So ayun na nga. Naiwan kami ni Chanyeol magisa. I mean dalawa dito sa music room. XD Ano kayang paguusapan namin. Lalayuan na ba niya ko? O aagawin ako sa boyfriend ko 'kuno'. Magsosorry ba ko? O hahayaan nalang siya ang magsalita. Haist! Eottoke? what to say?
SILENCE.......
Enbeyen te se chenyel. 6 mins. had already passed but he didn't say any single word. Ni Ha ni Ho wala. -_- Parang may titigan challenge sila nung sahig eh. kanina pa siyang nakatingin lang dun. di man lang ako kinakausap. pinaiwan niya ko yet he is just staring at the floor the whole time. sinasayang niya lang oras ko. tsk. -_-
"Chanyeol" "Dara" sabay naming sabi.
"Sige, una ka na" we said in unison.
"Hindi, ikaw muna" we said again in chorus. ano ba ito? speech choir? duet?
"Okay fine. Ako na muna." Sabi ko kay Chanyeol. I took a deep breath before speaking.
Okay. This is it.
"Chanyeol I just want to say sorry kung nasigawan kita the last time I rejected you. Di ko na napigilan eh. Medyo nakakairita na kasi. But I admit it na na amaze ako sayo. Wanna know why?" Di ko na siya hinintay magreply at pinagpatuloy ko na ang pagsasalita ko. "Kasi kahit na ilang beses kitang ipagtabuyan nandiyan ka pa rin at nangungulit ulit. I like your perseverance, determination, fighting spirit. basta I like your attitude." medyo napangiti siya sa sinabi ko at namula ng konti lalo na yung tenga. parang nabuhayan siya ng loob.
"Hey don't get me wrong ha. Kung inaakala mong na-fall ako sayo pwes nagkakamali ka." napawi yung ngiti at tuwa niya. He was forlorn when he heard the last thing I said.
"I'm so sorry talaga kung hindi ko masuklian yung wagas na pagmamahal na ibinibigay mo sakin. Alam kong hindi sapat ang sorry ko. Ilang beses na kitang nasaktan emotionally at ayoko nang palalain pa yun. I know you deserve someone. Someone who is way better than me. Yung hindi ka sasaktan. You have the personality that makes you one of a kind. Madami namang iba diyan. Di ka naman pangit, in fact ang dami ngang nagkakandarapang babae sayo eh. Mabait ka, you're so sweet and special. Siguro hindi ako ang nakatakda para sayo and I know makikilala mo din siya sa tamang panahon." nakayuko lang si chanyeol at tahimik na nakikinig sa madrama kong speech.
"I have a boyfriend now chanyeol and I love him so much. Di ko kayang mawala siya sakin. And he feels the same way too. Sana maintindihan mo." Nakayuko lang ako habang nagsasalita.
Yeah I have a boyfriend now. as in ngayon lang talaga. ngayong araw. ang galing ko magsinungaling. huehue. Patawarin niyo po ko.
"I hope you'll find your true love and true hapiness soon chanyeol. Pwede pa naman siguro tayo maging friends diba? It's never too late. If that's alright with you." Tinignan ko si chanyeol at nakita kong umiiyak siya. Omooo. hala. pinaiyak ko si Park Chanyeol. Di ko alam kung anong gagawin ko. Pano ko siya papatahanin. Paano ko siya i cocomfort kung ako ang dahilan kung bakit siya umiiyak ngayon.
Sabi nga nila walang ibang makakagamot ng pagkabigo mo kundi ang taong tao lang na nagpasakit sayo.
Napagdesisyunan kong lumapit sa kanya at yinakap siya. Pero lalo lang siya humagulgol. I've never seen a man crying before. Naiiyak tuloy ako. :'(
Hinayaan niya lang akong yakapin siya at hinayaan ko nalang din siyang umiyak. para kahit papano ay mailabas niya ang sakit na nararamdaman niya. I guess we stayed like that mga 10 mins. siguro.
Nang medyo nahimasmasan na si Chanyeol ay kumalas siya sa pagkakayakap ko at pinunasan niya ang kanyang mga luha na pilit paring tumatakas mula sa kanyang mga mata. Tumayo na siya at dali daling tumakbo papalabas. Tinawag ko siya ngunit di niya ko nilingon at iniwan akong nagiisa.