Chapter 1

32 6 6
                                    

Christyn's POV

"GOOD morning world! Good morning baby!" Bati ko sa Hello Kitty na stuff toy na nasa tabi ko. Yes mahilig ako sa Hello Kitty, sino ba namang hindi mai-in love sa isang napaka cute na pusa, 'di ba?


Pagkatapos kong magdasal ay niligpit ko agad ang kama ko at nagpunta sa banyo para gawin ang morning rituals ko. Saktong pagtapos ko maghilamos at mag tooth brush ay may biglang kumatok sa akin pinto.


"Tyn, baby anong oras na aba anong balak mo? Ma le-late ka na sa school mo anak ng tinola!" Pagkaluwang-pagkaluwa sa pinto ni Daddy ay agad nya akong pinag sabihan.


Tsktsktsktsk hays...


"Yes Dad, bababa nako kakagising ko lang pinapagalitan nyo agad ako." Naka-ngusong sabi ko habang pababa na sa kusina para kumain.


Habang pababa ako at nakita ko nanaman yung magaling kong Kuya habang nakagayak na at parang papasok na... Teka anong oras na ba?


"Oh, Kuya ang aga mo naman yata gumayak?" Takhang tanong ko habang may nabuong nakakalokong ngisi sa kanyang mukha habang unti-unting tumitig saken.


"Ahh HAHAHA may pupuntahan pa kase ako maaga pa naman mauuna na ko sayo ah dadalin ko yung kotse mamasahe ka nalang ha," animong parang malambing na ani nito pero halatang may balak syang gagawin. 'Di ko na iyon pinansin at tumango nalang sa kanya at dumiretso sa la mesa at saka kumain.


Pagtapos kong kumain ay napapitlag akong napatayo sa aking inuupuan nung makita ko ang orasan sa bandang taas ng pader kasabay ng tunog ng humarurot na kotse at sabay bumomba pa ito...


No no no no no you gotta be kidding me....


"Kuyaaaaa!" Humahangos na sigaw ko habang tumatakbo palabas ng bahay! Takte male late nakooo bakit di nila ako ginising?! Lagot sakin yun pagdating ko ng school. Ang pro-problemahin ko muna ay yung reason ko sa 1st subject ko kung bakit ako late anak ng tinola!


~~few minutes later~~


"Why are you 45 minutes late Ms. Fernandez?" Mataray na sabi ng terror teacher ko, shit! I'm dead!


"Ahh ehh a-ano p-po k-kasi Ma'am h-hhehheheheh," she stared at me blankly. Anak ng tinola naman parang sasabog na yung dibdib ko sa sobrang kaba! Ano ng gagawin kooo?!


"What Ms. Fernandez?" She said in a cold tone. Now I'm starting to get scared and nervous even more!


Sakto namang dumating yung malanding lalakeng yun na feeling campus crush na si Ezekiel por que isa sila sa mga stockholders ng school e ang yabang yabang na nya panget panget naman! Tsss..


"Sorry Ma'am we're late inutusan pa po kasi kami ni Dean na dumaan sa office nya para kausapin kami." Is he saving me? Nakakapagtaka...


"Is that so?" Marahang tumango si Ezekiel na may kasamang pag galang at tsaka ngumiti.


"Okay, come in." Di ako makapaniwalang tumingin sa kanya at tumitig din sya sakin habang papasok sabay kindat! Ang lakas din naman ng apog netong lalaking to eh no, pero sabagay niligtas nya naman ako pagbibigyan ko nalang sya sa ngayon.


"What are you waiting for Ms. Fernandez?" Wengya di ko napansin na nakatulala na lang pala ako baka mapaginitan pa ko ng teacher na to.


"Sorry ma'am." Sabi ko nalang sabay pasok at nagmamadaling pumunta sa tabi ng best friend kong si Tasha.


"Uyy an'yare bakit ka na late?" Kunot-noong tanong sakin ng best friend ko habang binabalot ng pag aalinlangan ang kanyang mata.


"Etong magaling kong kuya iniwanan ako bwiset pag nakita ko lang yun sa canteen makakatikim sakin yun!" Gigil na bulong ko sa katabi ko.


"Are you saying something Ms. Fernandez? Late ka na nga may gana ka pang dumaldal." Ka malas-malasan pa nga o oh napansin pa ko ng teacher ko tsk!


"Sorry po ma'am Alarcon." Magalang na ani ko sabay tumahik nalang at narinig ko namang bumungisngis sa likod ko yung feeling pogi na yon. Kaasar!


Mabilis na lumipas ang oras sa loob ng classroom namin. Hindi ko manlang namalayan na nakaka 4 na subject na pala kami at may narinig nalang akong bell na ang ibig-sabihin ay lunch break na. 


Nakita kong nakatingin sakin si Ezekiel na may nakakalokong tingin at para bang nang aasar iyon. Inirapan ko lang sya sabay labas papuntang canteen.


At kung mamalasin ka pa ay makikita mo pa yung dahilan kung bakit ka na late kanina. The nerve! Dali dali akong lumapit kay kuya at habang tahimik syang kumakain ay tsaka ko sya binatukan.


"Ano ba?!" Tanong nya habang hihimas yung dibdib marahil at nabibilaukan. HAHA!


Gulat syang napatingin sakin at nangunot ang kanyang noo at nag tagis ang kanyang bagang ng nakita nya ko. Pikon BWAHAHAHAH!


"Oh baket?! Baka nalilimutan mong may kasalanan ka saken?" Mataray at taas-kilay na tanong ko habang nakatitig sa kanya.


Di na sya nag abalang sumagot sa halip ay tumitig nalang sya saken sabay taas ng kanyang pang gitnang daliri. Whatever!


Agad akong um-order ng aking pagkain at umupo sa harap ng aking kuya. Tahimik lang kaming kumain habang nag desisyon na akong basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.


"Bakit di nyoko ginising kanina?"
Naka ngusong tanong ko habang naka tingin sa kanya at tsaka sumubo ng pagkain. Ngumiti naman sya sakin at bumalik lang sa pag kain.


"Ginigising ka ni Dad kanina pero ayaw mo talagang magpagising tssss. Tulog mantika ka talaga kahit kelan."
Iiling-iling pang aniya tsaka nagpatuloy kumain.


"Eh bakit mo'ko iniwan?" Nagtatampo at naka ngusong kunwaring tanong ko kahit alam ko naman sa sarili ko yung sagot.


Ngumisi naman sya at saka umiling-iling.

"Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Hihintayin kita tapos dalawa tayong male-late? No way asa ka." Mayabang na tugon nya habang nasa pag kain pa din ang kaniyang paningin.


"Buti nalang niligtas ako nung panget na yon tss," wala sa sariling naisip ko sabay nag iiling-iling. Wala sa sariling napangiti ako at nagbaba ng tingin. Bakit ako ngumingiti? Tinatablan ba ako ng charms nya? No way.


"Anong sabi mo?" Kunot noo at salubong ang kilay na tanong ni Kuya saken. Paulit-ulit akong napalunok at saka tumitig sa kanya.


Did I just said it out loud?


"Ha? Ano? May sinasabi ba ako? Wala naman ah? Hehehehhe." Wala sa sariling banggit ko.


"Siguraduhin mo lang." Sinabi nya sa nagbabantang tinig at pabagsak na binaba ang kutsara at tinidor.


Problema no'n?


Padabog syang tumayo at bigla nalang umalis. nginusuan ko na lamang sya at saka nag subo ng isang kutsarang kanin na may kasamang ulam.


Nang matapos akong kumain ay agad akong naglakad patungong classroom at tsaka umupo sa aking upuan. Kasabay naman ng pag upo ko ay dumating ang aming teacher sa English at sabay sabay kaming tumayo upang mag-greet sa aming teacher.



Ugh another terror teacher!


"Good afternoom Ma'am Cruz," wait parang ako lang yata yung bumati?


Takha akong lumingon sa mga kaklase ko at kinunutan ko sila ng noo ng makita kong nagpipigil sila ng tawa at si Ezekiel na di na mapigilan ang kanyang bungisngis.


What the hell is happening here?


©ZekiMorningstar

Capturing Christyn's HeartWhere stories live. Discover now