CHAPTER 19: NEVER!!

0 0 0
                                    

Dhain POV

Naghihintay kami ng ilang oras dito. Tapos itong mga loko-lokong ito ay kumakain ang cookies na kakabake lang ni tita. Tapos kasama pa ang mga malalaki nilang ngiti ah. Nagmumukha tuloy silang baliw sa ginagawa nila

Maya-maya ay bumaba na ang babae at pumunta sa kusina para maghugas ng kamay at pumunta naman sa lamesa  kung nasaan ang breakfast nya. Naka pony-tail sya at naka T-shirt na 'be yourself' at naka maong na short

"Ang ganda ng tanawin" sabi ni Allen

"Ang ganda nya" sabi ni Allan

"She is so sexy" sabi naman ni Jonathan. Baliw talaga itong lalaki na ito, paltukan sya ng 2 dyan eh

"Mukha syang anghel" sabi din ni nyle. Yeah agree ako, anghel sya kapag tahimik pero kung magalit amazona na. Tinitignan nila ng mabuti yong babae, saktong lumingon sa amin yong babae tapos umiwas din ng tingin

"Kuya thian, nasaan si mama?" Tanong ng babae at tinignan ang pandesal sa lamesa

"May bibili lang ata" sagot ni christhian. Lumapit sya sa kapatid nya at kinuha ang star margarine na nakatago sa gilid ng tinapay

"Thanks kuya. Alam mo talaga ang gusto ko" sabi ng babae at pinalamanan na nya ang pandesal ng star margarine

"Bakit di ka nagtanong sa akin, little thin?" Tanong naman ni christopher

"Di ka kasi maayos na kausap, lagi nalang pabalang ang sinasabi mo, pilosopo lagi, puro walang kwenta, yong sinasagot mo di naman konektado sa tinatanong tapos d.." Di na pinatapos ni christopher,yong babae sa sinasabi nya dahil magsalita na sya

"Bakit kailangan pa isa-isahin?" Sabi ni Christopher at nagpout. Grabe naman sya nagpout hahahah!! Eh itong mga siraulong katabi ko ay di na makatiis sa tawa kaya ayan tumawa na sila kahit si christhian ay tumawa na din kaya ayon bumigay din ako kaya tumawa ako ng tumawa

Tapos saktong si Allen ay kumakain pa ng cookies ayon nabulunan hahahah!! Kaya mas lalo pang lumakas ang tawa ko hahahaha!! Tumawa naman ulit si allen, tapos tinignan kami ng masama ni Christopher kaya ayon tumigil na kami. Nakakatuwa lang kasi ang mga sinabi sa kanya ng kapatid nya eh..sa sarili nya pa mismong kapatid nanggaling iyon hahahah!!

"And wala bang good morning kiss sa kuya mong pogi" dagdag ni Christopher. Napansin ko na napangiwi ang kapatid nyang babae sa sinabi nya hahahah!! Gusto ko ng tumawa pero pinipigilan ko lang kahit mga rin ang mga katabi ko ay nagpipigil din eh

"Yeah little thin, binungangaan agad sya kanina paggising mo pa lamang" sabi naman ni christhian. Tinignan ni christopher si christhian ng ' thank you' look at tumango lang si christhian. Tumawa naman kami ng mahina hahaha!!

MY BULLY IS MY CHILDHOOD FRIEND..Where stories live. Discover now