SUAMAKAY ako ng taxi at dumiretso ako sa condo namin. Ay condo niya pala. Kinuha ko ang mga gamit ko.
San ako pupunta? Di ko alam. Ang gusto ko lang ay magpakalayo layo sa kaniya. Ginamit ko ang sasakyan kong ilang araw nang di nailalabas. Itinuloy ko lang ang pagmamaneho. Hindi alam kung san patungo.
Kung pupunta ako sa bahay namin ng pamilya ko, baka pumunta siya dun. Ayaw ko pa naman siyang makita.
Nag eexpect ka pa bang pupuntahan ka niya Leen? Para sa ano? Wala naman diba? Ang assuming mo naman.
Hindi ko namalayan na papunta na pala ako sa madilim na parte ng lugar na to. Madilim nga ba ang lugar na to o sadyang madilim na nga talaga. Tiningnan ko ang kanang braso ko kung saan palagi ay suot ko ang binigay niyang relo.
Ay iniwan ko na nga pala.
Tiningnan ko nalang ang phone ko. Madilim na nga talaga dahil 6:48 na. Shit! Gumagabi na tapos nandito pa ako sa magubat na lugar na to? At ang masama pa ay naiihi ako.
Lumabas ako ng sasakyan. Luminga linga sa paligid kung saan may palikuran. Dumiretso ako sa kaliwang bahagi. Pero bigo dahil walang makitang bahay na nakatayo. Magubat ang lugar na to pero may mga bahay din akong nadadaanan kanina. Bumaling ako sa kanang bahagi. Baka dito meron. Pero putspa, wala parin.
Bumalik ako sa sasakyan ko. Ano ba to, ihing ihi na ako.
Pumunta ako sa gitnang parte.
Kanina pa ako hindi mapakali.
Pabalik-balik.
Nanginginig at litong lito.
Putangina! Ihing ihi na ko!!!
San ba may malapit na palikuran dito?
Hindi ko na talaga mapigilan. Dahan dahan akong umupo, iniipit ang pagitan ng dalawang paa para mapigilan ang likidong kanina pang nagpupumilit na lumabas.
Wala naman sigurong makakita sa akin dito.
Natatabunan ako ng di naman kataasang pader at dalawang di kalayuang puno.
Pagkatapos kong umihi dito, papasalamatan ko talaga yang pader at mga puno na yan.
Luminga linga pa ako sa paligid bago dahan dahang hinuhubad ang pang ilalim na damit.
Lumabas ang likidong kanina ko pa pinipigilan. Then I felt shiver. It something that makes me feel okay now. Na para bang nabunotan ako ng tinik. Mas nagiging maayos, hindi kagaya kanina na wari bang walang patutunguhan. Natataranta, dahil nga... Ihing ihi na.
Pagkatapos kong umihi ay agad kong isinuot ang nakababang mga saplot.
"Thanks sa kooperasyon niyo" yumuko ako sa pader at mga puno na nasa harap ko
Dahan dahan akong umalis na para bang walang nangyari.
May nangyari ba? Wala naman diba?
Nasa bandang daanan na ako ng makarinig ng mahinang kaluskos.
Shemay ano yan?
"Psst, psst, psst," mas kinabahan pa ako dahil sa narinig.
Dumagdag pa ang kaba ko nang marinig ang napakalakas na ungol ng... Aso? Aso ba yun?
Tengene! Never pa akong nakakita ng multo sa tanang buhay ko. Siguro ngayon palang.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang mga paa ko, kahit anong pilit kong igalaw ay wala pa ring nangyayari. Takot na takot na ko.
Kinapa ko ang phone ko sa bulso ko at kung sinuswerte ka nga naman. Nandito pa ang phone ko. Binuksan ko ito.
"Anong gagawin ko dit---aaahhhh!" May biglang tumakip ng bibig at mata ko. Dahilan ng dahan dahan kong pagkahilo.
Pero hindi ako nagpatalo. Tinaas ko ang kanang paa ko at tinadyak ng todo. Naapakan ko siya.
"Aah, fuck this!" Aalis na sana ako sa pagkakahawak niya ng bigla niya akong hinigit pabalik.
Ang lakas ng taong to. Pasalamat siya nakatalikod ako sa kaniya, kung hindi ay kanina ko pa nalaman ang pagmumukha niya.
Pag nakita ko talaga mukha nito, isusumbong ko talaga to kay tulfo.
Ipapatulfo kita boy, akala mo ah
Hindi na ko nakagalaw. Hinang hina na din dahil sa amoy na nalalanghap mula sa panyong nakatakip sa mukha ko.
Sana di naman rapist tong ogag na to noh? Jusko kuya! Kung trip mo mangrape ngayon, ibebenta ko nalang sayo yung ate kong modelo. Total mas maganda naman yun.
Huwag ka sa kin kuya!
Pinilit ko pa ang sarili kong labanan ang nakakahilong amoy, ngunit bumibigat na ang talukip ng aking mga mata. Bumibigat na din ang paghinga ko.
Sana dumating ka. Josh! Please help!
'Josh I need you!' at tuluyan na nga akong nawalan ng malay.
~~~~~~~
kriXdose
Please vote, comment, and share
Love you all!
Thanks😘