LETTERS TO JUN AND JIE 1
December 6, 2017
Hi, Jun, Jie! Kelan uwi ninyo sa Tagum? PM or text lang kung nakauwi na kayo. May gift ako sayo, Jun!
Remember Ate Sophia? Yun bang nagka-incubus dati. Eighteen years na kasi siya married, pero wala pa rin silang baby nung husband niya. Mga 5 years na rin nilang sinubukan magka-baby through invitro. May 10 embryos sila sa "freezer," at balak sana nilang buhayin lahat dahil kaya naman nila. Bale, sasabayin ang dalawang embryos bawat pregnancy para 5 sets of twins sana.
Yung first 2 sets of twins ay nilagay sa womb ni Ate Sofi, pero naging blighted ovum lahat. Tapos may dalawa rin siyang naging surrogates, na pareho niyang relatives, blighted ovum din pareho. So they are now down to their last pair. So, it's important na maging succesful ang pregnancy nung next surrogate. Otherwise, Ate Sofi may lose her chance of becoming a mother.
Mga 1 year ago, nag-dream yung pinsan kong si Liam. Ako, siya, at yung isa pang pinsan na si Charity, ipinag-pray raw namin yung cousin namin na si Ate Sophia para magka-baby siya. Pero mga 6 months ago lang naikuwento ni Liam yung dream niya tungkol kay Ate Sofi sa akin. At para bang walang sense of urgency, o mukhang hindi uso ang text at Messenger sa aming pamilya, 3 months later ko lang ito naikuwento kay Charity. So nung Wednesday evening, Liam and I finally met for prayer sa bahay namin.
Wala si Charity dahil laging may duty sa Brokenshire Hospital. Nurse kasi siya. Naisip ko na kahit kami na lang muna ni Liam para may ma-accomplish kami kahit konti.
Anyways, pagkatapos naming magdasal, sabi ni Liam na may nakita siyang malaking demon sa ibabaw nung bahay ni Ate Sofi. (Nakakakita kasi siya in the spiritual realm kahit malayo. And Ate Sofi's house is around 4 kilometers away, dun sa Sandawa.) Like, demon raw talaga yung itsura. May sungay, may buntot, reddish. Tapos, may angel pa nga raw na lumilipad nearby, na mukhang binabantayan yung bahay ni Ate Sofi, pero hindi makalapit dahil sa lakas nung demon.
Nung nagsimula raw kaming magdasal, lumingon raw towards our direction yung demon. Bale, na-sense niya may prayers for Ate Sofi coming from our direction.
And in a vision, nakita rin ni Liam na may baby girl na sa heaven, at handa nang i-deliver kay Ate Sofi. Pero humaharang raw yung demon, kaya hindi nakakarating rito sa earth yung baby. Most likely, all those past pregnancies, itong demon na 'to rin yung humarang.
So, habang nagkukuwento itong si Liam, may naramdaman akong paparating na evil presence. Kinikilabutan ako at tumatayo ang mga balahibo, from head to toe, even sa tiyan at sa likod! Tapos biglang nauubo itong si Liam (physical indicator na may spirits nearby) hanggang hindi na siya makapagsalita. Nanlalaki ang kanyang mga mata, sabay nakaturo ang daliri sa may garahe. Eh, hindi ko nakikita yung tinuturo niya. But I knew, then, that he'd seen what I had felt approaching, at nasa garahe na ito ngayon! So, nag-pray ako ng Psalm 91 at nag-warfare prayer, declaring the blood of Jesus over ourselves. After mga 5 minutes, alam kong wala na "ito" kasi hindi na ako kinikilabutan at hindi na rin umuubo ito si Liam.
Nung nakapagsalita na si Liam, kasi nga natigil na yung pag-uubo niya, sabi niya na dumating raw yung demon na nakita niya sa bubungan ng bahay ni Ate Sofi. Wala ito sa garahe KUNDI nasa labas raw ng gate namin. Tila hindi ito makapasok nung gate na para bang may forcefield na nakaharang. Exactly nasa tabi raw ito nung puno ng niyog sa labas. Nakaharap ito kung nasaan kami nakatambay at dinuduro kami, galit na galit. At ang sabi, "Huwag kayong nakikialam sa gawain ko, ha!" At bumalik na raw sa bahay ni Ate Sofi.
Pinroseso ng isip namin yung mga nangyari; bakit mukhang walang breakthrough sa prayers namin, bakit parang malakas yung demon, at bakit nakapunta sa bahay namin yung demon. Sabi ko malamang kasi kulang yung team namin. Instruction kasi ni Lord, base sa panaginip ni Liam 1 year ago, tatlo kaming magpipinsan ang dapat magdasal. Eh, wala si Charity. So next week dapat kumpleto na kaming tatlo.
Veron
December 27, 2017
Hi JunJie! Update nung last letter ko... I texted my cousins Charity and Ate Sofi sa mga nangyari nung prayer time namin ni Liam for Ate Sofi. I chanced upon Charity at a restaurant the next day, and she asked kung factor raw ba kaya sa presence nung demon na bumili itong si Ate Sofi ng dalawang wooden fertility gods sa Palawan? (Nagbakasyon dun si Ate Sofi, at bumili ng souvenirs. Yun pa ang binili.) Charity reprimanded naman raw Ate Sofi about it, pero binalewala lang raw siya. Kabilin-bilinan pa nga raw na huwag sabihin sa akin ang tungkol rito, dahil tiyak magagalit raw ako.
So i texted Ate Sofi na alam ko na may fertility gods siya na tinatago. Sabi ko na maaring yung demon sa bubongan nila ay tangan nitong fertility gods. Pero okay lang na hindi niya yun itapon BASTA huwag lang siyang umasa na made-deliver rito sa physical realm yung baby girl niya.
Maliban sa fertility gods, meron rin siyang charm bracelet na binili niya pa kay Ligaya Lim dati. Isinama niya kasi ako nung bumili siya sa store ni Ligaya Lim sa Timog dati. Inis na inis ako pa ako dahil nagpapaniwala siya sa mga ganyan, tapos ang mahal pati nung charm bracelet. It was around Php2,500 nung 2008.
Anyways, sabi ko if she wants to get rid of that demon on her roof, she'd also better get rid of those fertility gods, that charm bracelet, at kung ano pang mga maaaring tinatago niyang mga anting-anting. Aba'y, nagrereklamo pa! Nasasayangan sa perang pinambili niya nung gods at bracelet. Pero hindi siya nasayangan sa muntik nang 1 million pesos worth of 4 invitro sessions! Lami kaayo tuokon ba!
Yesterday, however, with those gods and charm bracelet gone, finally nakapag-pray kaming tatlong magpipinsan (Liam, Charity, and I), together with Ate Sofi. Okay naman, so far. We will just wait for the result.We also prayed for you guys to have a baby.
June 24, 2018
Oist, JunJie! May anak na si Ate Sofi, at baby girl pati tulad nung nasa vision nung cousin namin na si Liam! It turned out na nung nagdadasal kami last December, ipinanganak na pala yung baby girl from a surrogate mother in Cebu (dun kasi sila kumuha ng fertility doctor). Kaya pala worried na worried siya about that demon kasi natumbok ng vision ni Liam na may baby girl from heaven na ready nang i-deliver, pero the demon is preventing it's arrival.
Six months na this month yung baby, at susunduin na nila sa Cebu to bring back to Davao. Parang the OB required 6 months of breastfeeding from the surrogate before they may bring home the baby.
I was thinking why the Lord has still prompted us to pray for Ate Sofi gayong ipinanganak na rin naman yung baby girl. I mean, what is the use of praying for a baby kung nag-manifest na rin naman sa physical realm. I researched online, and that demon pala sa roof nila was an incubus. Perhaps, the same incubus from 20 years ago.
An incubus not only will have sexual relations in dreams, just like Ate Sofi dati; but it will also prevent a woman from conceiving. Yun rin yung sabi nung manghihilot dati sa kanya, yung spirit na nakakasiping niya sa dream ay nag-claim ng ownership sa womb niya, kaya hindi siya nabubuntis. Also, kapag nakalusot yung conception stage, it will still try to cause miscarriage or blighted ovum. At kahit ipinanganak na yung baby, it will try to kill the baby, causing what is known to be "crib death" among babies. So, yun prayers were still needed even the baby was already born.
Also pala, the baby looks like Scarlet Snow. Ang cute nga, eh! She was worth the almost 20 year wait and the million peso OB and surrogate fees. I asked magkano yung surrogate fee, sagot lang ni Ate Sofi na pwede na raw habulin ng BIR yung surrogate for her huge moolah from this transaction.
This baby is 9th of 10 embryos. Eh, di ba, 5 pairs of twins yung gusto nina Ate Sofi at husband niya. Pero dahil hindi naging successful ang 4 pairs, ipinaghiwalay nila yung last pair. In case the 9th embryo also failed, may isa pang natitira. Bale, they plan to have the 10th embryo injected into a surrogate kapag malaki-laki na raw yung baby girl nila.
*Photo: THE NIGHTMARE, painting by Henry Fuseli (1781)
BINABASA MO ANG
Letters From the Battlefield
ParanormalSpiritual warfare and supernatural accounts by Veron in letters sent to her friends. A compilation of fictional letters and fictional events... or not. "For our struggle is not against flesh and blood, but against the rulers, against the authorities...