CHAPTER 2

4.1K 262 2
                                    

IT was almost three o'clock in the morning and she was still waiting for a jeepney to take her home. Basang-basa na siya dahil kanina pa bumubuhos ang malakas na ulan. Wala nang mga sasakyang dumadaan sa lugar dahil sa malakas na ulan at dahil sa madaling-araw na, ngunit nagbabakasakali pa rin siyang may dumaan. Dalawa lang silang naroroon sa waiting shed, isang lalaki na sa tantiya niya ay nasa trienta ang edad. Napansin niyang pasulyap-sulyap sa kanyang direksiyon ang lalaki kaya nakaramdam siya nang kaba.

Hindi siya agad nakasakay pagkatapos ng trabaho niya sa bar kanina. Malakas ang ulan dahil marahil sa bagyong papasok sa bansa, nakauwi na ang mga kasamahan niya ngunit naroon pa rin siya. Si Sancho kanina ay niyaya siyang ihatid kasama ang boyfriend nito na sumundo rito sakay ng isang motor. She refused the invitation. Ayaw niyang makaabala sa dalawa.

Ngayon niya pinagsisisihan ang kanyang pagtanggi.

Niyakap niya ang sarili dahil sa nararamdamang panlalamig at inilibot ang mga mata. Hindi niya gaanong nakikita ang mga establisiyementong nakapaligid sa kanya dahil sa lakas ng ulan. Pati siya ay nababasa na kahit na nakasilong sa waiting shed.

She wanted to go home and lay her worn-out body on her bed. Tomorrow was Saturday and she had no class, she can sleep until noon. Madalang lang siyang makakuha ng maayos na tulog sa tatlong nakaraang buwan.

Sa umaga ay may klase siya ng alas-otso hanggang alas-dose sa university na pinapasukan. Pagkatapos ng klase ay naghahanda naman siya sa pagpasok sa restaurant mula ala-una ng hapon hanggang alas-otso ng gabi. After her job on the restaurant, she still had to work at the bar for five hours.

Alas dos na ng madaling araw natatapos ang kanyang araw. Tuwing uuwi siya ng apartment nilang magkakapatid ay pagod na pagod siya kaya agad siyang nakakatulog. Limang oras lang ang karaniwang tulog na nakukuha niya tuwing lunes hanggang oras kaya tuwing sasapit ang weekends ay matinding relief ang kanyang nararamdaman dahil mas mahaba-haba ang kanyang ipapahinga.

Dalawang nakababatang kapatid ang kanyang binubuhay kaya kailangan niyang sipagan. Nag-aaral ang dalawa sa isang pampublikong eskuwelahan kaya kahit papaano ay hindi masyadong mahal ang pagpapa-aral sa mga ito. Si Anton Carlos, ang bunso niyang kapatid na lalaki ay pitong taong gulang at nasa grade two. Mag ko-kolehiyo naman sa susunod na taon si Adeline—ang sumunod sa kanya at labing pitong taong gulang na kapatid niyang babae.

Mga kapatid niya ang mga ito sa ina. Ang nanay nilang si Amanda ay dati ring nagtatrabaho sa bar. Isa itong probinsiyana na pinangakuan ng magandang trabaho pagluwas ng lungsod ngunit nahantong sa pagbebenta ng laman. Nagkaroon ito ng ugnayan sa kanyang ama na ayon dito ay may asawa.

Alessandro Sanford ang pangalan ng kanyang biological father na kailanman ay hindi niya nakita.

Nang ipagbuntis siya ng ina niya ay hindi na nito ipinaalam sa kanyang ama ang kalagayan nito dahil pauna nang pinutol ni Alessandro ang ugnayan nilang dalawa nang malaman nitong nagdadalang-tao ang asawa.

Ang ama naman ni Adeline ay isang Pilipino na naging customer ng kanyang ina, ang sabi ni Amanda, minsang magtanong si Adeline tungkol sa ama nito, ay nasawi sa isang aksidente ang lalaki.

Ang ama ng kaniyang bunsong kapatid na lalaki ay ang dating kasintahan ni Amanda.

Nang tumigil ang kanyang ina sa pagiging GRO ay nagtrabaho ito sa isang restaurant at nakilala si Juan Carlos—ang ama ni Anton Carlos. Dahil nga maganda ang kanyang ina ay nagkagusto rito ang lalaki.

Nakita niyang naging masaya si Amanda kay Juan Carlos, hindi kaila sa lalaki ang dating trabaho ng kanilang ina pero tinanggap pa rin niya ito.

Ngunit nang bumagsak ang negosyo ni Juan Carlos ay basta na lang nitong iniwan si Amanda at nagpakasal sa isang mayamang negosyante na mas matanda rito ng labing dalawang taon. Leaving her mother in pain. Hindi na rin nito ipinaalam kay Juan Carlos ang tungkol sa pagbubuntis.

My Foolish Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon