091

231 13 10
                                    

august 9 : saturday
4:37 am

bihis na at handa na ang apat sa apartment ni jisu at chaeryeong. ngayon na sila pupunta ng jeju at maaga silang gumising para mahabol ang kanilang flight papunta doon, at ang sasakyan na lang ang hinihintay nila.

ilang minuto pa at dumating na ang itim na van na kanilang sasakyan. lumabas na ang apat at ni-lock ni jisu ang apartment habang dala-dala ang kanilang mga gamit. lumabas ang kanilang mga kaibigan mula sa van at niyakap sila

"bro! long time no see!" bati ni taehyun at niyakap si beomgyu na binalik naman ng binata.

nagkwentuhan sila habang tinutulngan ang apat na dalhin ang kanilang mga gamit sa likod ng van.

"um guys, hindi ako pwedeng umupo sa mga seats maliban sa passenger seat, masusuka ako eh hehe." ng sinabi iyon ni ryujin, biglang nailang ang ekspresyon ni yuna at yeji na unang sinundo.

pinagwalang bahala na lang nya ito at naglakad papunta sa passnger seat kasama ni beomgyu. ng binuksan nya ito, nagulat siya sa kanyang nakita.

yeonjun.

he was sitting there, one hand on the steering wheel. nagtama ang tingin nilang dalawa and ryujin felt something in her stomach. his hair was now blonde but his gaze could still melt you.

nabalik sya sa realidad ng maramdaman ang kamay ni beomgyu sa kanyang beywang. nilapit ng binata ang katawan nilang dalawa.

"hey yeonjun hyung. kamusta ka na?" tanong ni beom na mayroon ngiti sa kanyang mga labi.

"ayos lang naman. ikaw?" binalik naman ni yeonjun ang ngiti. habang naguusap sila, tinignan na ni ryujin ang oras sa kanyang phone.

4:47 am

kailangang makaalis na sila ngayon dahil 5:30 ang kanilang flight, kundi ay maiiwan sila ng eroplano.

"u-um, love." tawag ni ryujin. tumigil naman sila sa pag-uusap ng marinig ang dalaga.

"kailangan na nating umalis. tatabi na lang ako sayo." tugon ni ryujin. ngumiti ang binata at magsasalita sana ng unang nagsalita si yeonjun.

"dito ka na umupo. baka ka masuka sa likod." she flinched upon hearing his voice at hindi makatingin sa kanya. binaling ni beomgyu ang ngiti niya kay yeonjun.

"i can take care of her hyun-"

"ni-rent lang natin ang van na ito, kapag nadumihan o nasukahan 'to, mahirap linisin at baka dagdagan ang bayad natin." dire-diretsong saad ni yeonjun. hindi na nakapagsalita si beomgyu at humarap na lang kay ryujin.

"dito ka na lang umupo okay, darl? tatabi na lang ako kay taehyun." tumango na lang si ryujin sa sinabi niya. hinalikan ng binata ang noo niya bago ngumiti at umalis.

walang ganang umupo sa passenger seat si ryujin at sinarado ang pinto. nakakailang na katahimikan ang bumalot sa dalawa. nakaramdam ng matang nakatingin sa kanya si ryujin kaya tumingin siya kay yeonjun na hindi man lang tumingin paalis.

"b-bakit?"

damn, why am i stuttering?

"nothing. i like your hair." sabi nito at tumingin na sa unahan. hinawakan ni ryujin ang kanyang buhok. binalik na niya ito sa pink dahil mas gusto niya ito kaysa sa dark blue.

sumakay na ang walo at nagsimula na ang sasakyan. kung sa likod ay maingay, ang dalawa sa unahan ay walang imik sa isa't isa. parehas lang silang nakatingin sa unahan habang si yeonjun ay nagf-focus sa pagmamaneho.

"i'm glad you're back." pagbasag ni yeonjun sa katahimikan. kahit kalmado ang kanyang tono, rinig ng dalaga ang nakatagong lungkot at pananabik sa kanyang boses.

ngumiti si ryujin. "i'm glad too."

_____

nakababa na sila ng eroplano at ngayon ay nasa jeju island na sila. binuksan nila ang mga binatana at hangang-hanga sa kanilang nakikita habang bumabyahe sila papunta sa kanilang guest house.

tumigil sila sa isang three-story house kung saan may lalaking naghihintay sa harapan. bumaba agad ang sampu at ang iba ay kinuha ang kanilang gamit habang si chaeryeong ay tumakbo agad sa lalaki.

"kwan oppa!" niyakap nila ang isa't isa. naglakad ang natira palapit sa kanila habang dala-dala ni taehyun ang gamit ng kanyang nobya.

"oppa, mga kaibigan ko po." nilahad ni chaer ang kanyang palad sa kanyang mga kaibigan bilang pagpapakilala. kumaway sila sa lalaki. "guys, ito si seungkwan oppa. isa syang tour guide dito sa jeju at sya ang nag-reserve ng guest house na ito para sa atin."

ngumiti naman ng malaki sa kanila si seungkwan.

"welcome to jeju kids! ang pinakamagandang lugar sa balat ng lupa at ang lugar kung saan pinanganak ang pinakagwapong tour guide na nasa inyong harapan!" masayang pagpapakilala ni seungkwan. natawa naman ang magkakaibigan at agad na napagtantong mabait na tao ito.

"ito ang inyong guest house!" tinuro niya ang bahay sa kanjlang harapan. "it has five bedrooms with bathrooms each, two on the first floor and three on the third. meron din itong kitchen, living room, at rooftop kung saan may napakagandang view ng beach!"

"maswerte kayo dahil hindi kayo naunahan sa guest house na 'to dahil malapit dito ang mga stores at ang beach! now, gusto ko lang malaman nyo na bukas ng gabi ay magkakaroon ng maliit na festival sa may dagat, and trust me when i say na mas maganda ang jeju pag gabi."

pinakita niya ang susi ng bahay kaya agad na lumapit sa kanya si ryujin. binigay niya ito sa dalaga at binigay naman nito ang isang envelope na may lamang pera.

"salamat sa pag-reserve nito, oppa." ngumiti si ryujin sa kanya na binalik naman ni seungkwan.

"mag-enjoy kayo, ha? hingiin nyo lang kay chaeryeong ang number ko kung may kailangan kayo." tumango si ryujin at bumalik na sa kaniyang mga kaibigan.

"now kids, may pupuntahan pa akong ibang tao na it-tour ko rin, so iiwan ko muna kayo okay? enjoy!" saad niya at kumaway sa sampu bago umalis.

pumasok na sila sa loob ng bahay at agad na nagdesisyon sa mga kwarto.

"ganito guys, lahat ng may mga jowa, pumili na kayo ng inyong kwarto dito sa baba. kaming anim ay doon na sa taas. yuna at kai sa iisang kwarto na rin kayo." saad ni yeji. masayang ngumiti si kai ng marinig iyon kaya pinalo siya sa braso ni yuna.

"hoy kai, wag kang gagawa ng kahit ano ha. nasa kabilang kwarto lang kami ni yeji." pinangliitan ng mata ni jisu ang binata.

"diretso na muna ako sa kwarto natin ha? i feel tired." bulong ni ryujin kay beomgyu habang nag-uusap ang iba tungkol sa kung ano ang kakainin mamayang gabi.

"okay darl. i'll wake you up pagkakain na tayo, okay? i love you." tumango si ryujin at hinalikan ang pisnge ni beomgyu.

dumiretso siya sa isang kwarto sa kanan at binuksan ito. nilapag niya ang kanyang mga gamit sa gilid at tinanggal ang kanyang jacket. humiga siya sa kama at sa hindi nagtagal ay nakatulog na ang dalaga.

unaware of the events that will unfold while they stay in jeju.

❛ REMINISCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon