CHAPTER 6: MEET OF ONE OF THEM..

1 0 0
                                    


Christhine POV

Kakatapos lang ng program kaya dumiretso na ako sa room na nakalagay sa may billboard. Simula nang program di ko na nakita pa sila cindy at louise natangay na siguro sila ng mga fans nila kuya. May humila sa akin na ikinagulat ko. Ito na naman tayo sa hila hindi ba sila marunong magsalita? Or magbigay ng sign na hihilain nila ako hindi iyong bigla-bigla baka di ko mapigilan ang sarili ko na makasuntok eh.

"Bestfriend" alam ko na ang boses na iyan syempre walang iba kundi si cindy... Dahan-dahan akong lumingon at naka ngiti ang mga labi nya at ang isa ay nakasimangot naman.

"Ano na naman? Ano ang nangyari Louise sa reaksyon mo at ano ang nangyari as to m cindy?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Nakasimangot ang isa parang natalo sa lotto tapos ang isa naman ngiting nanalo sa lotto.

"Kasi naman malapit kami banda sa TWO PRINCE!" Ngiting balita nya. Kada kita namin puro nalang sila kuya ang topik nya.

"Ikaw naman lourie,ano ang problema mo?" Baling ko sa kanya akala mo naman ang simangot nya wala nang bukas. Yong nagpamigay si lord ng maraming problema nasalo ni lourine ang lahat. Halatang namomoblema eh.

"Lagi nalang nya ako hinihila kung saan-saan kahit ayaw ko sa lugar na iyon hinihila nya parin ako. Lalo na nang sinabi nya yong TWO PRINCE na nasa banda unahan naka pwesto hinila agad nya ako tapos alam mo ang dami pang nakapaligid sa kanila tapos makikipagsiksikan pa kami. Isasama nya pa ako sa problema nya tignan mo nga ang sapatos ko ang dumi-dumi na kasi ang daming nakatapak sa paa ko tapos ang sakit narin." Tinuro nya ang paa nya at ang daming tapak sa black shoes nya. Hahahhhahah naasar na talaga sya ginagawa ni cindy. Naka pout naman si cindy habang nakikinig.

MY BULLY IS MY CHILDHOOD FRIEND..Where stories live. Discover now