CHAPTER 17: COINCIDENCE?!

0 0 0
                                    

Christhine POV

Bumaba na ako dahil sa sinabi ni mama sa akin. Nagugutom narin ako, wala rin kasi akong kinain kagabi kaya lulubos-lubusin ko ang pagkain ko mamaya sa lamesa kahit may bisita sila kuya...

Speaking of bisita nila kuya..parang pamilyar sila sa akin pero di ko maintindihan kung saan ko sila nakita o mapansin, I sigh

Inayos ko ang buhok ko at pino-nitail ko ito. Di narin ako nagsuot ng salamin, simplr lang ang suot ko

Nakawhite T-shirt ako na nakalagay na 'be your self' at nakamaong na short na hanggang taas lang ng tuhod ko

Bumaba na ako at dumiretso sa lababo para maghugas ng kamay at pumunta sa lamesa para kumain

Nakita ko ang mga bisita ni kuya kung saan parin sila nakupo kanina ng makita ko sila pero nakatinggin sila sa akin na kinikilalang mabuti, Yong matutunaw na ako sa titig nila. Binigyan narin sila ni mama ng meryenda dahil may juice at cookies na sa table na nasa harap nila. Binaling ko nalang ang 2 kong kuya

"Kuya thian nasaan si mama?" Tanong ko at tinignan ang pandesal sa lamesa

"May bibili lang ata" sagot nya. Lumapit sya sa akin at inabot ang star margarine na nakatago sa gilid ng tinapay

"Thanks kuya. Alam mo talaga ang gusto ko"sabi ko at pinalamanan ko na ang pandesal

"Bakit di ka nagtanong sa akin, little thin?" Tanong ni kuya top sa akin

"Di ka kasi maayos na kausap, lagi nalang pabalang ang sinasabi mo, pilosopo lagi, puro walang kwenta, yong sinasagot mo di naman konektado sa tinatanong tapos d...." Di na nya ako pinatapos

"Bakit kailangan pa isa-isahin?" Pout nyang tanong. Narinig ko na tumawa ang mga kabarkada nya kahit si kuya thian ay tumawa nadin. Yong isa nga nabulunan pa eh atsaka tumawa ulit sya. Tinignan nya sila ng masama

"And wala bang good morning kiss sa kuya mong pogi?" Medyo malungkot nyang sabi, bibigyan ko sya ng best actor award sa ginagawa nya

"Yeah little thin, binungangaan mo agad sya kanina paggising mo palang" sabi naman ni kuya thian, tinignan sya ni kuya top na 'thank you' look, tumango nalang si kuya thian. Narinig ko na tumawa ng mahina yong mga kaibigan ni kuya

"Fine" sabi ko. Tumayo ako at pumunta sa kinauupuan nila at bibigyan ko sya ng kiss pati nadin si kuya thian. Ngumiti ng todo silang 2, mukha silang baliw

"Ang lakas talaga ng tama ng kiss ni little thin" sabi ni kuya top

MY BULLY IS MY CHILDHOOD FRIEND..Where stories live. Discover now