Kabanata 1: Ang Simula

38 1 0
                                    

Monday. June 8, 2009. 5:30AM.

Tutunog ang alarm sa phone ni Benedict. Didilat ng sabay ang dalawa nyang mata na may halong takot at excitement sa mga ito. Ang dami kagad pumasok sa kanyang isipan habang nakahiga pa ito at nakabalot ng puting kumot.

"Eto na yun. Shet."

"First day of high school."

"Ano kayang mangyayari? Ano bang gagawin ko?"

"Bahala na!"

Bumangon na ito at inayos ang kanyang higaan. Pag labas nya ng kwarto ay naghahanda na ng agahan ang kanyang ina.

Benedict: Good morning, Ma!

Mama: Aba, di ko na kinailangan gisingin ah. Sana tuluy-tuloy yan, hindi yung pag first day lang. (natatawang pagsambit)

B: Kontrabida ka na naman, Ma.

Lumapit si Benedict sa dining table at nakita ang nakahain na hotdog, sunny side up egg, at mainit na milo.

B: Sarap naman nito!

M: Oh, kumain ka na tapos mag toothbrush at maligo. Darating ang service mo ng alas-syete.

B: Iba ka na talaga, Ma. Nag highschool lang ako, may school service na. Dati tricycle tricycle lang. (natatawang pagsambit habang kumakain ng agahan)

M: Sige, subukan mong mag tricycle papasok sa school mo. Medyo malayo na ang school mo ngayon.

"High school na, iba pang school. Regional Science High School-III. Hindi sya yung high school ng elementary school ko. Kaya bago lahat talaga. Iniisip ko pa lang, di ko na alam paano maga-adjust."

Matapos kumain, nag toothbrush, naligo, at nag-ayos na papasok si Benedict. Napansin nitong maging ang logo sa kanyang uniform ay iba na habang nakaharap sa half body mirror sa kanyang kwarto.

"Ibang logo na rin. Diyos ko, wag nyo po ako pabayaan."

Biglang bumusina ng dalawang beses ang service ni Benedict.

Mama: Ben ben!!!! Nandyan na yung service mo.

Benedict: Eto na ma, palabas na po.

Sinuot na ni Benedict ang kanyang bag at lumabas ng kwarto. Sinamahan sya ng kanyang ina hanggang sa gate ng kanilang bahay. Sumakay na si Benedict sa puting school service. Pagpasok nya dito, nakita nyang may mga kasabay syang grade school at high school students. Umupo sya sa bungad na katabi ng pintuan tapos ay sumilip ito sa labas sa kanyang ina na sumesenyas ng pagpapaalam.

Umandar na ang service at umalis.

Napatingin si Benedict sa lalaking katapat nya. Nakasalamin, chinito, at kasing payat lang niya.

"He looks very quiet. Parang di makabasag pinggan."

"Ay tumingin. Okay Benedict, look away. Wag ka magpahalata."

Dumating na ang service sa school at bumaba na si Benedict matapos ng lalaking nakasalamin at chinito kung kaya't nauna ito sa paglalakad patungo sa classroom.

Nakita ni Benedict ang kanyang grade school classmate na si Lucas na naglalakad sa hallway.

Benedict: Lucas! (sabay lapit dito nang sya'y lumingon) Nakita mo na classroom mo?

Lucas: Oo, sa room 1D ako eh. Ikaw ba?

B: 1A, di ko nga alam kung saan yon.

L: Naka naman! Talino mo talaga. 1st section.

B: Sus! Magtigil ka. Saan ba kasi to?

L: Deretsuhin mo tong hallway na to tapos yung dulo, yun yon.

B: Yaaas tour guide. (natatawang pagsambit)

L: Siraulo. (natatawang pagsambit) Teka, nakita mo na ba sila Regina at Khloe?

B: Ay hindi pa. Mamaya hanapin natin pero ngayon, hatid mo muna ako sa classroom ko kasi nahihiya ako.

L: Chicks ka eh noh?

B: Dali naaaa.

Pagdating nila Ben at Lucas sa pintuan ng classroom ay iniwan na ni Lucas si Ben dahil nag ring na rin ang bell.

Pagpasok ni Ben ay nagmasid sya upang maghanap ng upuan. Nakakita sya ng bakante sa 2nd row malapit sa pintuan, pangalawa sa dulo. Nagulat sya na ang makakatabi nya ay ang ka-service nya na chinito. Kahit nahihiya ito ay wala syang choice kaya't umupo na sya.

Dumating na ang guro nila at nagpakilalang adviser ng kanilang section, si Ms. Retumban. As usual, hiniling ng guro na magpakilala ang bawat isa - pangalan, paaralang pinanggalingan, at mga inaasahan nila na matututunan sa kanilang unang taon sa high school.

Noong tumayo ang ikalimang magpapakilala, tila bumagal ang mundo ni Ben, nabuhay ang mga mata nito ngunit pinigilan ang pag ngiti dahil ayaw nyang maging awkward at maguluhan ang kanyang mga bagong kaklase kung bakit sya nakangiti.

"I am Inigo Manansala, from Subic Montessori School. And I'm expecting to learn a lot about science and technology."

Benedict: Inigo. Inigo... Ang ganda ng feautures ng mukha sya. Maputi... Pleasant... Parang anghel. Maliit nga lang.

Nagpakilala naman ang katabi ni Ben.

"My name is Stephen Balmaceda, from St. Ignatius School of Batangas. I hope to learn about different mathematical formulas and equations since I love numbers."

B: Mukhang mabait to si Stephen. Kaibiganin ko nga tong ka-service ko para may kaibigan kagad ako.

Natapos ang first day of high school ni Ben na may halo-halong nararamdaman at katanungan.

"Paano ako makikipagkaibigan sa mga bago kong kaklase? Paano ako maga-adjust sa high school? Paano ako makakakuha ng malaking grado sa mga subject ko?

Noong tumunog na ang bell, unang lumabas si Stephen at sinundan sya ni Ben.

Ben: Stephen. Stephen, right?

Stephen: Hey. Oo, Stephen. Ikaw?

B: Benedict. Nice to meet you.

S: Likewise. Diba ka-service kita?

B: Oo. Sasabay nga sana ako sayo papunta. Okay lang ba?

S: Sure. Tara.

Napatunayan ni Ben ang kanyang impression kay Stephen. Quiet type at reserved. Ang hina ng boses nito kapag sumasagot at hindi madaldal gaya nya.

Nagsabay ang dalawa sa service. Si Stephen ang unang binaba sa bahay nila.

Minsan, sa may Kalayaan.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon