Kabanata 5: Bakla at Supot

17 0 0
                                    

Habang naglalakad sa coridor si Benedict papunta sa kanilang classroom ay naaninag nya mula sa kalayuan si Inigo. Napakapogi at linis tingnan nito sa kanyang puting uniform habang tumatawa sa kausap. Napatingin ito sa kaniyang kaliwa kung kaya't nakita nito si Ben na papalapit at ito'y kumaway sa kaibigan.

Ben: Ang pogi naman nito, ang aga aga.

Inigo: Ben! Kamusta weekend mo?

Ben: Uy Inigo, good morning. Okay naman, bahay lang. Ikaw ba?

I: Naglarga lang kami ng mga kabarkada ko sa Batangas. Ang saya!

B: Anong ginawa nyo dun? "Larga" talaga, nakakatawa yung word.

I: Oo, larga, hindi nyo ginagamit yun? Swimming swimming kami dun, ganon. May rest house kasi dun yung kaklase ko nung elementary.

B: Oh? Minsan tayo naman ang lumarga hahaha.

I: Oo ba! Kailan? This weekend?

B: This weekend kagad, gagi papaalam pa ko. Di ko sigurado kung papayagan ako.

I: Magpaalam ka na mamaya pag-uwi.

B: Lakas mag-aya! Ikaw ba tingin mo papayagan ka?

I: Wala naman ako pagpapaalamanan.

B: Huh? Ano? Bakit wala? Panong wala? 

Nakita ng dalawa na papunta na sa kanilang classroom ang adviser na si Miss Retumban kaya't tumayo na si Inigo at niyaya si Ben papasok. Naputol ang kanilang usapan.

Pagpasok sa classroom ay nakita ni Ben si Stephen na nakaupo na.

B: Steph, sabay tayo mamaya lunch with the girls ha?

S: Sige lang.

Kahit 2 words lang yun okay na ko kasi ako lang talaga ang kinakausap ni Steph dito sa buong school. Kahit sina Regina at Khloe hindi pa sya ganun kakomportable mag-open ng sarili.

Habang nagkaklase si Miss Retumban ay may nambabato ng papel na nakabilog kay Stephen. Nakatatlong bato na nung napansin ito ni Ben dahil natamaan na sya nito sa mukha.

Ben: Ay ano ba yun?! (nagulat at nalakasan ang boses)

Ms. Retumaban: Yes, Mr. Reyes, any problem?

Ben: None ma'am. (sumagot matapos mapatingin sa kaliwa at nakitang tumatawa ang kanilang kaklase na si Joshua)

Dinampot ni Ben ang papel na tumama sa kanya at binuklat ito. "Bakla."

Kinuha din nya ang 2 papel na nasa armchair ni Stephen. Sinubukan ni Stephen na pigilan si Ben sa pagkuha ngunit mapilit si Ben.

"Bakla."

"Bakla."

Nagulat si Ben nung umpisa nang mabasa ang mga nakasulat, na may nambubully pala sa kanyang kaibigan kahit wala naman itong masamang ginagawa rito. Nagalit si Ben at tumingin ng masama kay Joshua.

Naglabas ng papel si Ben at nagsulat. Binilog tapos binato nya ang papel sakto sa mukha ni Joshua.

Dinampot ito ni Joshua at binuklat. "Supot." Hindi nakapag-react si Joshua agad agad kung kaya't bumanat si Ben.

Ben: Oh ano, wala kang reaction kasi supot ka pa talaga.

Napalakas ang boses ni Ben kung kaya't nagtawanan ang mga kaklase nito at nabwisit na naman sa kanya si Miss Retumban.

MR: Mr. Reyes! Go out of my class!

B: But ma'am. Joshua started it. He's been throwing papers to Stephen.

J: It wasn't me, ma'am. 

B: Lying piece of shi..... Nevermind.

MR: Is this true, Mr. Soriano?

J: No ma'am. Those gay guys are lying.

MR: Joshua, your words! I won't allow discrimination in my class.

Si Miss Retumban, o Miss Wendy kung tawagin ng mga higher batch, may tsismis na kumakalat na tomboy daw ito at may karelasyon na babae. Nalaman ko lang kina Regina at Khloe habang naghihintay kami ng mga sundo. Meron kasing nag testi sa kanya sa friendster na babae tapos sabi I love you. Wala na yung testi pero may mga nakakita raw. Tapos lagi raw itong nakikita na iisang babae ang kasama kapag naggo-grocery, mall, nanonood ng sine, o kaya eh namimili sa Bluehills ng housing ng phone.

MR: Joshua and Benedict, go to the Discipline room. Both of you.

Nagpunta ang dalawa sa Discipline room at nakitang may 5 estudyante na nandoon at pinasulat pa ng 5 pages ng "Hindi na ko magdadaldal. Makikinig na ko sa klase." Umupo ang dalawa na may 2 silyang nakapagitan sa kanila.

Joshua: Mabait pa pala si Miss Retumban. (nakatingin kay Ben)

Ben: Wag mo nga kong kausapin. Patuli ka muna.

Narinig ito ng limang nasa kwarto at nagtawanan.

J: Tuli na ko. Mas matangkad pa nga ko sayo.

B: Oh ngayon? Wala yan sa tangkad.

J: Bakit ba parang galit na galit ka saken? Hindi naman ikaw yung binato ko ng papel ah. Parang affected ka masyado. Bakla ka noh?? Uyyy bakla sya. Siguro magjowa kayo nung Stephen. Kadiri kayo.

B: Hindi ako bakla. At kung bakla man ako, wala kang pakialam dun. Baka ikaw ang bakla kasi nambubully ka. Naghahanap ng mas mahina sa kanya para maramdamang matapang at malakas sya. Sinong bakla ngayon?!

J: Ah eh, ikaw? (tumatawang pagsambit na tila nangaasar)

B: Kawawa ka naman, siguro hindi ka mahal ng pamilya mo. Lungkot siguro ng buhay mo sa bahay nyo.

Hindi na nakasagot dito si Joshua at pinakyu na lang si Ben gamit ang kanyang middle finger.

B: Kawawa. Supot. (tumatawa at nangaasar na pagsambit)




Minsan, sa may Kalayaan.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon