Kabanata 4: Silahis

17 0 0
                                    

Benedict: Ma, nakita mo ba yung cellphone ko??? (bungad ni Benedict nang lumabas ng kwarto at nakita ang kanyang ina)

Ma: Hindi, san mo ba huling nilagay?

B: Nasa tabi ko lang yun nung natulog ako eh.

M: Sus! Kapag ako ang naghanap nyan at makita ko. Gamitin mo mga mata mo, hindi bibig.

B: Wala nga dito.... Parating na yung service ko eh.

Bumalik na si Ben sa kwarto at tinuloy ang paghahanap. Ilang ulit nitong binalibag ang mga unan, kumot, at bedsheet. Nang di nya makita ay kinuha nya ang kanyang bag para icheck. Biglang pumasok ang kanyang kuya Jasper.

Jasper: Eto pala yung phone mo. Ginamit ko lang kanina kasi may tinawagan ako. Wala akong load.

B: Nasayo lang pala. Akala ko nawala na.

J: Salamat... Atlis alam mo na ngayon kung pano yung pakiramdam na mawalan ng gamit tapos ginamit lang pala ng kapatid mo.

Biglang napaisip si Ben sa sinabi ng kuya nya. Naalala nitong hindi pala nya naibalik ang bold vcd na kinuha nya kagabi. Wala syang nasagot dahil ito ang unang pagkakataon na nalaman ng kuya nya ang pagkuha nito ng mga bala na walang paalam. Ngumiti si Jasper na parang nang-aasar kaya natawa na lang si Ben.

J: Ayos lang naman basta isauli mo kasi nanonood ako sa umaga pagkagising bago maligo. (tumatawang pagsambit)

B: Sige kuya, babalik ko na. Wala ka bang ibang bala dyan? Sawa na ko kay Maui Taylor, Gwen Garci, Ina Raymundo, Rosanna Roces. (tumatawang pagsambit)

J: Walanghiya ka! Napanood mo na pala collection ko. Ganyan na ganyan din si Christian eh. Nahuli ko pa nga syang nagjajakol kay Maui.

B: Totoo nga, kuya?? Anong ginawa mo???

J: Ayun, pumasok ako, nagulat sya akala nya si mama. Tawa ako ng tawa nun!!! Kung nakita mo lang reaksyon sa mukha nya. Akala raw nya walang tao sa bahay.

B: Kaya ako lagi akong naglo-lock ng pintuan ko. Mahirap na.

Narinig ni Ben ang 2 busina ng kanyang service kung kaya't sinuot na nya sa kanyang likuran ang bag nya.

B: Sige kuya, nandyan na service ko. Kailan ka ba balik ng Manila?

J: Bukas pa. Ingat ka. At hoy mag-aral ka ng mabuti, hindi puro pagjajakol ginagawa mo. (tumatawang pagsambit)

B: Hindi noh. Masipag ako mag..... aral syempre.

May dalawang kuya si Ben, si Jasper (panganay) at Christian (ikalawa). Si Jasper ay kasalukuyang nasa 4th year, kumukuha ng kanyang pre-med course, BS Biology. Si Christian naman ay nasa 1st year, kumukuha ng BS Chemical Engineering. Pareho silang nag-aaral sa University of Sto. Tomas.

Tumungo na si Ben sa kanyang service at natanaw sa bintana ng sasakyan si Stephen. Sumakay na ito at tinapik sa may tuhod ang kaibigan.

B: Uy, Stephen. Kamusta weekend mo?

S: Lumabas kami nila mama.

B: May mga kapatid ka ba?

S: Oo, 2 lalaki, panganay ako.  Ikaw ba?

B: Yaaass kuya ka pala. Ako, bunso. Kamusta ba maging kuya?

S: Ayun, taga-alaga ng mga kapatid. Taga-saway. Ang kukulit nga eh. Yung bunso, grade 4 na at ang kulit. Yung ikalawa, grade 6 na, mahilig mag pedicure, manicure tsaka make-up. Kagabi nga, naglalagay ng cutex, iba-ibang kulay.

B: Pero diba lalaki mga kapatid mo?

S: Oo, eh ganun yung hilig nya eh.

B: Ayos lang yun sa parents mo? Sayo?

S: Oo, yung papa ko kasi silahis. Alam ni mama bago pa maging sila. Kaya open-minded sila.

B: Silahis??? Ano yun?

S: Oo, silahis. Yung nagkakagusto sa lalaki't babae.

B: May ganun ba?????

S: Oo, yung papa ko. (natatawang pagsambit) Wala pa naman sinasabi si Xander about sa gender nya pero ngayon pa lang, alam ko na na tanggap sya nila papa.

B: Mukhang okay lang din sayo ano?

S: Syempre, kapatid ko yun. Minsan nga tawag ko sa kanya, Xandy. Gustong gusto naman nya. Sabi pa nya, kapag daw gabi, Isabelle na itawag namin sa kanya.

Ang swerte naman ni Xander...

Silahis?

Silahis?

Silahis ba ko?

Ano ba ko?



Minsan, sa may Kalayaan.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon