Baliw

313 12 3
                                    

"Baliw"

Isa akong baliw na may pangarap
Mga pangarap na akala ko'y hindi na matutupad
Nangarap nang gising na sa aking pagtulog ay Iyong dingin ang aking panalangin

Hanggang ang baliw ay nabubuhay sa akin
Hindi ako titigil mangarap dahil Ikaw ay nasa puso't isip
Isa akong baliw na may tiwala sa sarili
Na kahit ako lang ang may alam ng mga ito ay matutupad rin

Baliw man kung tawagin
Sa puso ko'y matino pa rin
At alam ko ang daan na tatahakin
Doon sa malinaw at para talaga sa akin

Oo, baliw talaga ako
Baliw ako dahil natupad ko ang pangarap kahit sa isip lang dati ito.

Mga Tula Para Kay Cong Velasquez (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon