Cafeteria Rush

11 0 0
                                    

Habang nag hahanda sina Freya at Neige sa kanilang mga ppt's para sa kanilang math subject ay bigla nalang na pinutol ang kanilang preparasyon ng dumating ang Math teacher nitong kasunod si Niccolo

"Class..nandito na nga pala ang sinanasabi ko sa inyong  exchange student mula sa St. Catherine Private Academy." Sabi ni Mr. Rodrigo at pumasok sa silid aralan habang kasunod si Niccolo na animoy parang tuta.

"B-besh...yung manliligaw mo.."  bulong ni Freya kay Neige at sinaway naman nito ang kaibigan.

"A-ano ba naman yan..Tumigil ka nga Freya.." tila nahihiya na sabi ni Neige  at bahagyang yumuko.

"Please ipakilala mo naman ang iyong sarili Mr. Badeux." Sabi ni Mr. Rodrigo at tumabi upang si Niccolo nalang ang naiwan sa gitna.

"Hello. Everyone. Ako si Niccolo Freignier Badeux 17. I like sports at hindi ako masyadong magaling sa academics..marami naman talaga akong hilig pero..ang pinaka gusto ko ay..."sabi nito at pinutol ang sasabihin,ang mga mata ay parang may hinahanap sa loob ng class room at ng makita nya nga ito ay lumapit sya dito at inakbayan

"Si Neige. Sya ang pinaka nagugustuhan ko." Sabi nito at ngumisi ng napaka laki akala mo ay mapupunit na ang mukha nito.

Nagsitilian naman ang mga babae nitong kakkase habang tahimik lang ang mga kalalakihan. May sumigaw din ng 'sana all' at 'hakdog' yung iba naman ay nag pigil hininga.

"Oh...." ang tanging nasabi ng 38 years old na guro.

Marahan namang itinulak ni Neige si Niccolo at lumapit kay Mr. Rodrigo

"S-sir mag uumpisa na po kaming mag report sir." Paghihingi ng pahintulot ni Neige sa kanilang guro

"I guide mo muna ang manliligaw mo sa uupuan nya." Sabi naman ni Mr. Rodrigo at bumanat na naman ng pangangatsyaw ang ka klase.

Pinigilan naman ni Neige na suntukin sa tyan si Niccolo at hinila nalang sya papunta sa upuan kung saan ay malayo sa kanya ngunit bago pa man makalapit si Niccolo ay umupo duon si Jack Santiago.

"Sorry Neige..nag ulit kasi nang seating arrangement si Sir Felipiano eh.." sabi nito at tinignan nya naman uto na para bang sasaktan nya ito pero hindi pumalag ang lalaki.

Ngunit hindi pa umangal si Neige at mas sinamaan pa ang tingin kay Jack na tuwang tuwa naman sa nakikita nya

'Napaka cute neto.' Nasa isip ni Jack.

Kung sila lang siguro ang nasa class room ay baka hinalikan na nito ang babae.

"Umalis ka na sabi eh.. mag rereport pa kami.." inis na sabi ni Neige pero tumawa lang si Jack

"Neige dito mo nalang paupuin si Niccolo oh.."tawag pansin sa kanya ni Jaime Warren.

Lumiwanag naman ang mukha ni Neige sa narinig ngunit agad din itong nagdilim ng makita kung ano na ang nangyari sa seating arrangements nila.

Lahat sila ay nagbago ng upuan at ang tanging hindi na uupuan nalang ay ang upuan nya, isang upuan na nasa tabi nya at ang upuan ni Freya na nasa harapan nya.

Sa inis nito ay sumimangot ito na syang nagpa-tigil ng mundo ng kalalakihan sa kanilang section at bahagyang kinilig ang mga babae.

'Parang tuta.' Lahat ng nasa isip nila pati na din ang kaibigan nito na kulang nalang ay manginig na akala mo ay may epilepsy.

Hinila nya nalang ang kamay ni Niccolo at marahas na pinaupo ang lalaki.

Pumunta agad sya sa harapan pag katapos at sinimulan na ang report nila ni Freya.

August LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon