Kabanata 6: Dolphin

13 0 0
                                    

Matapos ang Science I class ay lunch break na. Lumapit si Ben kay Inigo at kinamusta ang nangyari sa klase kanina sa English kung saan sya napapunta sa DR.

Ben: Kamusta klase kanina, nag quiz ba?

Inigo: Hindi naman pero ang haba nung homework. Bakit pa ba nagpapa-homework mga teacher, pano na mga gawain sa bahay? Selfish eh.

B: Ano bang mga ginagawa mo sa bahay? Nagluluto ka ba? Naglilinis? Naglalaba?

I: Oo lahat yun.

B: Asan ba mga magulang mo?

I: Patay na.... joke! Yung dad ko nagtatrabaho as engineer sa Taiwan. Yung mom ko ewan ko ba busy-busyhan.

Tsaka nga pala si Joshua. Mabait naman yun! Mapangasar lang talaga. Kabarkada ko yun nung elementary.

B: Ah talaga? Parang hindi. Same school pala kayo. Anong nangyari sa kanya, parang napariwara.

I: Matalino yun mukha lang hindi hahaha.

B: Sabihin mo sa kanya, tigilan nya pang-aasar kay Stephen. Tara na nga, lunch tayo. Dun tayo sa Cafe Monkey. May adobo raw sila sabi nung mga kaibigan ko.

Nagpunta na sila Ben, Inigo, at Stephen sa Cafe Monkey na nasa vicinity pa rin ng school nila. Pagdating nila ay nandun na sila Regina at Khloe. Dumeretso sila sa table ng 2 at umorder bago umupo.

B: Regina, Khloe, si Lucas nakita nyo? Tsaka si Inigo nga pala.

R&K: Hi, Inigo!

R: Haynako, kasama nya yung mga kupal na lalaki nyang kaklase.

B: Ang harsh ah.

K: Paano yung isa dun may gusto kay Regina. Ginagawa pa ngang bridge si Lucas. Eto naman si Lucas si tanga sunod naman. Binigay pa ni Lucas number ni Regina.

B: Panget ba?

R: Di ko type, Ben. Ang gusto ko yung mas matangkad at malaki katawan. Jusme, payatot naman yun pero gwapo. Pero eto si Khloe mukhang type nya.

K: Cute lang sya pero di naman crush.

Staff: Eto na po 3 adobo.

Kinuha nila Stephen ang order at nung pabalik na sila sa table at paupo...

R: Oh ano to, hindi tayo dito kakain.

B: Saan aber?

R&K: Sa Dolphin!!!!

K: Yung malapit sa DR! May mga table at chair din don. Dalian natin baka may mga umupo pa.

Tinawag na Dolphin ang lugar na iyon dahil sa parang sakayan sa palaruan na Dolphin na nakalagay dito. May katabing puno ang Dolphin kung kaya't kapag okupada na ito ay maaaring umupo ang iba sa punong nakabagsak.

Pagdating nila Ben ay walang katao-tao sa Dolphin area. Dumeretso na sila sa isang table at kumain. Matapos kumain ay sumakay sa Dolphin si Inigo at tuwang-tuwa. Nakita ito ni Ben at kinuhanan sya ng picture gamit ang kanyang Nokia Xpressmusic 5130 na phone. Nagpatugtog si Ben ng Secondhand Serenade songs.

But hold your breath because tonight will be the tonight that I will fall for you...... Because the girl like you is impossible to find, impossible to find.......

Umupo sa puno si Stephen, Ben, at Khloe habang si Regina ay nag indian seat sa tapat nila na sementado. Nagja-jamming na ang tatlo sa Fall For You ng Secondhand nang biglang nag-open ng topic si Regina.

(tinatawag ni Regina ang pansin ni Inigo gamit ang kanyang kamay) R: May girlfriend ka?

Ben: Gago talaga to si Regina pero wait gusto ko malaman sagot dito.

I: Wala, since birth.

R: Ay bakit wala?

I: Wala pa eh, wala pa kong nagugustuhan.

R: Ahhh eh ikaw Stephen?

S: Tingin mo sa pagkamahiyain ko na to makapagligaw ako haha.

R: Malay mo hahaha. Si Ben kasi walang girlfriend. Pero nagka-girlfriend na yan, si Jane. 2 weeks sila.

B: Ang galing mo talaga eh noh. Binalik mo pa.

I: Hahaha bakit 2 weeks lang?

B: Puppy love kasi yun.

K: Alam mo sayang kayo, ang ganda ni Jane.

B: Ayaw pa nga ng mga magulang nya kasi raw bata pa.

K: Eh dapat niligawan mo rin mga magulang nya. Mababait naman yun.

B: Eh hindi rin naman kami mag-aaral sa same high school so parang wag na di na lang.

R: Kinakamusta ka nga nya sakin friend eh. Sabi ko okay ka naman. Gusto ka pa rin nun. O mahal pa rin? Yeeeee hihi.

Inasar na nila si Ben.

B: Para kayong tanga. Pero alam nyo, iba rin talaga tama ko dun. Every time makikita ko sya sa floor dati, ang saya haha.

S: Mahal mo nga.

At nagsitawanan silang lahat habang natatawa rin si Ben na umiiling.

Biglang napansin ni Ben na sumeryoso bigla ang itsura ni Khloe nang magbasa ito ng text message.

B: Khloe, okay ka lang, huy?

K: Oo naman, yung ate ko lang nag text kasi magkaaway na naman sila ng asawa nya. Misunderstanding again. Ayan kasi, nag-asawa ng maaga kasi nabuntis, eh parehas silang immature. Bata pa nila.

B: Ano ka ba, normal lang naman yung misunderstanding sa magkarelasyon. Magpahupa lang kamo muna ng sama ng loob si Ate Ganda. Magbabati rin yan.

Nakatitig lang si Inigo kay Ben na tila nagustuhan ang  binanggit ng kaibigan.

K: Totoo yan, osya, kitakits mamayang break time or kung may free cut man. Tara na, Regina.

R: Pwede bang mag free cut na ko? Ayoko ng Math, boring pa ni Sir Fabregas.

K: Gaga ka dalian mo dyan, may quiz tayo ngayon.

R: Oh sya, bye boys!

B: Tara na rin guys, sa classroom na lang tayo magpalamig.

Naunang tumayo si Stephen at naglakad, sumunod naman si Ben.

B: Inigo, tara na.

Hindi tumatayo si Inigo.

I: Game tayo this weekend.

B: Ay buti pinaalala mo, yayain natin sila Regina.

I: Hindi, tayong 2 lang.

Nagulat si Ben sa sinabi ng kaibigan at nagtaka na may halong pagpipigil ng kilig.

B: Panong tayong 2 lang?

I: Samahan mo ko. Punta tayong Pampanga.

B: Ano, Pampanga? Anong meron dun?

I: Basta..... Sabado, 8am, Victory liner sa Olongapo.

B: Ay ang aga.....

I: Please.

Biglang hinawakan ni Inigo ang kanang kamay ni Ben gamit din ang kanyang kanang kamay. Hindi mawari ni Ben ang gagawin at sasabihin. Hindi inaalis ni Inigo ang pagkakahawak sa kamay ni Ben hanggang hindi ito sumasagot.

B: Sige na, oo.

I: Yes! Salamat, Ben!

Tumayo na si Inigo sa Dolphin at naglakad na sila ni Ben papuntang classroom.

Ben: Ano kayang gagawin namin dun?????





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Minsan, sa may Kalayaan.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon