Dalawang araw simula nang magkita sina Freya at Niccolo ay hindi na nya makalimutan ang gwapong mukha nang binata.
Talaga naman na swerte ang kanyang magandang kaibigan. Matalino na nga, maganda pa, lapitin pa nang mga kalalakihan.
Masama man ang ma-inggit sa kanyang kaibigan ay hindi nya ito mapigil pigilan. Simulat sapul ay may namumuo na talagang inggit sa kanyang kalooblooban.
Ito ay nagsimula nang lumapit sa kanya si Jack Postrano sa kanya. Si Jack ay isang myembro ng mga kalalakihan sa kanilang seksyon na binansagan nilang mga hudas dahil napaka kulit at malakas mantrip.
Ganun man ay hindi iyon naging dahilan upang hindi magkagusto si Freya sa kanya. Oo. Gusto nya ang lalaki..
Ng lumapit ito sa kanya ay akala nya na sya ang gusto nito ngunit nagkamali sya ng sabihin ng lalaki ang dahilan kung bakit..
'Freya..ano kasi...si Neige..baka naman pwede mo akong tulungan na...ligawan sya..'
Yan ang salitang binitiwan ni Jack na syang sumira ng ngiti sa kanyang mukha..
'A-ano?'
Patanong nito sa lalaki
'Akala ko...'
Hindi nya magawang tapusin ang sasabihin dahil alam nyang tutulo na ang kanyang mga luha..
Agad nalang syang tumakbo at iniwan si Jack..
Hindi bobo si Jack..alam nya ang ibig sabihin ni Freya..
Na akala nya sya ang gusto ng lalaki
Alam nyang posible iyon na mangyari dahil kalat sa chismisan sa classroom nila na may lihim na pagtingin si Freya para sa kanya.
Simula nun ay bawat tagpo nina Jack at Freya ay para silang mga batang nakikita ang ama nilang galit dahil may nagawa silang kasalanan.
Awkwardness..yan palagi ang nangyayari sa tuwing nasasama sila sa iisang grupo..
Tapos eto na naman si Niccolo..ang gwapong italiano na nabighani sa kagandahan ni Neige..haaay..ang hirap naman talaga na magkaroon ng isang napaka-gandang kaibigan..
Napa-lingo lingo nalang si Freya habang naglalakad ngunit ng lumiko ay nakabanggaan ang isang lalakeng di nya inaasahan..
"Sorry." Malamig na sabi nito kay Jack nang makita na sya pala ang nabangga
"No..Sorry..ako ang may kasalanan." Sabi ni Jack na dumating sa kanyang tenga na parang iba ang ibig sabihin.
"Okay na. Tapos na ang nangyari. Aalis na ako." Pabalik naman ni Freya at tumalikod.
Gaya din ni Freya ay iba din ang dumating sa kalooblooban ni Jack. Para iyong karayum na tumusok sa kanyang puso na hindi nya alam kung bakit.
Siguro ay nagui-guilty pa din sya sa nagawa sa babae. Hindi nya naman talaga intensyon na saktan si Freya nang ganoon, oh kaya naman ay iparamdam sa kanya ang kahihiyan na naramdaman nya sa kanyang sarili ng malaman ang totoong intensyon ni Jack.
Masakit na umasa. Alam nya iyon.
Kabilang man sya sa grupo ng mga pilyong kalalakihan sa kanilang section ay hindi pa rin naman nawawala ang pagiging makatao nya.
Kahit na may nais idagdag si Jack ay hindi na nya inilabas at tanging tinignan nalang si Freya na tumalikod sa kanya. Hindi sya manhid para hindi maramdaman kung gaano kalamig ang hangin sa tuwing nagtatagpo sila ng landas.
"Patawarin mo ako.." bulong nito sa hangin habang nakatingin sa ngayong malayo nang Freya Violet Filomine
****
"Kyaaaahh!!! Anlandi tehh..kitang kita ko teh..oh my gosh.." tila parang biik na iniihaw na sabi ni Aiko habang may pa hampas hampas pang nalalaman kay Carlos.
"Sorry..ako ang may kasalanan." Tila pilit Pango-ngopya sa boses at tono ni Jack.
"Omaiii...Freya naman eh...magbati na kasi kayo..beke nemen.."dagdag pa ni Aiko habang sinusundut sa gilid si Freya na bahagyang namumula ang mukha.
"Ano ka ba naman Aiko..Wag mo na pilitin..nasaktan na nga diba..ayaw na nya kay Jack bebe.." Sabi ni Carlos kay Aiko na may malanding tono sabay lip bite at rawr.
"Diba Freya??" Tanong kay Freya na hindi maipinta ang mukha
Iniwas nya naman ang kanyang mukha sa kaibigan at tumalikod.
"Wag nyo nga akong binubwisit..Si Neige naman ang paglaruan nyo." Sabi nito at umupo sa bench at inilabas ang kanyang mga note book at nag astang may importanteng ginagawa.
Kaya napalingon naman ang dalawa kay Neige na tahimik na sinisipsip ang kanyang Iced Coffee.
"A-ano?" Inosenteng tanong nya sa kanyang mga kaibigan na naka-tingin sa kanya.
"Hehe.." ang tanging nailabas ng dalwa sa kanilang mga bibig at lumipit sa kaibigan
"So....kumusta na kayo ni Niccolo?? Sasagutin mo na ba?"
"Kailan ba sya nanligaw sayo?"
"Saan kayo nag kakilala?"
Mala machine gun na tanong ng dalawa.
"Ah...wala...." ang tanging naisagot nang dalaga sabay ipit ng takas na hibla ng buhok sa likod ng kanyang tenga..
"Siguro....kayo na no??"
"H-hindi no...hindi pa.." sabi nito at iniwas na naman ang tingin sa kaibigan at sumipsip sa kanyang iced coffee.
"Hay.....Neige...bebe Grade 10 na tayo..17 ka na..okay na siguro na magka-bf ka kasi naman....experience ganun.." pangu-ngumbinsi ng baklang kaibigan sa kanya
"Tsaka..ayaw mo nun...araw araw may magpapa-kilig sayo??" Sabi naman ni Ako
"Hindi naman pumapasok sa relasyon ang isang tao para kiligin lang diba?" Logical na pagtatanong sa kaibigan
'Debate na naman tayo..'
Nasa isip ng dalawa na sina Aiko at Carlos
"Hindi naman sa ganun..alam namin na may mas malalim pa na rasom para pumasok sa relasyon..pero..hello?? Experience nga diba..pag pumasok ka sa relasyon tutulong iyan sa pag mamature mo.." payo ng bakla
"Tama sya..marami kang pwedeng ma-develop sa sarili mo pag pumasom ka sa isang relasyon. Marami ka ring bagong bagay na matututunan mo sa sarili mo na di mo alam na meron ka.."dag dag ni Aiko
"Yes. Yes. Yes..baby gurl. Since you are just a beginner love will create an opening for a new journey that will pique your interest..baby you might even crave for it once gone.."
"I know all of the things you guys are talking about. Alam nyo din naman siguro ang tunay na nararamdaman ko hindi ba?"tanong ni Neige sa kanya kaya naman ay natameme ang dalawa
The both of them are not ignorant towards Neige's feelings for that Commander Aaron Milagroso. Alam nila na matagal na nitong iniibig ang lalaki. Ang lihim nitong pagtingin na silang apat lang ang nakaka alam.
"I want to say yes to Niccolo. But I want my feelings for him to be true..not forced. Isa ang puso ng tao at isa lang din ang pag aalayan nito..hindi pang-dalawahan ang pag ibig." sabi nya kaya naman ay napa upo nalang ang dalawa
Hindi nga nila matalo talo si Neige sa acads..pano pa kaya sa simpleng debate?
Tama nga din naman ang sinabi ng babae at nirerespeto nila ang kagustuhan nila.
Ganyan talaga pag isa kang Lughen..
Isang Neige Lughen...
BINABASA MO ANG
August Lies
RomanceNeige Lughen she has so many secrets. She never lies. Many people like her and many people hate her She's gutsy. She's a friend who'll bravely speak for those who can't speak for themselves. she's beautiful inside and out. She's brainy. It's so ha...