IN A BOOKSTORE
by. @mariescribble
Napaubo ako nang malanghap ko ang alikabok galing sa librong nililinisan ko. I smiled at my foolishness. Ilang minuto na paglilinis at pinuntahan na ako ng kasama ko para mag meryenda.
“Asprey, tama na muna 'yan, girl. Bago bago mo rito ha tas sipag mo na agad.” Bea, my co-worker here in this small bookstore, laughed. I smiled at her at sumunod na sa kanya.
I got myself a new job. Dito sa maliit na tinayong bookstore, maayos naman ang suweldo kaya pinatulan ko na. I really need money for my living. Ako at si Bea lang ang nagbabantay dito since gaya nga ng sabi ko, hindi ito kalakihan. Matagal na raw siya rito at 'yung pinalitan kong babae ay buntis kaya tumigil na.
In my first week, everything was smooth. Hindi naman gaanong nadadayo, pero kumikita naman ang tindahan na 'yon. And our salary don't depend on the costumer we'll have. 'Yun pa rin naman. So, hindi naman kami lugi ng coworker ko.
My life in that bookstore was normal. Really normal. Not until when he came, wearing a genuine smile and a friendly stares.
Tumunog ang bell hudyat na may pumasok. Hindi ko nilingon pero binati ko pa rin. I was too busy reading a book.
“Hello, good morning! Welcome!” I greeted. Nang hindi siya magsalita, nilingon ko na ang taong 'yun. A guy wearing a smile and staring straight at me. Okay, awkward.
“Hi!” he finally spoke. He was still wearing a smile. Nakakahawa ang ngiti niya kahit nagmumukha na siyang timang kaka-ngiti. He handed me a piece of paper, ilang segundo ko pa 'yung tinitigan, puzzled by him and by the paper. Na realized ko na baka nandoon ang listahan ng librong bibilhin niya. Nahihiya ko iyong kinuha and I heard him chuckled.
Umalis ako sa counter para hanapin ang librong gusto niya. Ramdam ko naman na nakasunod siya. He's friendly. Habang hinahanap ko ang librong gusto niya, he kept asking me questions. I don't mind, though.
“You're new.” it wasn't a question, I faced him and smiled. Bakit niya alam? Regular costumer kaya siyaㅡ “Kasi kung matagal ka na rito, you'll immediately spot the books I'm asking.” and then he chuckled.
It was the first time I met Angelo. After it, madalas na siya sa bookstore. Hindi ko nga alam kung ba't nagiging madalas siya at 'di na lang bilhin gusto niya para 'di na siya magpabalik balik. Kapag bumibili siya, hindi siya agad umaalis. Umuupo siya sa sofa ng bookstore. Since costumer siya, ini-entertain ko by answering his questions. Just random questions, and I eventually grew fond feelings for him.
Walang araw na hindi siya dumadalaw and it was just so satisfying. Nagduduty ako na excited at umuuwi na may ngiti sa mukha. I like him.
Tuwing tumutunog and bell hudyat na may pumasok at saktong 3pm, agad na kumakabog ang dibdib ko sa kaba at excitement. And I am always right. Si Angelo ang iniluluwa ng pinto. May matamis na ngiti sa labi at mga matang nakatitig agad sa akin.I never confessed my feelings, wala rin naman siyang nasasabi sa nararandaman niya sa'kin. It's kind of confusing me, but what can I do? It makes me happy. He makes me happy.
3pm ang bisita niya sa store, pumipili ng libro, binabayaran, nakikipag-usap sa'kin hanggang sa 'di na namin namamalayan ang oras. 5pm, sabay kaming uuwi. Kumakain muna ng hapunan bago ako ihatid sa amin. He even met my parents. Kaya noong tinanong ako ng magulang ko about sa relasyon ko sa kanya, wala akong naisagot.
