042

218 14 5
                                    

september 15 : sunday
8:58 pm

choi yeonjun
•active now

yeonjun:
jagi. bago ka matulog
maglinis ka muna ng katawan.
para fresh pag nagpahinga ka.

ryujin:
just did that. thanks.

yeonjun:
oh, that's good. ano ginagawa
mo?

ryujin:
nanonood ng aladdin.

yeonjun:
yung live action?

ryujin:
yep. ahh ang gwapo nung actor
ni aladdin shemay

yeonjun:
mas gwapo ako dun duhh

ryujin:
whatever. i want fries.

yeonjun:
ang dami mo ngang kinain
kanina pero gutom ka parin?

ryujin:
ihhh, i want friesss.

yeonjun:
ano ka buntis? naglilihi? ganern?

yeonjun:
wait, may gagawin lang ako.

ryujin:
okay, take your time.

___

9:46 pm

yeonjun:
i'm back.

ryujin:
tagal mong dumating. tapos
ko na panoorin ang aladdin.
frozen 2 naman mwhehee.

yeonjun:
cute | delete

ryujin:
nga pala, yung pakulo nyo
kanina, ikaw daw
nag-plano nun lahat?

yeonjun:
hehe, syempre. it's our
first monthsary after all.
kinilig ka ba?

ryujin:
oo, sobra | delete

ryujin:
muntik na, kaso kumanta ka.

yeonjun:
:(

ryujin:
haha. char lang. i appreciated
it thanks.

yeonjun:
basta para sayo | delete

ryujin:
wait, may nag-ring ng door bell.

ryujin:
sagutin ko lang wait..

ryujin:
HOY ANO TO?!

yeonjun:
ano ang ano?

ryujin:
bA'T MO KO PINADALHAN
NG FRIES?!

yeonjun:
so you saw the note haha.
diba sabi mo gusto mo nyan?

ryujin:
oo pero! ba't ang dami? di
ko to kayang ubusin ng ako
lang!

yeonjun:
ano gusto mo gawin ko?
ipabalik ko?

ryujin:
hmm, actually. punta ka na
lang dito sa dorm?

yeonjun:
....

yeonjun:
seryoso? baka may tao dyan?

ryujin:
wala. mag-isa ako dito.
nakakatakot actually.

ryujin:
movie marathon tayooo.

yeonjun:
haha sige sige, on my way.

ryujin:
ingat kaaa. btw, puro disney
papanoorin natin :)

_____

gumulong-gulong sa kama si ryujin habang hawak ang kanyang cellphone. sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib ngayon at namumula ang kanyang mukha sa kilig at tuwa.

tumingin sya sa kisame at huminga ng malalim. habang tumatagal ang kanilang relasyon, parang mas lalong nagiging totoo na ito sa kanyang mga mata. at umaasa siya na sana, ganun din ito para kay yeonjun.

sa mga dumaang araw, napansin nya na hindi na masyadong binibigyang pansin ni yeonjun si yeji. kahit nga kaninang celebration ay nakay ryujin lang ang mga mata nito.

umaasa siya na sana totoo na ang nararamdaman ni yeonjun dahil ang kanya, totoong totoo na. wala na itong halong pagpapanggap. napa-ngiti na lamang si ryujin ng maalala niya ang mga nangyari kaninang celebration.

kung pano si yeonjun kumanta para sa kanya, kung paano siya sinusubuan nito at kung paano ito nagiging possesive sa kanya.

napawi ang ngiti ni ryujin ng maalala nya ang dahilan kung bakit sya pumayag sa relasyong ito. kelan ba nya sasabihin kay yeonjun ang totoo na hindi si yeji ang kababata nya at siya iyon?

i'll tell him after a few days. kailangan ko pang maghanap ng tamang pagkakataon.

iniisip nya ang magiging reaskyon ni yeonjun kung malalaman nya ito. magugulat ba siya? gagawin na kaya nyang totoo ang relasyong ito at kakalimutan na ang nararamdaman para kay yeji?

ng pumasok si yeji sa isip ni ryujin, bigla siyang napapikit. alam nyang sa gagawin nyang ito, may masasaktan.. pero kailangan nya itong gawin.

i'm so sorry, yeji.

❛ REMINISCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon