Chapter 7- Say Yes!

923 17 1
                                    


Chapter 7- Say Yes!

Rose POV

<INTRAMURALS>

Mahigit tatlong buwan na rin nanliligaw si Nash sakin. Napapasaya nya ako at Gentleman sya, kaya walang rason na ibubusted ko sya. Yung feeling ko kay Patricia? Sus! Nawala na yun. Hindi parin nag babago, sing itim pa rin ng pwet ng kaldero ang kanyang budhi. Like DUH! ano pakels ko sa kanya?

"Hoy bakla!" pukaw sakin ni Jana. "Anjan na ang masugid mong manliligaw!" naka ngiting sabi ni Jana. Tiningnan ko ang gwapong lalaki na papalapit sakin. May dala syang 1rose and chocolates. Always nya naman ginagawa sakin to.

"Hi Rose." nakangiting bati nito. Nasa bench pala kami naka upo, kasama ang mga bakla.

"Hi. Para sakin?" sabay turo sa dala nya. walang paligoy-ligoy na tanong ko. Ako lang naman ang nililigawan nya ah.

"Ay! Assuming te!" singit ni King.

"Oo. Para sayo." sabay abot sakin ng Rose at Chocolate.

"Salamat ha.."

"Mga bakla! Ayaw kong langgamin. Tara na nga. Searching Pogi time na lang tayo." na excite naman sila sa huling sinabi ni Nico na Searching Pogi Time. Dali dali tumakbo ang tatlo at nag punta kung saan maraming papabols.

"Nash.. Mahal mo ba ako?" tanong ko. Napa tawa naman sya ng slight.

"Oo naman. At gagawin ko lahat, mapasaya ka lang." Natuwa naman ako sa sinabi nya.

"Mabuti naman kung ganon.." katahimikan. Nakatitig lang ako sa Chocolate na binigay ni Nash. Pilit kong binabasa yung Arabic character sa supot. Hindi ko talaga mabasa.

"Rose... Hindi sa minamadali kita. Kelan mo ba ako sasagutin?" napaangat ako ng tingin at ngumiti sa kanya.

"Konting kembot na lang." Exagge na kumunot ang noo nya dahil sa sinabi ko. "I Mean... Malapit na. Dont worry." unti unti naman gumuhit ang ngiti sa mga labi nya.

"Hihintayin ko ang araw na yan." sabi nya. Actually, ngayon ko talaga planong sagutin sya. Pero mamaya ko sasabihin na sinasagot ko na sya. Ienjoy ko muna ang natitirang oras na single ako. Ano ba?

Nasa Loob kami ngayon ng court dahil manunuod kami ng Volleyball. I love volleyball kasi talaga eh. Katabi ko si Nash na nakaupo sa bleachers.

"GO SENIORS!!!!" Boses namin yang apat. Ganyan kami ka Loud. Parang boses nga namin yung may pinakamalakas eh. Si Nash naman, tawa ng tawa samin.

"Sabayan mo kami." aya ko sa knya.

"Hahaha! Sige, kayo lang." hindi na ako sumagot at nakikisigaw na rin ako. May hawak na dalawang plastic botle si King at pinupuk-pok nya yun.

"Uy King. I cheer mo naman si Angel." panunukso ni Jana.

"Oo nga bakla. Para inspired mag laro." sabat ni Nico. Mag istart na ang game. Nasa loob ng court si Angel at iba pang seniors. Asan kaya sa Patricia? Volleyball player rin kasi yun. Well, dont care.

"GO ANGEEEEEL!!!" Sigaw ni King. Napatingin naman si Angel sa taas para tingnan kung sino ang nag che-cheer sa kanya. Napangiti sya nung nalaman na si King dahil kumaway kaway ito.

"Hala kinikilig" sabi ni Nico.

"Dont Mind her bakla." sabi ni King. "GO ANGEL! GO ANGEL! SEXY LABS!!!" Mas lalong gumaling sa pag hampas ng bola si Angel dahil sa cheer ni King. Inspired ang gaga?

Time out...

Maya maya ay nag start naman ang game. Nakita ko si Patricia na pumasok sa court. Nag hiyawan halos lahat nung pumasok sya. Kahit freshmen, sophomore, junior ay nag cheer sa kanya. Wow ha. Patricia ang tanging naririnig ko. Grabe, peymus?

Walang duda. Panalo ang Seniors laban sa junior.

12 p.m na at kelangan muna mag lunch. Mamayang 2pm na naman mag start ang games.

"Saan nyo gustong kumain?" tanong ni Nash habang palabas kami ng covered court.

"Sa Turo-turo" suggestion ni King.

"Ang cheap! Sa isawan!" si Nico.

"Mas cheap! Sa Karenderya ni Aling Bebang" Napatingin kami kay Jana.

"Aling bebang?" wala naman kasi kaming kilala na Aling Bebang eh.

"Huh? Baliw kana bakla!" sabi ni King at sabay nila itong pinaghahampas.

"W-wait.. Sa bahay ko na lang. Ipag luluto ko kayo." nag ningning ang mata namin.

"Sure.." sabayang pag bigkas.

Sa bahay ni Nash...

Umu-upo kami ngayon sa salas habang nanunuod ng tv. Adventure time ang palabas! Favorite ko ang palabas na yan. Well, isip bata kung isip bata. Pero favorite ko talaga yan eh.

"Its Showtime.." Sabi nung tv. Nilipat ni King sa channel 2. Its Showtime na pala. Favorite noon-time show ko ang showtime. Lalo na ang Sine moto at Arte mo.

Tawa-tawa lang kami sa sine moto nila.

"Oy. ViceRylle tandem! Parang si King at Angel lang" sabi ni Jana kaya sabay kaming napatawa.

"EXCUSE ME?" exaggerated na sabi nya. "Mas maganda ako!" Hindi na namin sya pinansin at nanuod na lang ng tv.

"Lunch is ready!" sigaw ni Nash sa dining area. Dali dali naman kami nag tungo dun. Gutom na kasi talaga kami eh.

"Wow! Kare-kare at Adobong manok!" excite na sabi ni King. Naupo na kami at nilantakan ang niluto ni Nash.

Gwapo√

Matalino√

Maginoo√

Magaling mag luto√

Na sayo na ang lahat...

"Masarap ba?" tanong ni Nash sakin.

"Super!" natuwa namn sya sa sinabi ko.

Pagkatapos kumain ng masarap na hapunan ay bumalik na kami sa school. Soccer ang ball game ngayong hapon. Ayoko manuod nun. Ako lang napapagod kakatingin sa kanila, pabalik balik lang sila ng takbo tapos 1 point lang rin ang nakukuha.

Napagka sunduan namin na sa Garden Of Eden na lang kami pupunta. Kakapagod na kasi eh. Ito talaga ang ayaw ko tuwing intrams. Yung wala kang ginagawa. Ka bored kaya.

"Oy. Alis muna kami ha. Hindi na namin maipapangako kung makakabalik pa kami dito mamaya." sabi ni Nico. May pupuntahan pala silang meeting sa baranggay nila. Eh, iisa lang sila ng baranggay eh. Katahimikan ang nanaig nung umalis na sila Nico.

"Hmm. Sarap mong mag luto." pag babasag ko ng katahimikan.

"Salamat." tipid na sagot nya.

Katahimikan...

Tingin sa relo, 2:56..

"Mahilig talaga ako mag luto." sabi nya.

Tingin sa relo... 2:58

Dugdug... dugdug...

"Talaga?" Tumango lang sya.

Tingin sa relo... 2:59. 1 minute.

"Nash.." tumingin sya sakin.

Tingin sa relo... 3:00

"Yes. Sinasagot na kita." pikit matang sabi ko.

No reaction...

Nilayasan kaya ako? Mulat isang mata.. at isa pa.

"Rose.. Hindi ka diba nag bibiro?"

"Bakit gusto mo na joke lang yun?" pilosopo ko.

"Hindi! Rose.. Rose..." excited na hinila nya ako at niyakap ng mahigpit. "Rose.. Mahal kita. Pangako, hindi kita sasaktan. Ipapalaya kita kung saan ka masaya.. Kung ayaw mo na sakin, hindi kita pipilitin." kumakas ako sa pagkakayakap at tumingin sa kanya.

"Ano bayang pinag sasabi? Dont worry, gwapo ka!" sabi sabay pisil sa ilong nya. Napangiwi naman ito. "Mahal rin Kita Nash.." at hinalikan ko sya sa labi.. Yung smack lang. Ano na kayo.

Alam ko sa puso ko na hindi si Nash ang nilalaman ng puso ko. Alam kung iba ang nilalaman nito. Pero, hindi kami pwede. At gusto ko syang alisin sa puso ko at ipalit si Nash.

Ms. Popular meets Ms. Loud [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon