Kabanata 2

4 0 0
                                    

KANINA pa ako nananahimik dito sa sasakyan niya. Hindi siya pinapansin, kasi nga galit daw ako sa kaniya.

Kasalanan niya din kasi eh. Di man lang ako binigyan ng chance para maghiganti. Sobrang hapdi kaya nung ginawa niya.

Humalukipkip ako." Love... Woi love..." Kanina niya pa ako kinukulit pero nagmamaangan lang ako

Luminga linga ako sa paligid." May naririnig ka ba Leen?... Wala... Baka guni guni mo lang yun" para na akong baliw na kinakausap ang sarili.

"Love... Mrs. Moleen Cortez Fabrigas... Hoy!" Mrs? Hindi ako yun, eh hindi pa naman fabrigas ang apelyido ko.

Bumaling ako sa bintana ng sasakyan niya. I'm acting like a child here and I'll stick to it. Matigas to boy, depende nalang kung--

"Ililibre kita ng ice cream" shit that's my weakness.

Napatingin ako sa kaniya at matipid na ngumiti. "Yes please"

Dinala niya ako sa paborito naming ice cream shop. Sa Queen Delight. Tiningnan ko ang wrist watch na binigay niya sa kin nung nakaraang monthsary namin. 8 AM palang ay marami ng kumakain dito.

Lumapit ang may singkitang mata at di kataasang waitress sa amin. She's so cute.

Ito ang pinakagusto ko sa shop na to. Ang pagiging maasikasuhin ng mga workers nila.

"One cookies and cream, and a matcha cookie for a dine please"

"Okay sir, table 12 is a vacant seat for two sir" iginaya kami ng waitress sa bakanteng mesa na sinabi niya

Ilang minuto lang ang nakaraan ay dumating din ang inorder namin. Nilantakan ko kaagad ito. Kahit paulit ulit pa kaming kumain dito hindi parin nakakasawa ang benta nila. Parang may halong gayuma na talagang babalik at babalik ka.

Mabuti pa ang shop binabalikan, eh ako? Kayo? Chour!

Pagkatapos naming kumain ay dinala niya ako sa malapit na arcade dito sa min. Naglaro kami ng darts. Pangalawang tira niya palang ay nakuha na niya agad ang medyo kalakihang panda. Syempre sa kin din ang landing nun.

Iginaya niya ako sa bentahan ng mga street food pagkatapos naming mag arcade. Paborito ko kasi talaga ang mga street foods. Mga kikiam, squid balls, kwek-kwek, isaw at cheese sticks. Syempre dinagdagan ko lang ng chuckie.

Shet! Busog na busog na ko.

"Love... Nalala mo ba kung saan naging tayo?" Agad ay tanong niya

"Oo naman, makakalimutan ko ba yun?" Tumango tango pa ko. Oo may memory lost ako pero ang mga importanteng bagay di ko talaga makakalimutan.

"Tara punta tayo dun?"

"Oh sige ba"

Pumunta kami sa lugar kung saan siya nag paalam sa kin na manligaw at hanggang sa maging kami. Wala paring pinagbago ang lugar na to. Napakaganda.

I love this place, parang may freedom ka kasi kapag nandito ka.

May playground, napakagandang harden, bahay kubo kung saan kami nagbabahay bahayan nung mga kaibigan namin at may bentahan din sa paligid.

Umupo kami sa bench kung saan niya una akong nakita.

"Wala paring pagbabago to noh?"

Bumaling ako sa kaniya,"Sana nga hindi na to magbabago" gusto ko kasing hanggang sa pagtanda ko ganito parin yung itsura niya.

Luminga ako sa paligid. Nananatili kaming tahimik. Lumingon ako sa kaniya.

Kumunot ang noo ko,"Anong nangyayari sayo? Para kang natatae" mahina akong natawa dahil sa reaksiyon niya.

RIVERWhere stories live. Discover now