PROLOGUE

310 9 11
                                    

May 2064

Rachelle's POV

"Mama, kila lola ba tayo pupunta ngayon?" I asked my mom with a smile na ang ibig sabihin ay excited na akong makita ulit si lola.

Kasalukuyan kaming nasa kotse ngayon ni daddy at siya ang nagmamaneho papunta sa mansyon nila lola. Nasa shotgun, na katabi ni daddy si mommy nakaupo at nasa likod naman kami ng kapatid kong pangit.

I'm already 12 years old, while my little brother is 8 years old and feeling mature. Like duh.

It's been a month na din since nabisita namin si lola sa mansyon. Kaya kahit na nakakapagod ang biyahe papunta sa mansyon nila lola ay tinitiis ko nalang kasi siguradong malungkot na yun sila lola at lolo dun kasi sila dalawa lang ang nandun maliban sa mga katulong.

"Yes baby, are you excited to see your lola and lolo again?" My mom turned back a little to see my reaction.

"Of course she is mom, kailan pa ba hindi?" Nakabusangot at walang ganang sagot ni Russel.

"Che, tumahimik ka nga diyan pag di ikaw ang kinakausap." Inis na sabi ko at piningot ang tainga niya.

"Aray, aray Rachelle!!!" Sigaw niya habang pinagpapalo palo ang kamay kong nakapingot sa tainga niya.

"Rachelle, Bitaw, tama na yan." Kalmadong sabi ni mama kaya agad na bumitaw ako.

"Ikaw naman Russel, kailan ko ba sasabihin sayo na ate Rachelle at hindi Rachelle lang? Isang rinig ko pa niyan, grounded ka for a month para magtanda ka talaga." Sermon ni mama kay Russel.

Nakita ko naman siyang mas bumusangot kaya nginisihan ko siya pagkabalik ni mama ng paningin sa harapan.

Lumapit ako ng konti sa kanya at bumulong.

"Ano ka ngayon? Bleeh. Hihihihi" Sinabayan ko pa ng konting ngisi para mapikon talaga siya.

"Mama oh si ate!!!!" Sumbong niya kay mama.

"Ano na naman Russel? Inaano ba kita?" Painosente kong sabi.

"Tama na sabi yan." Mom said while gritting her teeth.

Alam naming malapit nang sumabog si mommy pag ganyan kaya tumahimik na kaming dalawa ng kapatid ko.

Tumingin nalang ako sa bintana para pagmasdan ang mga nadadaan namin habang si Russel namin ay sinusubukang matulog.

🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶

Matapos ang halos isang oras na biyahe ay narating na namin ang mansyon nila lola.

Kaagad akong lumabas ng sasakyan at tumakbo papasok ng mansyon habang sumisigaw.

"Lola!! Lola!! Lola!!! We're here na. Lola!!"

Nakita ko naman siyang bumaba ng hagdan ng mabagal. Lumapit ako para makababa agad siya, baka kasi gabihin pa kami dito.

"Salamat apo." lola said while smiling at me.

"You're welcome lola." I replied cheerfully.

"Hija, asan ang mga magulang mo pati si Ranny?" Lola asked me.

"Ma!" Agad na lumapit ang daddy ko kay lola at niyakap ito at hinagkan sa pisngi.

"Oh Ken, asan na ang asawa mo at si Ranny?"

"Ma, Russel po. Nasa labas pa sila, ginising pa ni Michelle si Russel dahil nakatulog ito sa biyahe kanina." Pagpapaliwanag ni Daddy kay lola.

Ito rin ang dahilan ba't ayaw ni Russel dito sa mansyon maliban kasi sa boring dito ay palagi ring nakakalimutan ni lola ang pangalan niya.

"Ma." nakangiting sabi ni mommy pagkapasok nila ni Russel sa mansyon at agad na yumakap at humagkan din sa pisngi ni lola.

"Russel, go greet your lola na." sabi ni mommy kay Russel.

Sumimangot agad si Russel at umakap kay lola.

"Good noon lola." Nakasimangot pa rin niyang bati.

"Kamusta ka na Rasi apo?" Bati ni lola kay Russel na lalong nagpasimangot sa kanya.

"Pfftt." Ako naman ay pinipigilan ang matawa sa nakikita at naririnig ko.

"Lola, how many times do I have to remind you that Russel is my name, Russel, Ra-sel. R-U-S-S-E-L." Masungit na sabi ni Russel kay lola.

"Ay hehehe, pasensiya na apo matanda na si lola eh. Di bale niluto ko ang mga paborito niyo. Tamang tama ang dating niyo at kakatapos lang din ng pagluluto, kaya tara na dun sa dining hall para makakain na tayo." Agad na tumalikod at naglakad si lola.

Nakasunod lang kami sa kanya hanggang sa pumasok kami sa isang silid na may malaking lamesa sa gitna at napapalibutan ng halos isang dosenang upuan. Malalaking upuan.

Tahimik lang kaming kumain dahil nakaugalian na namin. Pinalaki kasi ni lola si daddy at mga tito at tita ko na di dapat nagsasalita habang nasa hapag kainan kaya naituro din ni daddy sa amin.

Pagkatapos kumain ay dumiretso kami ni Russel at lola sa may sala. Sina mama at papa naman ay nagpahangin muna sa labas sa may hardin.

Nanuod nalang kami ng TV sa sala.

"Amboring naman nito!! Ano ba yan, kahit kailan ang pangit ng mga cartoons." Reklamo ni Russel.

"Lola, bakit walang NBA tong TV niyo?" Reklamo na naman ni Russel.

"Russel, pwede ba kung ayaw mo patayin mo nalang wag kang madaming reklamo diyan baka mabatukan pa kita." Pagalit na bulong ko sa kanya.

"Pasensiya na apo, sa susunod palalagyan ko yan para sayo." Nakangiting sagot ni lola.

Natahimik naman si Russel at pinatay nalang ang TV.

Kahit kailan talaga to eh hindi nahilig sa mga cartoons at palaging documentary programs at NBA lang ang pinanunuod kaya nagfifeeling mature eh.

Napailing-iling nalang ako sa naisip ko at napasimangot na rin dahil boring nga talaga.

Agad na nabuhayan ako ng may maalala ako at lumapit agad kay lola.

"Lola, can you please tell us po again that story you always kwento to us, nakakakilig kasi and I love it hihihihi." nakangiti kong sabi kay lola lalo na't naalala ko ulit yung kwento niya sa amin ni Russel.

"Nakakakilig ba yun ate? Parang hindi naman eh, ang baduy nga." agad na reklamo ni Russel sa naisip ko.

"Che, Can you just shut your mouth up Russel, nakapa-KJ mo talaga." Sinubukan ko pang tirisin ang bunganga niya.

Kahit kailan talaga ang feeling mature ng kapatid kong to kahit di naman.m at ano ano nalang ang lumalabas sa bibig. Tsk.

"Sige na mga bata, wag na kayo mag-away, ikukwento ko na ulit sa inyo kaya makinig kayo ng mabuti." Awat sa amin ni lola nang makitang malapit na kaming magrambulan na dalawa.

Agad akong napangiti at umayos ng upo sa tinuran ni lola at nakita ko namang napasimangot si Russel.

Alam ko naman na kahit nakasimangot yang si Russel eh, nakikinig pa rin at alam kong nagustuhan rin naman niyan ang kwento ni lola lalo na't yun daw ang kwento niya at ni lolo.

Inihanda ko na ang sarili ko para makinig sa kwento ni lola at kahit di pa man nag uumpisa ay kinikilig na agad ako hihihihihihi.

Sana makahanap rin ako ng magmamahal sa akin katulad ni lolo.

....................

A Story To TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon