You're My Lady || Narration

12 3 4
                                    

Jibeom POV

Napatakbo ako sa clinic nang makita ko yung message ni Jinhee. Wala akong nabalitaan na masamang nangyari so baka masama lang ang pakiramdam.

"Jinhee? Asan ka?", tawag ko sa infirmary

Nakita ko naman na may isang nasa higaan don kaya pinuntahan ko at nakita ko si Jinhee na maraming gasgas at may pasa.

"San galing yan? Binugbog ka ba ng parents mo?-"

"Oppa. Si Geumhee, nasa hospital. Hindi ko alam yung nangyari, wala akong alam", sabi niya saka umiyak

Lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya. Bakit wala akong alam? Anong nangyari?

"Bakit? Anong ginawa sayo ni Geumhee?", tanong ko

Bago pa siya makapag salita ay umiyak na siya. Ang tapang tapang mo sumagot na kesyo wala ka nang pakielam kay Geumhee pero umiiyak siya ngayon.

Bakit kasi hindi ko alam? Hindi ako marunong mag comfort. Pa'no ba to? Hanggang akap lang ba talaga okay lang? Hindi ba siya madidisappoint? Yung ibang babae kasi ganon ih

Hanggang sa makatahan na siya ay inantay ko siyang magsalita. Pinunasan ko ang luha niya at pawis. Required ba talaga na kapag umiiyak, pagpapawisan?

"Pinuntahan ako ni Geumhee kanina. Pinagpipilitan niya na makipag bati ako sa kanya. Ayoko na talaga, hindi ko din alam. Tapos... tapos... sabi niya naging boyfriend lang daw kita ayaw ko na daw sa kanya. Na ginamit ko lang daw siya para mapalapit sayo. Ang dami niyang sinabi na wala namang kabuluhan. Hindi ako ganon, promise. Hindi ko napigilan sarili ko tapos nasagot ko siya. Nabunyag ko yung plano niya na paghihiwalayin sina Jaehyun sunbae at HanA sunbae. Nagalit siya tapos sinabunutan ako-"

"Ha? Bakit? Bakit kailangan umabot sa ganon?", sagot ko agad

Ang gara talaga. Hindi ko alam na ganyan yung ugali niya

"Pinagpipilitan niya na sinisiraan ko daw siya sayo tapos kinalmot na ko hanggang sa tumulong na yung mga kaibigan niyang bago. Tapos... tapos.. nung gumanti ako bigla siyang natumba tapos nabagok. Sinisisi ako ng lahat, di ko naman alam yung nangyari", sabi niya saka umiyak ulit

Hayaan mo. Gagawa tayo ng paraan diyan. Hindi ko hahayaan na mamali ka.

"Naniniwala ka naman sakin diba?"

Hindi ka ganong tao. Alam ko yun

Pero bakit ayaw maniwala ng puso ko?

You're My Lady || kim jibeomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon