Chapter 7: Clubmates

3 0 0
                                    

“Asan ako? Ba’t black and white yung nakikita ko? Hindi ko naman room to ah!”- sabi ko sabay upo sa kama.

May damit pa naman ako. AHA! Kila Nate pala ako. Pero, ba’t ako sa kama niya? T_T huhuhu..

Wala na rin yata yung bagyo..

Tumayo na ako at kinuha yung bag ko at naglakad. Nakita ko si Nate sa sofa. Hinawakan ko yung leeg niya at salamat naman, wala na siyang lagnat. Umalis na ako ng bahay nila. Nilock ko yung pinto at gate nila..

------------------------------------

“At saan ka naman tingin mo nanggaling ha, Zoe?”

“AH, hehehe, sa kaibigan ko po, diba may sakit siya?”

“Hala, sige pumasok ka na sa kwarto mo at mamayang tanghali ka na lang pumasok sa school, at anong oras na,”- hay, salamat naman.

“Opo Nay Rosy”

“Hay!”- sigaw ko sabay higa sa kama. Grabe, nakatulog ako na wala si Detty? For the first time..

Pero nung nakatulog ako, parang may narinig talaga ako eh, sabi pa nga, “Thank you Zoe sa pag-aalaga sa akin. Magaling kang nurse. Na-appreciate ko talaga yung ginawa mo,”- at naramdaman kong dumampi yung labi niya sa noo ko..

Tsk. Panaginip lang yun for sure. Para kasing hindi si Nate yung nagsalita..

Binuksan ko na yung cellphone ko. Aba! Infairness, 99 messages at

AYUn! 100..

Sino ba nagtext?

Yung mga best friends ko lang naman. AT yung last ko na receive ay yung message ng isang anonymous number.

From: anonymous number

Message:

Zharina, thanks nga pala sa pag-aalaga sa akin. Kita na lang tayo mamaya sa school..

End of message

“Hmmm, dapat lang no. Ready na nga for school”

--------------------------------------------------

“Naku, Zoe, kahapon ka pa kailangan sa Student’s Council Government Office,”- sabi ni Loise.

“Ganun ba? Naku, sorry talaga, Ms. President, busy eh”

“AHA! Mabuti pumasok ka na Zoe, kahapon ka pa hinahanap ni Master para sa Taekwondo Club para sa mga newbies. Hehehe, sumali pala si Zake”- halata namang kilig na kilig tong si Emp.

Naku! Kahapon lang ako absent marami na agad ako kailangan gawin.

“Okay, sige, sige, pupunta muna ako sa SCGO ha?! Tara Ms. President”

“Anong nangyare Zoe? Nakalog na siguro yang utak mo, tsaka, sigurado akong good mood ka, Ms. President tawag mo sa akin eh, ano?!”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 29, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

First Page of Our StoryWhere stories live. Discover now