang biglang dumating si Sleep Walker.

"Hoy, Kervert!" Sigaw niya sakin tapos hinagis sakin yung bag ng potato chip na pinabili ko sa kanya. Ihahagis niya din sana pati yung mountain dew in can ng sigawan ko siya.

"Don't you dare try throwing that drink to me! Iabot mo ng maayos! Kapag yan tumama sa mukha ko, irereklamo na talaga kita sa guidance. And will you please quit calling me Kervert! It's not so nice to hear."

Napilitan siyang lumapit sakin at padabog na nilapag yung inumin sa tabi ko.

"Bwisit ka! Ang dami mong arte. Hindi ka naman PWD para may tagabili ka pa ng pagkain." Aalis na sana siya ng bigla ko siyang tawagin.

"Bakit aalis ka na? Hindi pa kita pinapaalis! At... Hindi ganyan ang dapat na pakikitungo ng alipin sa master niya."

Yes. You heard it right. I'm her master now. She agreed with it already kaya wala siyang karapatang umangal. Tutal, dalawang atraso na ang nagawa niya sakin. The physical injuries and the accusation matter happened last last time nung pinagkamalan niya akong rapist, maniac, stalker at holdaper.

"Opo Master!" Sigaw niya with her most sarcastic tone at pumihit pabalik.

"Very good. Kung ganyan ka ba naman lagi, eh di wala kang problema."

Nakita kong siniringan niya ako. Tss. Lakas talaga ng loob nito, takot naman na magcommunity service.

"Psh. Feel na feel mong maging master! Bilisan mo na nga jan at may klase pa ako!"

Lalo ko pang binagalan kumain para maasar siya. Ganti lang sa ginawa niya. Mabuti na lang at napaka-uto uto pala nitong antukin na to! Pumayag agad sa agreement namin which happened last Monday..

**FLASHBACK**

Palabas na ako ng campus namin ng may marinig akong nagtatawanan. Not that I'm interested to what they are talking about, it just so happened that I've heard the name of Calvin followed by a familiar voice.

"Uyyy wag naman kayo masyado maingay guys, baka may makarinig sa inyo na kakilala si Calvin. Mamaya niyan sugurin ako nun at intrigahin. Sige kayo!! Nagsisimula pa nga lang kami maging close eh!"

"Yiiiii pero Jessy, ang gwapo talaga ni Baby Calvin mo! Kaya ka naman pala deads na deads dun eh!!"

"Ayy ewan ko sayo Carmi! Sinabing wag maingay eh. Yan talagang bibig mo parang megaphone, maghunus dili ka naman di ba??"

"Haha. Basta Jessy, ischedule na natin ang voice lesson mo, we only have 5 days left. At sisimulan na natin yan bukas!! Punta kami sa inyo ha? Ihanda niyo na ang videoke niyo!!"

Bla.. bla.. bla..

Sabi ko na nga ba. Si antukin pala toh at ang mga kaibigan niya.

Marami pa silang pinag-usapan hanggang sa makarating sila sa may sakayan. Hindi ko na masyado narinig dahil hindi ako masyadong lumapit sa kanila.

LET THIS STORY BE UNTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon