Bata pa lang ako ay tampulan na ako ng tukso. Lahat na ata ng pangit na salita na pwede nilang ikabit sa pangalan ko ay narinig ko na.
Ako nga pala si Alodia Beauty Czarina Villamayor, Czacza ang tawag ng pamilya ko sa akin. Sa totoo lang hindi naman ako ganun kapangit. Hindi ko din alam kung bakit nila ako inaasar, hindi naman ako maitim, fair complexion to be exact, singkit ang mata na tipong nakapikit na, matangos ang ilong, medyo makapal ang labi ko, mahabang kulot ang buhok ko. May kaibigan ako, Bea ang tawag nya sa akin. Siya si Dylan Eliza Faye Zamora, naging kaibigan ko sya dahil magkatabi kami lagi sa seating arrangement pag-alphabetical. Iza tawag ko sa kanya. Siya ang tumayong tagapagtanggol ko since nung nasa pre-school kami. Maganda si Iza, maputi, singkit, matangos ang ilong at manipis ang labi. Maganda at makintab ang mahaba nyang buhok.
Pagtuntong ko ng grade five ay nagsimula na akong gumamit ng eyeglasses dahil lumabo ang mga mata ko dahil sa kakagamit ng gadgets. Yun ang naging libangan at kaibigan ko dahil bukod kay Iza wala nang gustomg makipagkaibigan sa tulad ko. Bukod sa eyeglasses ay pinagawan na din ako nila mommy ng braces kaya lalo ata akong pumangit.
"HUY ANDYAN NA ANG PANGIT! HAHAHAHA!" sigaw ng isang lalaki pagbaba ko pa lang ng kotse."WOW ANG GANDA NG SALAMIN NYA, BAGAY SA PANGIT NYANG MUKHA!" sigaw pa ulit ng isang estudyante. Sa sobrang hiya ko, naglakad na lang ako ng nakatungo patungo sa classroom. Tumungo ako sa desk ko habang nag-aantay ng bell para sa flag ceremony.
"HOY PANGIT TAMA YAN YUMUKO KA NA LANG PARA MABAWASAN ANG TULAD MONG NILALANG! HAHAHA!" napapaiyak na lang ako sa sobrang panliliit dahil sa pangungutya nila.
*kriiiing..kriiiing..*Dahil flag ceremony na, unti unti na akong umalis sa pagkakayuko. Hinantay kong mangunti ang mga estudyanteng pababa bago ako bumaba.
"AYAN NA ANG DYOSA NG MGA UNGGOY!" sigaw nung mga lalaking nakatayo sa pasilyo. Hindi pa sila nasiyahan at tinalapid pa ako nung isa kaya tumalsik ang salamin ko. Para akong bulag na may hinahanap habang umiiyak. "Nasan ka na Iza, kailangan kita." bulong ko sa sarili. Naramdaman ko na lang na may tumulong saking tumayo at iniabot ang salamin ko.
"HOY KAYONG MGA KABAYO KAYO, SINO NAGSABING AWAYIN NYO KAIBIGAN KO? KAKAPAL NYO AH, BAKIT GWAPO BA KAYO HUH? HUH?" malakas na sigaw ni Iza. Thank God at nandito na si Iza, ang nag-iisang tagapagtanggol ko.
"TAKBO NA MGA TOL, NANDYAN NA ANG SAVIOUR NG UNGGOY HAHAHA."
"TSE, MAGSILAYAS NA KAYO MGA BWISIT!"
"Thanks Iza. Dapat hindi ka na tumulong baka pag-initan ka pa nila eh. Madadamay ka lang sa pambubully nila sakin." mahina kong sabi sa kanya.
"Ano ka ba, magkaibigan tayo kaya dapat lang na magtulungan tayo. Walang iwanan huh Bea?"
"Sige." tapos nagpinky swear kami.Mabilis na lumipas ang panahon at graduation na namin sa elementarya. Masaya ako dahil ako ang naging valedictorian at salutatorian naman ang kaibigan kong si Iza. Bilang valedictorian ng taon ay may speech ako, ngunit bago pa ako makaakyat sa stage ay may namato na ng kamatis at mga papel sakin hanggang sa mapatumba ako. Sa sobrang kahihiyan sa mga guro, kamag-aral at mga magulang ay nagsimula na akong tumakbo papunta sa alam kong ako lang ang nakakaalam, ang lumang tambakan ng mga sirang silya sa likod ng building. Hindi to pinupuntahan ng mga estudyante dahil sa mga kwentong nakakatakot. Pagpasok ko pa lang ay agad nang nagsimulang mag-unahan sa pagdaloy ang mga luha ko at sumalampak na sa maruming sahig.
"A-ano baaang k-kasalanan koooo? Kasalanan bang maging p-pangit?" sigaw ko sa loob ng bodego. Tumungo ako upang maitago ang luha ko kahit alam kong wala namang nakakakita. Sa tinagal ng pag-iyak ko ay kusa nang tumigil sa pagdaloy ang luha ko, tanging hikbi na lang ang maririnig sa loob. Dahil sa pagod umiyak ay nakatulog ako. Nagising na lang ako ng may umug-ug sakin.
"Hoy! Gumising ka dyan!" boses ng lalaki. Baka may masamang balak 'to sakin.
"Kuya wag po. Pangit po ako. Wag nyo po ako saktan." makaawa ko dun sa lalaki habang nakapikit.
"Hoy engot wag kang feeling. Pangit ka na nga feeling ka pa!"
"Tsk! Sino ka ba? Bakit ka nandito sa hide-out ko?" pagsusungit ko.
"Lawrence nga pala, saka hide-out ko din to noh." sagot nya.
"Ahh, okay sabi mo eh. Sige una na ako."
"Diba ikaw yung valedictorian? Bakit nandito ka? Kanina ka pa hinanap dun kaso tapos na ang graduation."
"Oo ako nga. Nagtago ako dito kasi binully ako. Kala ko nga kahit ngayong araw lang ay hindi ko mararanasang mabully pero mali ako. Aakyat pa lang sana ako para mag-speech ng pagbabatuhin nila ako ng kamatis at papel." malungkot kong salaysay.
"Ganun ba? Kawawa ka naman, bakit ka nila binubully? Wala namang mali sayo ahh. Baka masama ugali mo?"
"Pangit nga kasi ako kayo ganun na lang ang pambubully nila. Saka excuse me, mabait po ako. Hindi ngj ako gumaganti sa kanila eh."
"Ahh, pangit ka ba? Hindi naman ahh."
"Hindi daw. Wag ka na ngang mang-inis. Sige na babye na baka pagalitan ako samin."
"Bye! Nga pala anong pangalan mo? Kanina pa tayo magkausap pero hindi alam name mo."
"Bea na lang, sige na." nakatayo na ako at paalis na.
"Bye Bea, ingat. Baka may makita kang mumu, haha." grabe nanakot pa, tsk! Sana wala.
BINABASA MO ANG
The New Me - Change for the Better
SonstigesReasons why I hate him: 1. Gwapo sya. 2. Gwapo sya. 3. Gwapo sya. 4. Gwapo sya. and lastly 5. Did I say gwapo sya? Sobrang short (haha, choss lang syempre xD) lang po ito, promise! Sana magustuhan nyo. Salamat! Saranghae <3<3<3 Twitter/Instagram: @p...