LUCAS GUEVARA
Alas singko pa lang nang madaling araw nang gisingin si Lucas nang tunog ng alarm niya. Kahit na inaantok pa ay nagawa namang imulat ni Lucas ang kaniyang mapungay na mata. He slightly groaned in annoyance.
kahit na anong oras na siyang nakauwi kagabi dahil sa over time, tambak na trabaho, at pagod ay nagagawa pa rin niyang bumangon nang maaga para maghanda sa trabaho. Nakasanayan na rin kasi ni Lucas na gumising ng maaga simula noong magkaroon siya ng trabaho 5 years ago.
Sa katunayan niyan, puro trabaho ang nasa laman ng utak niya. Kung ang iba ay napapagod sa pagtatrabaho at panay ang reklamo, iba si Lucas, lalanguyin pa niya ang gabundok na papeles kahit na pagod na siya. His not aiming for a promotion though nor showing off his skills, sadyang dedicated lang si Lucas sa mga ginagawa, he's not use of slacking off and wasting his time without doing nothing.
Mas lalong naging workaholic si Lucas nang matanggap siya sa pinapasukan niya ngayon, ang Cloud Lotus Hotel Empire. Ang isa sa pinakasikat na hotel chain sa buong mundo, may iba't-ibang branch ang hotel sa iba't-ibang panig ng mundo. Dalawang dekada na rin itong nasasama sa listahan ng mga most popular companies kaya simula nang matanggap siya sa kompanya ay itinatak na ni Lucas sa isip niya na mas lalo niyang pag-iigihan ang pagtatrabaho.
He's now working at CLHE for 3 years, swerte niya at inabot siya ng ilang taon sa kompanya Hindi rin kasi basta-basta ang mga empleyado sa nasabing kompanya, all of the employees are reliable at masasabing may talento, na karapat dapat talaga na matangap sa kompanya. That's one of the traits that made the empire famous, because of their talented employees. Swerte niya dahil nakatagal siya sa kompanya at natanggap siya, karamihan kasi sa mga nagtrabaho rito ay hindi nakatagal ng isang taon o dalawa, agad silang napapatalsik.
Nang matapos sa pag-aayos sa sarili, at paghahanda nang kakainin ay agad na siyang bumyahe. Wala siyang sasakyan kaya nag-cocommute lang siya. Iyon din ang isa sa dahilan kung bakit early bird siya.
"Good Morning, Sir." Bati ni manong Juan, ang isa sa security guard ng CLH empire nang makarating siya sa kompanya.
"Good morning din po." Nakangiting aniya Lucas bago buksan ang bag at inilabas ang dalang sandwich. Inabot niya ito kay Mang Juan. "Agahan po atsaka sabi ko naman po huwag na po Sir, Lucas na lang po." Napapakamot niyang dagdag.
"Naku, ijo. Nasanay na akong tawagin kang Sir, isa pa mukha ka talagang Sir dahil sa suot mo."
Napakamot ulit si Lucas sa kaniyang ulo. May tama naman si manong.
Lucas' wearing his not so expensive navy blue suit and tie which he bought when he received his first monthly salary. Kulay puti naman ang long sleeve na panloob na tinernuhan niya ng kulay asul na necktie. He also wore his favorite black leather shoes. Naka-brush-up naman ang buhok nito.
Kung titingnan, tila ba isang head ng kompanya ang datingan niya pero ang totoo niyan ay under siya ng Marketing department ng kompanya. Pwede na nga niyang palitan ang Head ng Marketing department sa sobrang pormal ng suot niya, idagdag pa ang sobrang kasipagan niya. Lucas prefer wearing a suit than a plain white long sleeve, mas presentable ang dating niya.
Ngunit ang hindi niya alam ay sobrang lakas ng dating niya. A man who's wearing a suit and tie will always capture the eyes of the people at 'yon ang nangyayari kay Lucas. He looks neat, presentable, and hot at the same time.
Ang makinang at medyo singkit ngunit bilugan nitong mga mata na siyang pinaresan ng mahahabang pilik mata. May kakapalan din ang kilay nito, matangos ang ilong at mapulang labi. Sa tuwing ngumingiti si Lucas- showing his rubbit teeth ay parang nawawala sa ulirat ang mga nakakita nito.
BINABASA MO ANG
Office Blind Date
RomansLucas Guevara is your typical workaholic man. Inuubos Niya ang oras sa pagtatrabaho at wala nang inilalaang oras para sa sarili. Everyone knows how hard working he is: especially Lucas' officemates slash friends. That's why when their company threw...