Chapter 4

18 3 1
                                    


Christyn's POV


NANDITO pa din kami ni Ezekiel sa canteen habang hinihintay kumonti ang mga estudyanteng nandidito pa sa school. Napag pasiyahan kasi naming dalawa na doon nalang maglinis para wala masyadong abala sa mga lilinisin namin.


Malaking school kasi ang Javier International University kaya pinagbawalan ang pagkakalat kung saan-saan dahil kahit marami ang janitors at housekeepers dito sa school ay nahihirapan pa din silang maglinis. 


Buti na lang ay may katulong kami sapaglilinis kung hindi ay baka abutin kami ng siyam-siyam kung kami lang dalawa. Napabuntong hininga nalang ako sa kawalan ng isipin ko kung gaano kami mapapagod ng kasama ko ng dahil sa akin.


"Wooh that's deep, ano ba kasi yung iniisip mo? Is it about our penalty? Don't worry madami tayong katulong. Sasabihin ko nalang yung mga janitors and janitress na sila na mag linis ng CRs magpupulot nalang tayo ng kalat sa labas." Sabi ni Ezekiel sa kalmadong tinig at nginitian ako na para bang sinasabi niya na magiging okay lang ang lahat. Tumango nalang ako sa kaniya at gumanti ng ngiti.  


2:00 PM ang class dismissal ng lahat ng klase. 2:30 PM na pero madami pa ding estudyante para magkumpleto ng mga naiwan nilang activity for this day. 


In this school required na tapusin mo ang daily tasks mo para hindi ka na mahirapan sa paghahabol sa pasahan ng clearance. 


Quarter to 3 na ng tignan ko ang aking relo. Tinapik ko si Ezekiel at sinabihan s'ya na maglinis na kami para di na kami ma late sa pag uwi. Tinanguan nya lang ako sabay tumayo sa aming kinauupuan. Haaay kung hindi lang umiral ang kabaliwan ko ay hindi na kami mapaparusahan ng ganito.


Papunta kaming parking lot ng school at nakita ko naman yung kuya ko. Nakita ko naman na masama ang titig n'ya sa akin at sinundan niya din ng titig ang kasama ko. 


"Saan ka ba galing? I've been waiting here for almost 1 hour!" Mainit ang ulo tsk. Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Ezekiel. Tsk laging epal kapag ako nayari neto ilulubog talaga kita sa upuan mo bukas.


"Bro easy may pinagawa kasing task sa'min si ma'am Bautista. We're not done yet so baka mamaya pa kami makauwi." Sabi n'ya habang nakataas pa ang kamay. Tsk abnormal.


"Totoo ba tyn?" Naniniguradong tanong ni kuya kay Ezekiel habang naka kunot pa din ang noo.


"Wala ka bang tiwala saken Toni? Wag mo nga'ng kunutin yung noo mo you look like an bitter melon pfft!" Siniko ko lang si Zeke nung nakita ko na seryoso si kuya Toni habang naka halukipkip ang kanyang kamay.


"Yes kuya, baka maya-maya pa kami makauwi pakisabihan nalang sila papa na mejo male-late ako ng uwi magco commute nalang ako." Sabi ko ng nakangiti sa kaniya para masigurado niyang okay lang ako. 


Tumango lang si kuya at binuksan yung kotse at saka pinaandar ang makina. Tumapat sya sa amin at binuksan yung binta at sinabing mag ingat daw ako at tinanguan nya nalang ang kasama ko. 

Capturing Christyn's HeartWhere stories live. Discover now