You're My Lady || Narration

15 3 6
                                    

Jinhee POV

Maaga na naman ako pumasok at nandito ako sa convenience store malapit sa school. Bumibili ng pagkain si Jibeom at dito daw kami maguusap. Hanggang ngayon, di ko parin alam kung maniniwala ako sa kanya. Hindi sa pagiging pabebe pero mabilis talaga masyado.

Yung lalaking gusto ko, gusto din ako pero masyadong mabilis. Ayoko na padalos dalos kami ng desisyon. Pareho lang namin masasaktan ang isa't-isa at ako ang mapupuruhan non.

"Oh ramen. Kumain ka na", sabi ni Jibeom oppa

Kumain naman ako kasi Ramen yun, bakit ko tatanggihan diba?

"Ang ganda mo", sabi ni oppa

Nasamid naman ako kasi biglaan naman yun. De eke sheney hihi

Inabutan naman niya ako ng tubig sabay tumawa. Na gets niya na siguro. Syempre, sino ba namang di masasamid don? Alam kong di ako naniniwala sa kanya pero marupok ako

"Ginawa mo na kay Geumhee yan, ano?", tanong ko sabay subo ulit

Umiling naman siya at ngumiti, "Never kaming kumain o nagsama nang kaming dalawa lang"

"Hindi ko din siya pinupuri kasi hindi naman siya nakikinig sakin", dugtong niya

Napatingin naman ako sa kanya. Nakatingin lang siya sakin habang sumisipsip sa Banana Milk na binili niya. Bakit ba hindi ko magawang maniwala sa kanya? Mukha siyang nagbibiro

"Weh?", tanong ko

"Alam ko bahay niyo matagal na, hindi ako kumakatok o pumupunta kasi nahihiya ako sa parents mo. Hindi kita binibigyan ng snacks tuwing lunch kasi gusto ko sabay tayo kumain. Hindi kita hinahatid sa bus stop kasi gusto ko maglalakad tayo ng sabay", sabi niya

Eto. Kumikinang ang mata niya. Aasa na ba ako sa kanya?

"Alam kong masyadong mabilis pero hindi ka naman kasi mahirap magustuhan. Iba ka kay Geumhee kasi pinahahalagahan mo ko. Kaya gusto ko ibalik sayo lahat ng yun nang may kasamang feelings kaya sana maniwala ka sakin", sabi niya saka hinawakan ang kamay ko

"Saka hindi ko naman alam na magugustuhan kita. Wala akong balak na gustuhin ka, nangyari lang. Kaya kung naguguluhan ka man ngayon, sorry", sabi niya

"Pero di ko pinagsisisihan na ginusto kita", sabi niya

Ngayon lang ako nakarinig ng ganyang mga salita. May tao rin na nagsabi na hindi niya pinagsisisihan na makilala ako.

"Naniniwala na ko", sabi ko

Siya naman ang nasamid ngayon. Ngumiti lang ako ng tilid kasi nahihiya pa ako. Inaabsorb ko pa ang mga sinabi niya. Syempre kinikilig ako HAHAHAHA. Napainom naman ako sa Banana Milk na binili niya para sakin saka binilisan ubusin ang Ramen. Please lang kahihiyan, lubayan mo ko.

Alam kong ang korni ng mga naiisip ko at nasasabi naming dalawa, pero diba ganon naman talaga kapag may gusto kang tao?

"Thank you", sabi niya saka tumawa at nagpipigil ng kilig

Suss tignan mo. Siya pa 'tong kinikilig. Sabi na nga ba crush na crush ako nito eh

"Pumasok na kayo baka ma late kayo. Umagang umaga", sabi ng cashier sa convenience store

Nagkatinginan naman kami at napatawa saka nagayos.

Magkasabay kaming pumasok. At nililinaw ko lang na hindi kami magkaholding hands. Medyo nahihiya ako sa kanya. Nagdadaldalan lang kami habang papasok, hindi niya rin pinalampas ang pagkakataon at balak pa kong ihatid sa room namin pero bago pa man kami makarating ay may nangyayari sa hallway.

"Sabi ko wag mo kong sundan!"

"Bakit? San ka pupunta ha? May babae ka ba ha, Bong Jaehyun?"

"Tigilan mo ko, Miley"

Sumingit naman kami ni Jibeom at nakita namin na nagtatalo sina Jaehyun sunbae at yung bagong transferee

"Pupunta ako sa kahit anong puntahan mo, Jaehyun! Bakit ba ayaw mo kong pasamahin ha? Girlfriend mo ko!", sigaw nung babae

"Pwede ba? Wag mong ipagkalat na girlfriend kita! Hindi kita girlfriend at hindi kita magugustuhan", sabi ni Jaehyun at pilit kumawala sa pagkakahawak ng babae

"Grabe. Iba na 'to. Lagot", narinig kong bulong ni Jibeom oppa

Hinila ko naman si Jibeom oppa at pilit sumiksik sa mga nakaharang. Nang makarating kami sa room ay nandoon si Geumhee, nakaupo sa desk ko.

"Oppa. Masama pakiramdam ko", sabi ko saka umalis

You're My Lady || kim jibeomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon