CHAPTER IV

38 7 0
                                    

Pagdating namin sa mall, agad kaming pumunta ng department store. Grabe pinagtitinginan siya ng mga babae, lakas ng hatak sa tao eh.

"Ang cute nung guy, kaso may kasamang katulong." girl 1. What katulong? Ako ba yung tinutukoy nun, sarap sabunutan!

"Shocks, hulog ng langit kaso may kasamang unggoy." grabeng panlalait. Pati ba naman sa mall may nambubully, wattalife? Lord, kunin mo na ako please.

"Ahm, Tyrone dun lang ako sa girl's section." nakayukong paalam ko. Mabuti nang lumayo kaysa pagpiyestahan ang tulad kong pangit. Namimili ako ng damit ng may nabunggo akong lalaki.

"Sorry po kuya. Sorry po talaga."

"Ahmm.. Bea? Ikaw ba yan?" huh kilala nya ako? Sino to? Kidnapper ba sya? Kidnapper? Mas bagay uglynapper kasi panget nga ako diba?

"Sino ka po? Wag nyo po akong saktan. Please po." nakapikit kong sabi. Naiiyak na naman ako sa takot.

"Huy ano ka ba! Si Lawrence to, yung kausap mo sa hide-out mo dun sa elementary school. Remember? Hahaha." Lawrence daw? Wala akong kilalang ganun, jeez.

"Ah hehe, hindi ko po tanda kuya. Sige po bye." mabilis na talikod ko sabay takbo kay Tyrone. Kaso baka laitin na naman ako dun T_____T Makapagdrama na lang para makauwi na, hindi ko feel magshopping (-_-) Hinanap-hanap ko si Tyrone kaso hindi ko makita. "Nasan na ba yun? I need to go home. Buti pa sa bahay walang nambubully sakin." paglingon ko nakita ko si Tyrone.

"Tyrone!" patakbo akong lumapit.

"Oh bakit? May nabili ka na ba?"

"Wala pa, pero gusto ko nang umuwi. Napapagod na ako eh, baka hikain ako dito." pagsisinungaling ko. Pero totoong may hika ako.

"Ganun ba? Pahinga na muna tayo sa fastfood saka kain na din tayo."

"Ayoko. Uuwi na lang ako mag-isa. Sige na bye."

"Wait lang, baka hindi ka makauwi ng ayos lagot ako sa parents mo. Baka palakulin nila ako. Kain muna tayo tapos hatid na kita promise." nakangiting sabi nya.

"Okay, basta bilisan mo kumain."

"Ako lang kakain? Aba kumain ka din no. Treat mo kaya to, haha." payn! Mapapagastos din pala ako, tsk!

"Oo na." palakad na kami papuntang KFC ng may tumawag kay Tyrone.

"TJ! TJ! Sandali lang." biglang lumingon si Tyrone. TJ? Sya si TJ? Gosh pati ba naman lalaki hinahabol din sya? Iba talaga ang karisma.

"Uy Lawrence, long time no see. Musta?" nagtapikan sila ng balikat at handshake.

"Ok lang dude, eto gwapo pa rin haha. Ikaw musta?" buti naman hindi nya ako napapansin. Yuko pa Bea, itago mo ang panget mong mukha.

"Ok naman dude, eto MAS GWAPO pa rin sayo hahaha." masaya silang nag-uusap, sige lang magtawanan kayo para hindi nyo ako mapansing paalis na. One, two, three takboooo!

"Hep hep hep! San ka pupunta?" pigil ni Tyrone.

"Ah eh, uwi na ako. Sige na, may kasama ka na naman eh." nagmamakaawang sabi ko.

"Uy, Bea? Ikaw pala yan." ngiti nyang sabi sakin.

"Hehe." tanga lang napatawa lang ako sa hiya.

"Dude, gf mo?" bulong nya kay Tyrone.

"Friend pa lang dude. Haha! Problema?" angas sumagot.

"Wala dude. Haha."

"Pano mo nakilala si Alodia?" nyobra nemern si Tyrone. Alodia talaga? Hindi ako kilala sa ganern eh.

"Alodia? Sinong Alodia? Dude, ibang babae na naman nasa utak mo. Baka magalit nyan si Beapot, hahaha." jeez, pang-asar ang tono ng boses. Pwedeng pakibatukan sa ngala-ngala si Lawrence?

"Dude, si Bea at Alodia ay iisa. Haha, ako lang natawag ng Alodia sa kanya." sabi nya kay Lawrence sabay baling sakin, "Diba Alodia?" napatango na lang ako.

"San mo naman napulot tawag mo dyan?"

"Edi sa pangalan nya, Alodia Beauty Czarina Villamayor. Ganda ng name nya no? Haha!" tuwang-tuwang sabi nya.

"Wow! Ang ganda ng name mo Bea." jeez, lakas!

"Hoy Tyrone tara na nga't kumain kana para makauwi na ako." masungit kong sabi.

Habang kumakain kami sa KFC, todo kwentuhan lang silang dalawa. Tipong hangin lang ang peg ko sa kanila, pero okay na rin kesa naman kulitin nila ako.

"Renz, may gf ka ba ngayon? Balita ko may nalilink sayo sa school mo." hindi namin schoolmate yang si Lawrence or Renz. Nung elem same school kami pero nitong highschool eh sa iba na sya nag-enroll.

"Wala dude, kasi hindi ko makalimutan yung babaeng naiyak dati dun sa elementary school." sabi ni Renz na parang nagde-daydream.

"Talaga? Naku baka na love at first sight ka dun. Chix ba dude?" grabe, ako ba yun? Oh c'mon wag kang mag-ilusyon Bea, hindi ikaw yun dahil pangit ka.

"Oo, maganda sya kaso hindi nya alam. Kakalungkot nga eh, kasi hindi nya alam yun sa sarili nya. Sya kasi ang center of bullying sa school." mahabang salaysay nya.

"Really dude? Kawawa naman yung chix. Kung ako yun nakakita ng ginagawa sa kanya baka masira ko mukha nung gagong nambubully." wow medyo nakulo ang dugo? Haha.

"Tsk! Dude, wag na natin pag-usapan kasi naiinis lang ako dun sa lalaking nambubully." parang pareho lang ng nangyayari sakin ah, babaeng binubully ng lalaki yun nga lang hindi ako chix kasi nga unggoy ako. Natapos kaming kumain at nagpasya nang umuwi.

"Bye Alodia, kita na lang tayo sa school." paalam nya.

"Bye, ingat ka Tyrone. Thanks."

A day before the Christmas party.

"Good morning class, may announcement from SCO. This is about your Christmas party tomorrow." ano na naman kayang pakulo yun, jeez! Eto ayaw ko eh pabago-bago.

"May problema po ba mam?" classmate 1

"Wala naman, pero ang maganda eh may twist ang party natin tomorrow."

"Twist?" classmate 2

"Yes! Hindi na by section ang party. And hindi sa room gaganapin."

"Eh saan po mam? Sa resort po ba?" classmate 3

"Ok class, quiet muna kasi. Ganito na kasi ang mangyayari, since hindi na by section ang party magsasama-sama ang sections per level. And sa gym na ang venue ng party nyo. Siguro naman kilala nyo yung other two sections."

"YES MAM!" oh di sila na friendly at kilala ang ibang section. Ako na ang dakilang loner, alien sa sariling planeta.

The New Me - Change for the BetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon