Chapter 3

23 4 5
                                    

Christyn's POV


KANINA pa kami naglalakad ni Ezekiel ng paikot-ikot sa school na para bang wala kaming pupuntahan habang binabalot kami ng katahimikan. Kanina pa talaga ako kating-kati mag salita pero nahihiya ako sa ginawa kong eskandalo kanina. Tsk ba't ka ba kasi umiyak ka sa harap ne'to Tyn?! Tsk!


 "Ahh/Zeke,"sabay naming basag sa katahimikan. This is really awkward. 


 Bumalot nanaman saglit ang katahimikan at saka ako nagsalita.


"A-ano y-yung s-sasabihin mo Zeke?" Naka nguso at nakayukong tanong ko sa kanya. Anak ng tinola! Nahihiya pa din ako sa ginawa ko kanina. Lupa kainin mo na ako please! 


"H-hindi ikaw na mauna." Kumurap-kurap ako ng marinig ko si Ezekiel na nabulol at parang namumula sabay nag iwas ng tingin. Totoo ba yung mga nakikita ko o imagination ko lang?


"Hindi i-ikaw na Zeke." At sa isang iglap ay tinalikuran at iniwanan nya ako at mabilis na naglakad. Nagtatanong ako tapos bigla bigla nalang akong tatalikuran? Hmp! Tinuruan ba sya ng good manners and right conduct ng magulang nya o di kaya ng mga teacher nya? Tsk!


"Don't just stand there, hindi tayo matatapos sa ginagawa mo." He said in a bored tone.


 Bigla akong tumakbo palapit sa kanya at hinarang s'ya.


"Panong matatapos e kanina pa tayo lakad ng lakad?" Nginusuan ko lang s'ya habang naghintay ng isasagot n'ya. Bumuntong hininga na lamang sya at nilagay ang kanyang kanang kamay sa sentido ng kanyang ulo at minasahe iyon.


"You know what Christyn? Wag ka nalang makulit at sumunod ka nalang sa'kin." Tila bang nagpipigil ng inis na aniya. Wala akong nagawa kung hindi humugot ng malalim na hininga at sumunod sa kan'ya. 


Gusto ko sanang mag tanong pero baka sumabog 'tong aktibong bulkan na kasama ko. Hays kung alam ko lang na balak nya mag walking trip sa buong school namen sana nag linis nalang ako mag isa. *Sigh *


"Christyn ano ba?!" Naiinis na tawag nya na sa akin. Namumuro na 'to e kanina bigla-bigla nalang tatalikod habang kinakausap tapos ngayon bigla-bigla nalang maninigaw. Tsss abnormal din 'to e.


Kinunutan ko sya ng noo at tinaasan ng kilay at saka sumagot.


"Ano ba problema mo? Naninigaw ka ng walang dahilan magkalapit lang tayo oh hindi ako bingi! Tsss." Nalaglag na lang ang kanyang panga sa sinabi ko at muling naghilot ng sentido at napatalikod. Ano ba kase problema non? Tsss. 


"I'm calling you by your name and you just ignored me for the nth time! Wala ka bang balak pansinin ako?!" Kalmado pero bakas ang sarkasmo sa kanyang pananalita habang ako naman ay nalilito. Di nga sya nagsasalita kanina pa tapos tinatawag nya daw pangalan ko? Baliw amputek. Tsk tsk tsk tsk.


"Edi sana kung wala akong balak pansinin ka edi dapat kanina pa kita hindi pinansin." I tried not to sound sarcastic but I failed.

Capturing Christyn's HeartWhere stories live. Discover now