His Weird Actions
by. @mariescribbleWe got a new teacher. Lalaki. Parang masungit, bago raw dito sa unibersidad namin at kakagraduate lang. If I'm one of my classmates, naglalaway na ako sa kaniya ngayon. But then, I really find him so weird, parang may kakaiba sa kanya na hindi ako na-aatract.
Maraming pasekretong sumusulyap sa kanya, pero mga takot naman kapag tumitig siya. He's strict when it comes to classes, and sadly, siya 'yung na assign na adviser namin.
It's monday, cut off 'yung classes kasi may meeting daw 'yung mga teachers. Isa isa ng lumalabas ang mga kaklase ko, pero si Sir James nasa teacher's table pa rin at seryosong nakatutok sa laptop niya. Hinihintay ko lang 'yung sundo ko, mainit kasi sa labas kung doon ako maghihintay.
I was fixing my things inside my bag when I felt someone staring at me. Wala na 'yung mga kaklase ko kasi excited na gumala lalo na't cut off. I stopped from what I was doing then look over my shoulder. Nahuli kong nakatitig si Sir James sa akin, nag-iwas naman agad siya ng tingin at nagkunwaring busy sa laptop niya.
I felt my heart beats faster that its normal beat. Mas minadali ko 'yung pagliligpit at mas piniling sa labas na lang maghintay. "Uwi na p-po ako, Sir." Paalam ko, ramdam ko pa rin 'yung paninitig niya hanggang sa paglabas ko. Ba't ang bilis ng tibok ng letche kong puso?
_"Bye, Kim! Goodluck sa audition mo. I really need to go home na, may iuutos si mama, e!" Kinabahan naman agad ako nang kumaripas na ng takbo paalis si Mia na siyang bespren ko sa klase.
Sir James was busy with his laptop, again. Ramdam ko 'yung mga sulyap niya sa akin na siyang nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Niligpit ko na agad ang mga gamit at umalis na hindi na nagpaalam sa kanya.
_"Ms. Naviedad," I stopped from walking at hinarap siya. Sana hindi niya mahalata na kinakabahan ako everytime na tinititigan niya ako. I saw his lips moved, pero walang lumabas na dugtong sa pagtawag niya sa akin. Nakatitig lang siya sa akin na para bang nagdadalawang isip. Ugh, ano bang nangyayari sa akin? Hindi ko naman siya bet, ah?
"Y-yes, Sir? May iuutos ka po ba?" I asked. He let out a light chuckle. Umiling siya, pero ramdam kong may gusto siyang sabihin. Ano ba 'yun?
"Nevermind. By the way, I want you to drop the formality kapag tapos na ang klase. We can be friends naman. Ingat ka sa pag-uwi." Nilagpasan na niya ako pero ramdam ko talagang may gusto siyang sabihin.
And what did he just say? What's with dropping the formality, though? What does it mean? Friends?
Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko at hindi napigilan ang ngiti. Ang landi mo, Kim! Ugh.
_"I'll just inform you kapag nalabas na 'yung result sa audition niyo, ah?" The dancer who conducted the audition told us after the event. Bakas sa amin ang pagod at gutom. It's already 7pm, sobrang dilim na sa labas.
Nilagay ko na 'yung tubig at towel sa bag ko at lumabas na sa auditorium. Naglalakad na ako sa hallway nang maaninag ko malapit sa gate si Sir James. Nakayuko ito at para bang malalim ang iniisip. Napansin naman niya agad ako at ngumiti. Shet.
"Uh, Kim. Pauwi ka na ba?" He asked. He's not wearing their uniform anymore, but a clean white polo that made him look more handsome.
His actions are just too weird and so does his question, sinagot ko pa rin. "Opo, Sirㅡ shet, I mean, Jamesㅡ that's so weird. Sorry." Nauutal kong sabi na siyang nagpatawa sa kanya ng malakas. Nge, pa-fall.
"Ang cute mo." Okay. Puso ko tinapakan na ng adviser namin. "Can I take you home? O samahan ka hanggang sa parking lot?" He offered. Strict ang parents ko at may sundo ako, so pumayag na lang ako sa offer niyang sabay kami palabas hanggang sa parking lot. "Uhm, let me c-carry your bag. Uh, p-para hindi ka mabigatan." Hindi pa ako nakakasagot ay agad naman niyang kinuha 'yun at parang naging balisa. Nauna siyang maglakad at sumunod na rin ako.
What made him more weird is that his questions. Sinagot ko naman agad 'yun, alam mo 'yung feeling na komportable ka naman sa kanya pero kapag nagsalita na siya parang may kakaiba?
_
Nagpatuloy ang mga araw na ganoon si Sir James. Nakakahalata na nga ang mga kaklase ko e, kasi naman kahit sa klase sa akin pa rin siya panay tingin. Nakaka-intimidate lang talaga 'yung titig niya, kasi mula ulo hanggang paa.
"Hoy, dai! Ano meron sa inyo ni Sir? Like ma-issue kami, e, kasi pinoy kami. So, ano na? Paliwanag mo naman 'yung paninitig niya ta's sabi sabi pa na tuwing uwian ng practice ng sayaw niyo inaabangan ka niya. Oh my gosh, Kim! Nakabingwit kang gagaㅡ" tinakpan ko agad ang bunganga niya kasi pinagtitinginan na kami sa cafeteria.
"Wala. Hindi ko rin alam!" I rolled my eyes on her, but she just laughed it off at nagbato pa ng maraming tanong na hindi ko alam ang isasagot.
_"Ms. Naviedad, pinapatawag ka sa office ni Sir James. Bring your bag na rin daw." Sakto naman ang pagpapatawag sa akin kasi last subject na namin 'to. Hindi ko maiwasan na kabahan, kasi nitong mga nakaraan, iniiwasan ko siya, aaminin ko 'yan.
It's just so weird kasi, e. If ever na may nararamdaman siya sa akinㅡ oo na, assuming na! If ever lang naman, e. So, if ever na may nararamdaman siya sa akin, siya 'yung masisira. I'm starting to like him and it's not healthy, ako na 'yung iiwas para sa kabutihan niya.
Huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang doorknob para makapasok sa opisina niya. He welcomed me with seriousness. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ang gwapo niya sa eyeglasses niya!
"Sit down."
Ilang minuto kaming tahimik, I want to ask him what's wrong kasi parang may gusto siyang sabihin, pero nagdadalawang isip siya.
"I'm not going to think, again and again, Kim. I want you to know the reason behind my actions, 'cause I can feel that you're getting confused and I'm sorry to make you feel that, sweetie."
Ito na naman 'yung abnormal kong puso. Sobrang lakas ng tibok na tanging siya lang 'yung nakagawa. What's with him ba kasi? He sighed then there he goes again with his head-to-toe look!
"I just w-want to ask you kung saan mo nabili 'yang bag at sapatos mo, at kanino inspired mga outfits m-mo?" He then smiled shyly. "I love it kasi, e."
Did I just hear a manly voice with a manly feature asked where did I buy my bag and shoes? Did I just see the twinkle in his eyes just looking at my things? Okay. Ang sakit. Pusong babae pala 'yung nagpapatibok ng puso ko.