CHAPTER 14: THE WEEKEND

0 0 0
                                    


Christhine POV

Hayst. Malapit na rin ang weekends kaya ibig sabihin ay pwede na muna kami umuwi sa mga magulang namin sa mga bahay. Kaya ibig sabihin non ay makakasama ko na ulit ang dalawa kung kuya na makukulit!! Namiss ko din ang dalawang iyon kaya medyo na excited ako!! Ang problema nga lang ay dalawang araw lang iyon, kasi nga SABADO at LINGGO kaya saglit lang kami magkikita at magbobonding

Wala rin naman kami gagawin ngayong weekend kaya pwede naming makapagbonding nila kuya's at mommy.

Baka nagtataka kayo kung ano ang ginagawa ko ngayon, well sa room lang naman ako ngayon nagkaklase kami ngayon pero itong utak ko ay lumulutang kung saan-saan.

Medyo natauhan ako ng kinilabit ako ni Cindy,lumingon ako sa kanya nakatinggin din si Louise sa akin, magkakatabi lang naming tatlo dito sa last row. Ayaw ko kasi na maraming taobng nakapaligid, ganon din naman si louise eh itong si Cindy ay wala ma syang pagpipilian dahil kung lumapit sya sa mga kaklase namin ay makikipagplastikan lang sya sa mga ito, ayaw nya daw ng ganon pagod na daw sya sa mga ganyang moves kaya lumalayo na din sya sa mga tanong nakapaligid sa kanya.

Ibig sabihin ay kaming tatlo lang ang may tiwala sa isat isa at wala nang iba. Medyo nagtataka sila dahil di ako sumagot sa kanila, tinaguan ko lang sila kaya ngumiti sila. Kailangan ko na talaga i-focus ang sarili ko dahil baka ang katawan ko na ang lumutang Hindi ang utak ko.

15 minutes later...

Woahh!!!! Freedom!!! Kahit matalino kami, naboboring din kami noh! Advance kami magisip kaya alam na namin ang mga lesson ng teacher namin pero ito napipilitin kaming makinig para di kami maging spoiler sa mga lesson. Mahirap kaya iyon!! Halos mamamatay na ako sa boring ng klase noh!

"Hay tapos narin" sabi ni Cindy na katabi ko ngayon

"Ano nga pala ang gagawin nyo ngayong weekends?" Tanong ni Louise, biglang kumunot ang noo ni Cindy

"Dalawang araw lang iyon Louise!! Wag lang OA dyan noh!" Sigaw nya Kay louise, kami namang dalawa ay napatakip na lang ng tenga dahil sa lakas ng boses nya

"Cindy lower your voice. Nakakahiya ka talaga ng kasama, pwede ba kung magsasalita ka ay wag kang sumigaw?" Mahinahon kung saway sa kanya, kung and ang ginagawa ko ito nagbabasa ng libro

"At ikaw pa nga ang OA dyan eh, kailangan pa talagang sumigaw?" Dagdag ni Louise, nagpout naman si Cindy

"Fine, medyo nadala lang ako ng emosyon ko, nagulat lang talga ako eh" pagpapaliwanag nya

"And itatanong ko lang naman kung may gagawin kayo sa dalawang araw na iyon. Alam nyo naman ng mga nakaraang sabado at linggo ay di tayo pinalabas dahil sadyang madami pa tayong ginagawa non kaya ngayon lang tayo makakalabas ng school" paliwanag ni Louise. Yes, matagal na din kaming nandito sa school pero di kami pwedeng lumabas dahil busy pa kami non kaya ngayong nakaluwag-luwag na kaming mga estudyante sa schedule kaya pinayagan na rin kami para makapag pahinga naman. Syempre maliban na lang kung sino ang may mga project, buti na nga lang na wala kaming project ngayong weekends kaya wala akong gagawin, ayoko rin na umalis ng bahay ngayong weekends dahil dalawang araw na nga lang ang anti-stress eh lalabas pa ng bahay kaya sa loob lang ako ng kwarto ko at magkukulong, yes that right ayan ang Plano ko!

MY BULLY IS MY CHILDHOOD FRIEND..Where stories live. Discover now