Prologo

7 0 0
                                    

KANINA pa ako hindi mapakali.

Pabalik-balik.

Nanginginig at litong lito.

Putangina! Ihing ihi na ko!!!

San ba may malapit na palikuran dito?

Hindi ko na talaga mapigilan. Dahan dahan akong umupo, iniipit ang pagitan ng dalawang paa para mapigilan ang likidong kanina pang nagpupumilit na lumabas.

Wala naman sigurong makakita sa akin dito.

Natatabunan ako ng di naman kataasang pader at dalawang di kalayuang puno.

Pagkatapos kong umihi dito, papasalamatan ko talaga yang pader at mga puno na yan.

Luminga linga pa ako sa paligid bago dahan dahang hinuhubad ang pang ilalim na damit.

Lumabas ang likidong kanina ko pa pinipigilan. Then I felt shiver. It something that makes me feel okay now. Na para bang nabunotan ako ng tinik. Mas nagiging maayos, hindi kagaya kanina na wari bang walang patutunguhan. Natataranta, dahil nga... Ihing ihi na.

Pagkatapos kong umihi ay agad kong isinuot ang nakababang mga saplot.

"Thanks sa kooperasyon niyo" yumuko ako sa pader at mga puno na nasa harap ko

Dahan dahan akong umalis na para bang walang nangyari.

May nangyari ba? Wala naman diba?

Nasa bandang daanan na ako ng makarinig ng mahinang kaluskos.

Shemay ano yan?

"Psst, psst, psst," mas kinabahan pa ako dahil sa narinig.

Dumagdag pa ang kaba ko nang marinig ang napakalakas na ungol ng... Aso? Aso ba yun?

Tengene! Never pa akong nakakita ng multo sa tanang buhay ko. Siguro ngayon palang.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang mga paa ko, kahit anong pilit kong igalaw ay wala pa ring nangyayari. Takot na takot na ko.

Kinapa ko ang phone ko sa bulso ko at kung sinuswerte ka nga naman. Nandito pa ang phone ko. Binuksan ko ito.

"Anong gagawin ko dit---aaahhhh!" May biglang tumakip ng bibig at mata ko. Dahilan ng dahan dahan kong pagkahilo.

Pero hindi ako nagpatalo. Tinaas ko ang kanang paa ko at tinadyak ng todo. Naapakan ko siya.

"Aah, fuck this!" Aalis na sana ako sa pagkakahawak niya ng bigla niya akong hinigit pabalik.

Ang lakas ng taong to. Pasalamat siya nakatalikod ako sa kaniya, kung hindi ay kanina ko pa nalaman ang pagmumukha niya.

Pag nakita ko talaga mukha nito, isusumbong ko talaga to kay tulfo.

Ipapatulfo kita boy, akala mo ah

Hindi na ko nakagalaw. Hinang hina na din dahil sa amoy na nalalanghap mula sa panyong nakatakip sa mukha ko.

Sana di naman rapist tong ogag na to noh? Jusko kuya! Kung trip mo mangrape ngayon, ibebenta ko nalang sayo yung ate kong modelo. Total mas maganda naman yun.

Huwag ka sa kin kuya!

Pinilit ko pa ang sarili kong labanan ang nakakahilong amoy, ngunit bumibigat na ang talukip ng aking mga mata. Bumibigat na din ang paghinga ko.

Sana dumating ka. Josh! Please help!

'Josh I need you!' at tuluyan na nga akong nawalan ng malay.

~~~~~*°*~~~~~

Ang storyang ito ay nagmula sa imahinasyon lamang ng manunulat. Lahat ng nakalahad dito ay pawang kathang isip lamang. Ang mga pagkakahawig ng mga pangalan, lugar, character at mga pangyayari sa totoong buhay ay di sinasadya at nagkataon lamang.

PLAGIARISM IS A CRIME!
        

              Copyright© kriXdose

            Alrights reserved. 2O2O



RIVERWhere stories live. Discover now