PAG-AMIN

7 0 0
                                    


Nung unang gising ko sa umaga naka mention na ako sa Group Chat namin, guest who sino nag mention? si crush syempre hihi, sabi ni julia "Jerome?  peram naman akong jacket bukas hehe" syempre ako naman tong si marupok pumayag ako agad, sorbang kinikilig ako parang nagpapahiwatig na si crush, takbo agad ako sa cr, syempre naihi ako sa kilig e, gusto ko syang i-private message pero baka mabasa ni Oliver e nakakatakot pa naman yun, kaya sa GC ako nagreply sakanya syempre sabay chat kay Markus para ikwento.

Kinabukasan pag pasok ko sa school dala-dala ko yung jacket ko syempre, pumasok ako sa room tas hinanap ko agad si Julia, habang iniikot ko yung room hindi ko sya makita, nagtanong tanong ako sa mga kaklase ko pero ang sabi nila "baka late lang yun" parang napaka-imposible naman nun hindi naman nalalate si Julia, at minsan nga nauuna pa sya sa mga kaklase ko sa room, napansin ko din wala si Oliver kaya hindi na ako nag-alala kase kasama nya naman yung ka-MU nya.

Pumasok na si Sir. Ramirez teacher naming terror, syempre lahat tahimik sa room habang nagtuturo si Sir, eto namang si Markus kalabit ng kalabit sakin para bang may gusto syang sabihin sakin.

Markus: Psstt! pre? pre?

Jerome: Ha? bakit na naman pre?

Markus: Tignan mo si Sir nakabukas yung zipper (Sabay tawa ng mahina)

Jerome: Oo nga no!

Syempre ako nagulat at natawa din sa nakita ko, pero habang tumatawa kami nakita kami ni Sir.

Sir Ramirez: Anong nakakatawa Mr Marquez at Mr Gomez?

Jerome: Ahh wala po sir

Markus: (Hindi nagsasalita habang nakatungo)

Jerome: Sorry po sir

Sir Ramirez: Hindi ko alam kung sino pinagtatawanan nyo, ang babastos nyo! hindi ba kayo nahiya sa mga kaklase nyo?

Jerome: Sorry po sir, hindi na po mauulit.

Sir Ramirez: Go to my office after this! Both of you!

Natapos na yung oras ni Sir Ramirez, hindi namin alam yung gagawin namin ni Markus kaya minabuti nalang namin na sabihin yung totoo, lumapit ako kay Sir nung recess, sinermonan ako ni Sir sa hallway, pag lingon ko nakita ko si Julia papalapit at papasok sa classroom kaya nagulat ako, pinangtakip ko yung jacket na hawak ko para makatakas sa kahihiyan, buti nalang hindi nya ako napansin, pinaliwanag ko kay Sir yung side namin ni Markus, buti nalang hindi nya na kami dinala sa Guidance dahil mayayari na naman ako kay Nanay nito, bumalik ako sa room nakita ko si Julia kaya nag-Hi ako sakanya, hindi kona napigilan e.

Inabot ko yung jacket na hinihiram nya, buti nalang wala si Oliver dun, hindi ko na talaga mapigilan yung nararamdaman ko kay Julia, pag lumalapit ako sakanya ang bilis ng tibok ng puso ko, tsaka nauutal-utal ako pag kinakausap nya ako, kailangan ko pigilan tong nararamdaman ko, kasi mali e may gusto syang iba ayoko naman makasakit ng damdamin ng ibang tao, kaya pag kinakausap nya ako pinipigilan ko tumingin sakanya ng matagal, kase nahuhulog na ako sakanya e, buti nalang hindi nya nahahalata na may gusto ako sakanya.

Nag recess kami ni Markus, at dahil wala si Oliver sa table namin umupo si Julia, kami naman nagulat kase baka mamaya ma-issue sa school, habang kumakain kami palapit ng palapit sakin si Julia tinanong ko sya kung nasan si Bea? pero sabi nya kasama daw ni Oliver, nagtaka ako bakit si Bea ang kasama ni Oliver at hindi si Julia, naiilang ako kase palapit sya ng palapit sakin at dumidikit na yung braso nya sa braso ko, kinikilig ako sakanya pero baka may makakita samin sabihin pa ng mga tropa ni Oliver inaagaw ko si Julia sakanya, kaya sabi ko kay Julia na wag syang masyadong malapit sakin kasi baka mamaya may makakita e.

Moved OnWhere stories live. Discover now