Hi I'm Niccolo Badeux!

23 0 0
                                    

The school is wide and green. Maraming puno dito kaya ay hindi masyandong mainit at pwede kang mag lakad lakad.

May oval na maraming athletes na nag e-ensayo. Meron ring mga CAT's. Kung mapupunta naman ang iyong mga mata sa walkway ay merong mga club presidents na nag aabot ng flyers

Hoping na may nais na sumali sa club nila. Nanduon din ang bulletin board ng iba't-ibang departments like MAPEH, Math-Sci, English, Filipino and TLE.

Pero mas nakakakuha ng pansin ang bulletin ng Supreme Student Government. Maganda ang mga palamuti nito and nakatala dun ang mga achievements at mga pictures ng mga naisagawang mga activities nila.

And here's our main character Neige Lughen na masayang nakikipag asaran sa mga kaibigan nito. May patulak tulak pa nangyayari at sa di inaasahang pangyayari ay saktong pagtulak ng kaibigan nito ay umiwas si Freya Violet Filomine kaya ay sumaubsob sya sa isang matigas na pigura.

Dahan dahan syang napatingin sa mukha nito at namula ng makitang ang Battalion Commander ng CAT ang sumalo sa kanya.

Si Aaron Faigne Milagroso tumingin ito sa kanya ng walang kabuhay buhay habang ang mga naka sunod sa kanya na si Cadet Jinson Fajardo, Master Sergeant Gregory Williams and First Lieutenant Hansel Quijano ay panay ang pigil na mangatsaw sa Bat-Com at nagsumikap na maging expressionless.

"S-sorry." Nahihiyang sabi ni Neige at inayos ang buhok na  nakaharang sa mukha nya.

Tumingin naman sa kanya si Aaron na ang mukha ay napaka seryoso.

"Ayos lang. Just be mindful of the people around you whenever your fooling around." Sabi nito sa kanya at ibinaling ang tingin sa kaibigan ni Neige na nanulak sa kanya.

"You. You are.." sabi nito

"Aiko Haylene Salajino..C-commander." Sabi nito na may takot sa mukha

"You don't want to be punished right? Alam mo naman na ang mga CAT'S ang nangangalaga sa law and order ng school. You're a student here for 3 years already..you should learn when to stop fooling around." Sabi nito sa pinaka lalim na boses nito na syang nagdala ng takot sa dibdib ni Aiko

"O-oo po."sabi nito at tumabi habang nakayuko.

Ng makaraan na ang grupo ni Aaron ay parang nabunutan ng tinik ang magkakaibigan na si Aiko,Freya, Carlos at Neige.

"Haaayy!!! Grabe talaga ang kababata mo Neige! Napakasungit!" Sabi ni Freya

"Nakakatakot pa! Palagi mong sinasabi sa amin na sweet sya pero haaiisst..Tigas lang ang meron sya teh! Di mo sya matatawag na asukal." Sabi naman ni Aiko

"H-huy..grabe naman kayo..di naman sya masama..ganyan lang talaga ang mukha nya.." sabi nito habang tinignan ang kababata na naglalakad papunta sa grupo ng iba pang CAT.

Si Aaron Faigne Milagroso, anak ng bestfriend ng Dad nya. Palagi silang naglalaro tuwing bumibisita ang tito Philip nya. Pero nagbago ang lahat ng grumaduate sila noong grade six pa sila.

Hindi na lumalapit si Aaron sa kanya at kung na-cocorner nya naman ito ay maliit lang ang mga ibinabalik na salita nito sa kanya.

Tinitipid ata sya ni Aaron ng laway.

"Hays...kahit pa anong sabihin mo..di natalaga mababago ang paningin namin sa kanya..siguro kailangan mo nang magpa EO." Sabi naman ng baklang si Carlos Raphael Montero

"Gwapo naman sya but..nope..nevermind..he's too scary to be paired up with a beauty like me..ahhaha..parang beauty and the beast lang..ahahah" dagdag pa nito at tumawa ng kay landi

Neige cringed at her friends actions

"Kung beauty and the beast nga ay si Aaron ang beauty at ikaw ang beast." Pangungutya naman ni Freya kay Carlos sabay tawa kaya ay inirapan nalang nito ang babae

"Hala..Halika na Neige! Malapit na magsimula ang class natin sa MAPEH!" Sabi ni Freya matapos makita ang oras sa kanyang relo.

"Sige..bye Aiko..bye Carlos.." pamamaalam nito sa dalawa.

Magkaiba kasi ng seksyon ang apat na magkakaibigan. Sa section A sina Neige at B naman sina Carlos at Aiko.

Dati sana silang magkakasama sa iisang sekyon kaso ay ng mag completion na sila ay hindi pumasa ang grades nang dalawa para mag patuloy sa pagiging parte ng section A.

Mga science curriculum kasi sila nabibilang at napaka strikto nang paaralan nila pag dating sa maraming bagay.

Iba din ang pagpapatakbo nito. Hindi gaya ng sa mga ordinaryong paaralan. Dating private military boarding school ang kanilang paaralan which ang VMHS o mas kilala bilang

Valderama Military High School. Itinayo ito ng isang retired na American soldier noong mga 1950's pa lamang at ten years ago ay nakipag kamay ito sa Gobyerno ng Pilipinas.

Kaya naging semi private ito. Sumusunod ang school ayon sa mga inilalathala ng DepEd pero may agreement sa certain parts na hindi pwedeng i-breach ng contrata.

Gaya nalang ng pamamalakad nito sa mga certain clubs ng paaralan. Pati nadin ang systema ng pagpapatakbo ng bawat curriculum o strands na available sa paaralan.

Hindi din basta bastang nakakapasok ang kung sino mang nag nanais na makapasok sa paaralan. Kadalasan ng mga students dito ay scholars o kaya naman ay scouted mismo ng mga Teachers na nagtratrabaho dito.

Pati nadin ang pagpapalit ng mga teachers ay may sariling pamamaraan o criteria na dapat sundin kung nais mong makapag trabaho dito.

"Ay!" Sabi ni Freya ng mahulog ang dinadalang model nito ng isang simbahan. Gawa lang ito sa cardboard at pininturahan.

"Ano ba naman yan Freya. Napaka-clumsy mo naman" batid ni Neige at tinulungan ang kaibigan na kunin ang nahulog na proyekto.

Ng haharap na sana ito ay napasigaw sya ng bigla at tumalon pa atras.

"Kyaaa!" Sigaw nito habang hawak ang dibdib na sobrang lakas ng kabog.

"Hi Neige!! Tu m'as tellement manqué!" Maligayang sabi ng binatang nanggulat kay Neige

*I've missed you so much*

"Bwisit ka!! Hmm!" Sabi nito at marahang sinuntok sa dibdib ang lalaki

"Ang hilig mo talagang manggulat! Nagsasalita kapa ng French akala mo naman naiintindihan ko! German ako bobo!" Inis na sabi nito na syang nagpatawa sa lalaki.

"A-ano...sino sya?" Tila na o-out of place na tanong ni Freya.

"Ah..sya?? Sya si Ni---"

"Hi! I'm Niccolo Freignier Badeux. Manliligaw ni Neige."

August LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon