Ms. Retumban: Okay class, I will group you into 3 groups for an activity. Just count 1 to 3 and lahat ng 1, magkaka-group, same with 2 and 3. Start counting.
"1... 2... 3... 1... 2... 3... 1... 2..."
"Shet. Magka-group kami ni Inigo."
"Benedict, ano na naman yan. Nagka-girlfriend ka naman nung elementary. Tsaka babae naman ang nagugustuhan mo ever since. Ano bang meron kay Inigo na yan."
"Ano nga ba? Di ko alam. Nawawala ko ba syang kapatid???"
Ms. Retumban: So ganito ang magiging mechanics. We will classify things based on the states of matter. Paunahan mag raise ng hand at sagutin kung ang babanggitin ko ba ay solid, liquid, o gas. Okay?
Inigo to Benedict: Kayang kaya natin to. (sabay ngiti kay Ben)
"Kinausap nya ko... Kinausap nya ko... Kinausap nya ko shet!" ani Ben sa kanyang isipan habang pigil na pigil ang pagkatuwa.
Ben: Oo naman, sisiw.
Nanguna ang group nila Ben at Inigo. Halos si Inigo lahat ng sumagot.
Matapos ang klase, lumapit si Ben kay Inigo para purihin.
B: Galing mo naman. Nanguna tayo dahil sayo.
I: Favorite ko kasi ang science. Nabibilib talaga ako sa mga ganyang bagay. Paborito ko ngang manood ng scientific documentaries sa Discovery channel. Pati yung Kap's amazing stories pinapanood ko. (sabay tawa)
B: Kaya naman pala. Edi magaling ka rin sa math?
I: Sakto lang. Ikaw ba?
B: Hindi ako magaling sa math. Pero gusto ko rin ang Science, English, Filipino, History, pati Christian Living isama mo na. (tumatawang pagsambit)
I: Sakto, medyo mahina ako sa English. Pag meron akong di maintindihan o nahihirapan na lesson, baka pwede mo kong turuan?
B: Sige ba. Basta tulungan mo rin ako minsan sa science.
"Hala, kakasabi ko lang na gusto ko ng science tapos papatulong ako. Shit, take it back."
B: Ah eh kasi, minsan pag complicated nakakalito na.
I: Totoo yan noh? Kaya natin to. Basta tulungan ah. (nakangiting pagsambit sabay ng pagtapik nito sa likod ni Ben)
B: Oo naman.
Lumapit si Stephen kay Ben.
S: Break tayo.
B: Ano?? Laksan mo kasi boses mo.
S: Break kako tayo.
B: Ay sige tara.
Umalis na rin si Inigo patungo sa mga kaibigan nya, yung iba naging kaklase na nya nung elementary.
Habang naglalakad patungo sa Cafeteria ay nakita ni Benedict na nakatambay sa hallway sina Regina at Khloe.
Benedict: Regina! Khloe! Kamusta, break nyo rin? Tara, Caf!
Pretty girl si Regina Boston. Makinis, walang bahid na kahit na anong pimples. Fil-Am kaya kahawig nya si Nanette Medved. Nag darna pa nga sya nung elementary. Ang kanyang buhok abot hanggang taas ng dede at ang bango at lambot parang laging nasa salon.
Si Khloe Manalansan naman, kulot ang kanyang buhok. Maputi, chubby, at magaling kumanta. Naging mag syota yung mga pinsan nila ni Benedict kaya magkakilala na mga pamilya nila.
Regina: Hindi, free cut lang kasi 15 minutes nang wala yung teacher namin sa English.
Benedict: Jusmiyo, pano ka matututo mag-English nyan. (tumatawang pagsambit)
Regina: Gago, marunong akong mag English!
Khloe: Sige nga. How is your day so far?
Regina: It's fine. Thank you! (sabay halakhak na tawa)
Nagsitawanan sila sa sagot ni Regina, maging si Stephen ay natawa.
K: Ano ba yan, naturingang anak ng Kano tapos ganyan.
R: Ano ba! Binuntis lang naman ng Kano yung nanay ko. Tigang sa barko eh kaya nung nag stopover sila dito sa SBMA ayuuuunn! Eh tigang din nun yung nanay ko. Tsaka kala nya TL na.
K: TL???
R: True love! Alam mo Khloe buti marunong kang kumanta. (tumatawang pagsambit)
B: Ayy Khloe, Regina. Si Stephen nga pala. Classmate at ka-service ko.
Sabay na binati ng 2 si Stephen. Papasok na sila sa caf at biglang naalala ni Khloe na Wednesday nung araw na yon. May spaghetti sa caf.
K: Uy may spaghetti today sila ate! Na-try nyo na ba yun? Masarap sya!!!
B: Mas masarap pa sa spaghetti ng mama ko?
K: Gagi, syempre hindi. (natawang nagsambit) Pero pwede na sya! P40 lang.
Bumili ang apat ng tig-iisang spaghetti at umubo sa bakanteng upuan.
BINABASA MO ANG
Minsan, sa may Kalayaan.
Teen FictionMaraming bago sa mundo ni Benedict - high school, classmates, pagbibinata, at si Inigo. Ang unang lalaki na magpaparamdam sa kanya ng kakaiba. Kakaiba sa kinalakihan nya, kakaiba sa mga tinuturo ng pamilya at kamag-anak nya, kakaiba para sa mundo. P...