JEROMEO AND JULIAT

15 0 0
                                    

Ayun, pano koba sisimulan to, ako nga pala si Jerome Marquez isa lang akong simpleng tao na may simpleng pamumuhay, ang aking Ina na isang Teacher sa Malanday Elementaty School ipinapakilala ko ang aking Ina na si Jennifer Marquez, teka nakalimutan ko HAHA ako pala ay nakatira sa Marikina City, tama ka Mariqueño ako hehe. Wala pa sa lovelife wait  lang kayo, nung una strikto ang parents ko lalo na ang aking ama na isang Psychologist, hindi ko alam kung saang lugar kase d ko naman nakakausap ang tatay ko, ang tawag sakanya ay Juan Manuel Marquez in short Mar, o diba? parang manununtok, wala e ganyan talaga ang buhay. Gusto ng aking ama ay mag-aral daw ako ng pagka-doktor, grabe ang suporta saken ng aking ama, ang nanay ko naman ay palaging busy dahil 6 ang hinahawakan nyang section.

Ako ay isang G12 student sa Sto.Niño National High School, sakto lang naman ang mga grades ko sa mga nagtatanong, hmmm para saken mahirap maging Senior High sa totoo lang, puro project sandamakmak na gawain at lalo na ang thesis, kasama din ang mga teacher na walang ginawa kundi manigaw at magagalit na mababa ang grade mo, e hindi naman nagtuturo hayys.
Binubuly ako sa school sa totoo lang, tama payat kase ako at d gaanong matangkad at mahina ako sumuntok dahil hindi naman ako palaaway,
so ayun habang naglalakad ako sa hallway papuntang canteen, nakita ko na naman tong si Oliver Dermatorio, oo ang lapuk sa buhay ko, naglalakad ako non tas sinundan nila ako kasama ang mga barkada niya, hinawakan nila ang bag ko at pinihit pataas, wala na akong ibang choice kundi tumakbo at iwan ang bag na suot-suot ko, tumakbo ako papunta sa Guidance Office para magasumbong, tapos men nabaliktad pako bandang huli, naknang weteng naman!, wala e ganyan talaga pag anak ng prinsipal, inexplain ko naman ang side ko pero panalo parin sya, gusto ko ng umalis sa school na yan sa totoo lang, pero naiisip ko ang magulang ko.

Tuwing uwian paborito ko kumain ng pares malapit lang naman sa school namin siguro mga 1km lang naman, nahihirapan ako pumasok at umuwi dahil tricycle lang ang sinasakyan ko, gusto ko magkamotor para d nako mahirapan, kaso wala pa akong lisensya kaya hindi pa ako pinapayagan ng magulang ko.
so ayun tuwing 5pm ng uwian kakain ako dun, at syempre hindi mawawala ang Coke Mismo hehe, hindi buo ang araw ko pag wala yan, pero malakas akong uminom.. ng tubig syempre, kaya ako nagkakasakit sa bato e.

Malapit na ang birthday ko sa wakas mag 18 nako sa July, nga pala mayroon ang isang kapatid na lalaki na si Romel 12 years old palang sya pero lintik ang talino ng kapatid ko, walang ginawa kundi mag-aral, umaga, gabi, tanghali aral, syempre masaya ako sa kapatid ko dahil nagaaral sya, ako naman paguwi ko sa bahay puro ako cellphone laptop at computer, minsan tambay pako sa computer shop simula ala-6 hanggang 11PM ng gabi, oo grabe ako pagdating sa pag-cocomputer. Minsan naman nanay kona ang nagsusundo saakin kahit busy sya, hindi naman masama dahil 100 pesos naman ang baon ko sa isang araw kaya sulit pang-computer.

Umiikot ang araw ko sa paglalaro ng Mobile Legends, Crossfire at iba pang mga laro sa computer dahil adik na ako sa computer, i-paparehab na nga ako ng magulang ko dahil adik na ako e, atleast hindi ako nag-drudrugs kaya ang swerte ng mga magulang ko, tuwing gabi naman ay madalas akong naabutan ng kapatid ko na nakatalukbong ng kumot haha, alam nyo na, dahil magkasama kami ng kapatid ko sa iisang kwarto, minsan naman ay tinuturuan ko sya maglaro sa cellphone, pero puro lang sya aral nakakainis.

Eto umaga na naman at ikaw ang katabi, gigising ako ng 10am para maligo at maghanda, papasok ako ng 12pm at syempre gaya ng araw araw, ganon, ganyan, ganito ang nangyayari sa loob ng classroom at ang pinakamalala na nangyari ngayong araw ay, nawalan ng pera si Cush oh my ghad, pakilala ko muna si crush. Siya si Julia Victorino 17 years old, hmmm cute sya syempre, maikli ang buhok, at maput hindi kona sasabihin ang iba nyang katangian pero HAHAHA sobrang bait nya sa lahat, alam nyo yun? bihira lang sya magalit pero nakikita ko sakanya na isa syang magaling na leader, kaya ko nga sya nagustuhan eh, nawala yung pera nya nung time na yun pero may hinala ako kung sino kumuha e, alam nyo ba kung magkano ang nawala? 18k oo tama malaking pera, kaya nagpanic ang lahat ng tao sa school, pati mga teacher at ibang section, lahat ng student kakapkapan at walang pinapalabas ng school kahit mga Elementary, ulo hanggang paa kakapkapan kaya yung taong hinala ko ay kinakabahan na.

Moved OnWhere stories live. Discover now