CHAPTER II

52 7 0
                                    

Ang buong bakasyon ko ay umikot lang sa loob ng kwarto ko. Laptop, ipad, iphone, ipod, tablet at libro lang ang inatupag ko for almost two months. Ilang araw na lang ay pasukan na. Highschool na ako, sana naman lubayan na ako ng mga nambubully *crossfingers*. Inenroll na din ako nila daddy three days bago magpasukan sa isang International School kaya no effort ang peg kong pumunta dun. Mahirap talaga maging mayaman, halos di ka na masinagan ng araw hehe.

Monday, First day of class. As usual, dun din si Iza papasok kaya happy ako kasi may kakilala na ako at kaibigan syempre ^______^ Pagbaba ko ng kotse agad kong natanawan si Iza.

"Hi Iza!" maluwag na ngiti kong bati.

"Hello Beauty!" aish, eto ayaw ko eh yung binubuo yung BEAUTY mas like ko yung BEA.

"Ssshhh, Bea na lang. Baka dyan mag-umpisa ang pambubully sakin." pananaway ko.

"Haist ano ba yan? Tanggapin mo na lang kasi na yan ang pangalan mo!"

"Tanggap ko naman eh, kaso hindi bagay kasi nga pangit ako." nakayuko kong sagot. Sobrang panliliit talaga ang nararamdaman ko sa sarili simula nung araw na mag-aral ako. Haist wag na nga ibalik baka maiyak ako, huhuhu.

"Tsk! Hindi ka pangit okay? Hayaan mo lang sila ang magsasawa din yung mga taong yun. Okay?"

"Oh-kaaay." sabay hugot ng malalim na hininga.

"Tara na sa room, classmate tayo ulit hehe." wow, buti hindi lang kami schoolmate hehe. Sanay na kasi akong kasama sya sa loob ng room.

"Sige tara na." masaya kaming pareho at hawak kamay na naglakad papuntang classroom. Pagbungad namin sa pinto..

"PANGET! PANGET! BAKIT NANDITO KA NA NAMAN!" bungad na pang-aalaska ng schoolmate ko nung elementary. Grabe sa sumpa, bakit kaklase ko pa sya. Pwede namang schoolmate lang eh T_T kunin mo na ako Lord!

"HAHA, HOY BEANG PANGIT BAKIT DI KA NAIMIK? PUTOL NA BA DILA MO?"

"HOY TUMIGIL KA NGANG UNGGOY KA! SINO KA BA PARA AWAYIN SI BEA? DIYOS KA BA PARA MANLAIT?!!" sigaw ni Iza kay JM, yung nang-aasar sakin simula elementary.

"HINDI AKO DIYOS PERO NILIKHA AKONG GWAPO HAHAHA, PERO YANG SI BEA NILIKHA PARA LAITIN BWAHAHAHA!" tuluyan na akong umiyak at nagtatakbo papuntang cr. Ibinuhos ko lahat ng sama ng loob ko sa cubicle hindi lang luha kundi pati sipon ko ay humahalo na sa luha, tutal first day naman kaya walang gagawin kundi ang magpakilala sa unahan, ang pinakaayaw kong pangyayari na laging nangyayari sa first day of class. T________T heeeeelp! Natapos ang araw ko sa loob ng cubicle, oh diba ang drama ng life. Wala eh kaysa naman humarap ako na maga ang mata eh di lalo na akong tinukso ng bwisit na JM na yun. "Tsk! Makalabas na nga." bulong ko sa sarili. Pagbukas ng pintuan ng cr..

"ARRGGGH! SINO NAGLAGAY NUN?" may bumuhos sa aking isang timba ng colored water, grabe paano ako makakauwi nito? T____T sobra na talaga. Paglingon ko sa kaliwa nakita ko si JM na natatawa at halos gumulong sa sobrang saya. Lumapit ako sa kanya.

"ANO BANG PROBLEMA MO? HINDI KA BA NAGSASAWA SA PAMBUBULLY SAKIN?! KASI KUNG IKAW HINDI, AKO SAWANG-SAWA NAAA!" sigaw ko sa kanya.

"Ahhmm.." parang nag-iisip pa nang sagot ang gago, "..hindi eh. Haha nakakatuwa ka lumalaban ka na. Mag-antay ka pa ng gagawin ko sayo. Be ready PANGET. Haha!" sabay talikod nya pero hinila ko sya sabay sampal. *paaak*

"Aray! Lumalaban ka na panget? Matapang ka na huh! Humanda ka!" sasampalin ko sana ulit kaso nahawakan na nya ang braso.

"Ano ba bitawan mo ako! Sisigaw ako sige ka." nangingilid na luha ko sa takot kung ano gagawin nya sakin.

The New Me - Change for the BetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon