Chapter 13- Last Date </3

1.2K 36 11
                                    

Rose POV

"Nash" No! Hindi to totoo. Hindi na rinig ni Nash ang mga pinag sasabi ko!

"Rose, I'll set you free. Patricia, take care of her" pagkatapos nya yun sabihin ay umalis na sya.

"Nash!" tawag ko pero hindi sya lumingon.

"Mahal mo sya diba? Sundan mo" sabi ni Patricia.

Lumingon ako sa kanya at tiningnan sya.

Mahal rin naman kita Patricia, pero mahal ko rin si Nash. Nasaktan ko sya at yun ang ayaw kong mangyari.

Tumango ako at umalis ng bahay nya para sundan si Nash. Si Nash dapat ang piliin ko. Sya ang boyfriend ko, ayaw ko syang saktan at higit sa lahat ang relasyon namin ay tama sa mata ng tao at sa mata ng diyos.

Pinunasan ko ang luha ko bago ako sumakay ng taxi at nag pahatid sa bahay ni Nash.

Nang makarating na ay nakita ko ang kotse nya na nakaparada sa labas ng bahay nila. Anjan na siguro sya. Huminga muna ako ng malalim bago nag doorbell.

Maya maya pa ay bumukas ang gate at si Nash yun.

"Nash" nangingiyak na sabi ko. Hinila nya ako at niyakap. Wala syang sinasabi kundi niyayakap lang ako. Maya maya pa ay kumalas na sya at tiningnan ako. Nakangiti sya sakin.

"Rose, sya first love mo diba?" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Pano nya nalaman? Tila nabasa nya ang isip ko kaya sumagot sya. "Aksidenteng nabasa ko ang journal mo nung high school pa tayo" Yeah. My journal, pero tinigil ko na ang pag susulat dun about Patricia dahil isa yung kahibangan.

"Sya nga Nash pero ikaw ang boyfriend ko at... Mahal ko" tumungo ako dahil tumulo na ang mga luha ko.

"Wag mo nang lokohin ang sarili mo. Ikaw lang ang nasasaktan. Rose, naramdaman kong minahal mo rin ako at alam mo ring minahal kita ng sobra." hinawakan nya ang ulo ko at pinatingin sa kanya. Pinunasan nya ang luha ko sa mukha. "Pero mas mahal mo si Patricia kesa sakin diba?" tumango ako sa tanong nya.

"Pero susubukan ko namang ibigay sayo yung pag mamahal na nakay Patricia eh" sabi ko.

"Diba nga sabi ko mahal kita. At kung saan ka masaya dun na rin ako masaya. Ayaw kong magsisi ka sa huli na hindi mo pinili si Patricia" wala na akong nasagot pa. Patuloy parin ang pag agos ng luha ko. "Rose, aalis na pala ako. Susunod ako kay dad sa Australia. Dun na ako mag aaral"

"Aalis ka dahil sa nangyari? Nasaktan ba talaga kita Nash kaya ka aalis?" Umiling sya at pinunasan uli ang luha ko.

"No, yun ang gusto ni dad. Pero nung una tumatanggi ako dahil sayo, ayaw kasi kitang iwanan eh. Pero, nagkasakit daw si dad dun at kelangan nya ng kasama. Naghihintay lang naman ako ng tamang tsempo para sabihin to. But i think this is the right time to say goodbye" parang pinunit ng pino pino ang puso ko.

"Naiintindihan kita Nash" Niyakap nya uli ako ng nahigpit na mahigpit. Mamimiss ko ang yakap na to. "Ma mimiss kita Nash. Salamat sa pagmamahal na binigay mo sakin. Salamat sa pagiintindi. Sana makakita ka na dun ng the one mo" hinimas himas nya ang likod ko.

"Ikaw lang naman ang the one ko eh. Mamimiss rin kita" kumalas sya  sa pagkakayakap at tumingin sa mga mata ko. "Mamimiss talaga kita Rose" basag na boses na sabi nito. May tumulo namang luha sa isang mata nya. Pinunasan ko to.

"Wag ka nga umiyak. Ang pangit mo eh" biro ko.

"Aba! sino mas pangit kung umiyak? diba ikaw?" tumawa na lang ako sa sinabi nya at ganun din sya.

Pagkauwi ko sa bahay ay dumeretso ako sa kwarto ko. Ang bigat bigat kasi ng pakiramdam ko eh. Nag palit muna ako ng damit bago nahiga. Nakatitig ako sa kisame habang binabalik alaala yung mga nangyari kanina.

Ms. Popular meets Ms. Loud [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon