Chapter 9-Realization

979 26 3
                                    

Chapter 9- Realization

Rose POV

2 years Later...

Matagal na rin ang relasyon namin ni Nash. Stay strong naman kami kahit papaano. 2nd year college na kami. Ako, kumuha ako ng kursong Medical Technology. Alam kong nakakadiri ang trabahong yun dahil makakaencounter ka ng dumi ng tao at mga ihi pati na rin dugo. Eh, yun talaga ang gusto ko eh. Si Nash naman, Architerture magaling naman sya mag drawing at matalino naman sya. Si Nico naman ay Education Major in English. Ewan, bat gusto maging guro yun. Si Jana, Psychology ang kinuha. Expected ko na yun. Si King naman ay Accountancy, naiinis nga sya dahil classmate sila ni Angel at mga alepores si Patricia.

Speaking of Patricia. Mahigit 2 taon ko na rin sya hindi nakikita. Ewan ko ba kung saang lupalup yun nag punta. Simula nung graduation nung 4th year, hindi ko na sya nakita pa. Nagulat pa nga ako nun dahil hinalikan ako sa pisngi. Hindi nawawala ang bilis ng tibok ng puso ko pag naalala ko yung kiss nyang yun. Asan na kaya sya?

"Rose.." pukaw sakin ni Nash.

"Bakit?"

"Ano next class mo?" tanong nya. Nasa cafetiria kami ngayon.

"Zoology.." tumingin ako sa relo ko. "Oh. 10 a.m na. Diba klase mo na?" nataranta naman sya.

"Oo ng pala." nag kiss muna sya sa pisngi ko at unalis na sya papunta sa class nya. 11 pa ang pasok ko. Ang taas kasi ng break ko eh. Wala pa rin yung mga bakla. Mamaya pa ang break. Sa Javier University pala ako nag aaral. Hindi na to tulad ng high school na ka pag may popular na pumasok sa canteen eh tatahimik agad. Naalala ko tuloy yung mga moment na yun. Well, may mangilan ngilan rin naman na popular dito.

"Dito na daw papasok yung apo ng may-ari ng school na'to." rinig kong sabi ng dumaan na estudyante. Hay, parang nababasa ko lang yan sa wattpad. Yung sisiga siga yung apo ng may-ari ng school. Grabe, sana hindi yan uso dito.

Si Patricia lang ang na encounter ko na ganun. Porket tito nya ang principal sa school eh, pa famous famous na sya.

Hindi ko talaga maiwasan hindi isipin si Patricia. Naka move on naman ata ako sa maling feelings ko sa kanya dati. Atsaka, may boyfriend na ako na mahal ako.

Mahal ko rin naman si Nash eh. Pero hindi 100 percent. Matagal ko na rin hindi nararamdaman yung kiliti sa puso ko. Hindi tulad nung pag nagtatama ang mga mata namin ni Patricia, eh tumitibok ang puso ko na parang abnormal.

Natahimik ang maingay na cafeteria...

Baka anjan si dean.. Hindi ko na pinansin at nag patuloy lang ako sa pag kain.

"Ang apo ng may-ari ng school." rinig kong bulong ng katabi kong table. dahil sa sobrang tahimik, pati katabing table rinig ko ang bulong.

Hindi ko na pinansin at patuloy lang ako sa pagkain. Tahimik pa rin at tanging tunog ng kanyang takong ang maririg. Ay, babae pala ang apo.

Nakikiramdam ako sa tunog ng kanyang takong. Parang palapit ng palapit sakin. Nawala ito at may napansin akong taong nasa harap ko. Table ba nya ito para sa harap ko sya huminto? Dahan dahan akong tumungo...

And Thier she is... Nag tama ang mga mata namin. Bumalik ang pamilyar na tibok ng puso ko na dalawang taon ko na hindi nararamdaman at sa isang tao ko lang to nararamdaman, kay..... Patricia Salvador.

Nakangiting naka tingin sya sakin. Ako naman ay shock na shock! Hindi ko na kasi inexpect na mag kikita pa kami ulit. Akala ko naka move-on na ako sa maling feelings ko para sa kanya. Pero, nag kamali ako. Bumalik sya. At naka feel ako ng saya nung nakita ko sya. Lumundag ang puso ko na feeling ko lalabas na sa bibig ko.

Ms. Popular meets Ms. Loud [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon