Jinhee POV
Kasalukuyan akong nakasakay sa bus at naka earphone. Hindi na ako nag reply kay Geumhee dahil sa inis. Iba na talaga yung ugali niya. Hindi siya ganon dati. Ayokong umabot sa point na madadamay ako sa kahibangan niya. Hindi na siya marunong dumistansya kay Jaehyun sunbae.
Masyado akong harsh, oo. Dun lang matututo si Geumhee kaya kailangan. Dapat siyang matutong lumugar. Nasaktan niya si Jibeom oppa at aarte na parang wala lang yun tapos balak pa niyang paghiwalayin si Jaehyun sunbae at ang girlfriend niya? No.
Tama naman si Geumhee. Pagkakataon ko na 'to para malapitan si Jibeom oppa pero di pa pwede. Nagkaroon kami ng deal non ni Geumhee na kakaibiganin niya si Jibeom para sakin at ganon din ako kay Jaehyun. Pero hindi ko naman inaasahan na aabot sa gan'to. Akala ko sapat na sakanya yung one sided love.
Hindi pa ako pwedeng umeksena, hindi pa nakakamove on si Jibeom oppa-
"Jinhee"
Napalingon naman ako sa lumapit sakin, si HanA Gu. Ang ganda niya, simple lang yung ganda niya. Nakaka inggit. Ganoto siguro mga type ni Jibeom oppa. Di ako papasa sa kanya
"Oh Sunbae! Upo ka, walang nakaupo dito", bati ko saka inalok ang upuan sa tabi ko
Nginitian niya ako, "Thank you. Yun sana sasabihin ko eh HAHAHAHAHA Ang aga mo naman ata?"
"Ah gusto ko lang po tumambay sa room nang maaga. Presko po kasi hangin don. Kayo po? Ang aga niyo din po", sabi ko
"May gagawin pa kasi ako sa library. Alam mo na, lagot ako kay Ms. Joo kapag di ako nakapunta don on time", sabi niya
Kamag anak kasi nila HanA sunbae ang librarian don kaya kapag may time, siya ang inuutusan ni Ms. Joo na mag sort ng libro don.
"Buti ka pa sunbae kaya mo yung mga ganyan. Ako kasi hindi. Nakakahilo yung mga libro, ayos pa sana kung music sheet", sabi ko
Tumingin naman siya sakin, "Maraming music sheets din don sa pagkakaalam ko. Meron din akong natabi sa locker ko, kung gusto mo sayo nalang"
Nanlaki naman ang mata ko at agad na um-oo sa kanya. Music sheets yun ser, kailangan ko yun para sa performance namin sa Music at favorite subject ko ang music.
Nginitian lang ako ni Sunbae at ganon din ako. Naka bawi naman ako ng good vibes ngayong araw HAHAHAHAHA
Pagkababa ko ng bus ay sinabihan ako ni Sunbae na iaabot niya nalang sakin ang music sheet mamaya sa classroom. Nauna na siya at ako naman ay pumunta pa sa convenience store malapit sa school. Doon ko nakita na bumibili ng banana milk si Jibeom oppa
"Oppa!", tawag ko sa kanya
Lumingon naman siya sakin at ngumiti, "Aga mo ah. Oh gusto mo?"
Inabot ko naman ang Banana milk na inaalok niya at sinundan siya. Ang gwapo niya ngayon, gan'to ba talaga siya kapag broken hearted?
Pumasok naman agad sa isip ko na kailangan ko bumili ng chips at bulgogi burger dahil di pa ko nagaalmusal. Naglibot na ko don pero ang nabili ko ay instant ramen.
"Ramen? Di ka pa ba nagaalmusal?", tanong ni Oppa habang naka upo sa tabi ko
"Ah oo. Alam mo na po kasi kailangan agahan ang pasok", sabi ko
"Bakit di mo kasabay si Geumhee?", tanong niya
Napatigil ako sa pagsubo at nakita ko naman na seryoso ang mukha niya. Ang bilis naman ata mawala ng feelings niya. Parang noon kapag naguusap kami in person ay nagniningning mata niya kapag si Geumhee ay pinaguusapan.
"Pinutol ko na friendship namin oppa. Malala na kasi yung ginagawa niya", sabi ko saka kumain ulit
"Yung balak niya bang paghiwalayin sina Jaehyun at girlfriend niya?", sabi niya
Napatingin ako sa kanya. Bakas pa sa labi niya yung pasa galing sa suntukan nila ni Jaehyun sunbae kahapon. Kaya hindi ko rin masisi ang sarili ko kung bakit ako galit kay Geumhee. May dalawang nag away dahil sa kanya.
"Ayoko kasi ng ganon, Oppa. Saka nag usap kami kagabi. Para bang wala lang sa kanya yung ginawa niya sayo tapos pinagpipilitan niya na maghihiwalay din sina Sunbae at girlfriend niya. Hindi siya ganon dati", sabi ko
Narinig ko naman ang buntong hininga niya. Inubos ko anv Ramen at sumipsip sa Banana milk na binigay ni Oppa bago magsalita.
"Oppa, sorry talaga sa nagawa ni Geumhee", sabi ko
Tumingin siya sakin habang nakangiti, "Bakit kay Jaehyun, sunbae ang tawag mo. Sakin oppa?"
Nanlaki naman ang mata ko. Bakit nga ba? Hindi ko din alam
"Ha? Hindi ko din alam oppa- I mean sunbae kung di ka po komportable", sabi ko
"Pwede bang casual nalang tayo mag usap? Wala nang sunbae sunbae at po? Magkaibigan naman tayo diba?", sabi niya
May kung anong nagliwanag sa mata ko at sumibol sa puso ko. Tama ba 'to? Eto ang unang step sa relationship diba?
No no. Jinhee, di pa nakaka move on si Oppa. Wag muna humarot
"Ah, sige oppa", sabi ko
Ayokong pansinin sana pero nakakakilig yung mata ni Oppa. Nagliliwanag. Ako lang ba o ano? Pero ang sarap titigan talaga

BINABASA MO ANG
You're My Lady || kim jibeom
Hayran KurguGolden Child Fanfictions #02: 김지범 ❒ completed