Chapter 10- The Kiss♥

1K 27 2
                                    

Chapter 10- The Kiss♥

Rose POV

Sabado ngayon at wala akong pasok. Pina drop ko kasi yung P.E ko eh. Next year ko na kukunin. Nakahilata lang ako sa kama ko ng may nag text. Si Nico.

"Bakla. Labas tayo later ha." Na miss ko na rin ang mga bakla. Matagal rin kami hindi nag bobonding.

"Sure bakla! Anong oras?" Mabilis pa sa alas kwatro nag reply na sya.

"Mga 2pm. May pasok pa kasi si Jana." tumingin ako sa orasan. 10am na pala? Ang bilis ah.

"Sige.. Puntahan nyo na lang ako sa bahay." pagkatapos kong isent yun ay pumunta ako sa dining area para kumain. Naabutan ko si Papa kumakain.

"Hi Pa!" lumapit ako dito at humalik sa pisngi.

"Kain na anak" Halatang halata sa muka ni papa na pagod na pagod na sya. Kaya, aayusin ko ang pag-aaral ko para sa kanya.

"Salamat pa ha" sabi ko habang nag sasandok ng kanin. Takang tumingin si Papa sakin.

"Para saan?"

"Para sa lahat. Salamat sa pagkayod para samin." Char!

"Lahat ng magulang gagawin ito. Kaya ang hiling ko lang ay mag aral ka ng mabuti." tumango lang ako sa sinabi ni papa. "Kumusta kayo ni Nash?"

"Ok lang kami pa. Stay strong." Alam pala ni papa na boyfriend ko si Nash. Botong boto nga sila kay Nash eh. "Asan si mama pa?" Hindi ko kasi naririnig ang talak nya.

"May binili lang sa mall. Uuwi rin yun mamaya." sabi ni papa. Kumuha sya ng towel at pinunas yun sa bibig nya. "Anak, akyat na ako ha. Matutulog muna ako para makabawi." tumango lang ako at nag tungo na nga sya sa kwarto.

Sa mall...

"Mga bakla, Inuman tayo." Aya ni Nico habang nag lalakad kami.

"Bakit? May problema?" tanong ni King.

"Wala no! Nasa Law ba na kapag uminom ay may problema na?" pamimiloso ni Nico.

"Ay. Wala naman. Sige ah! Kayo ok lang?" baling samin ni King.

"Ok lng sakin." si Jana.

"Ok lng." Sabi ko. Naramdaman ko na nag vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito at binasa. Si Nash.

"Hi labs. Ingat sa lakad nyo ha. Sorry hindi ako nakasama, busy talaga sa pag gawa ng plates eh." Napangiti naman ako.

"Ok lng oy. Nga pala. Nag-aya si Nico na mag inuman. Siguro sasama kana?"

"Sige.. Try ko ha.! I Love you"

"Try mo hap! I loveqwrty" Yan tuloy ang na send ko dahil may nakabunggo ako. Bwiset ah!

"Ano ba— P-patricia?" nagulat ako ng nakita sya. Alam ko rin na nagulat sya pero bumalik agad sya sa realidad.

"Rose!" masayang bati ni'to. Nag vibrate ang phone ko kaya binasa ko'to.

"Ano? Haha! Tigilan mo na kasi ang pag kakape." Napangiti ako sa txt nya.

"Sorry ha may nabunggo kasi ako. Sha! I love you too." Send.

"Sorry ha may nabunggo kasi ako. Sha! I love you too" Napatingin agad ako sa likod ko. Ang walang hiyang king lang naman. Binasa ang txt ko kay Nash.

"Hmm.. Mamaya na yang I love you na yan ha? Nag lalakad kasi tayo eh." Nakapamewang na sabi ni King.

"Ehem.."  Napaharap uli ako kay Patricia.

"Patricia sorry"

"May kabayaran yun" Kinabahan ako sa sibabi nya. Bumalik na ba ang dating Patricia? Wag naman sana.

Ms. Popular meets Ms. Loud [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon