CHAPTER THREE

1.7K 115 50
                                    


Lucas Guevara

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lucas Guevara

Natagpuan na lang ni Lucas ang sarili na nakatayo sa stage kung saan gaganapin ang laro- ang blind date. Hindi niya malaman kung ano ba ang gagawin niya sa mga oras na 'yon. Nakatayo lang siya na tila ba nakapako na siya roon, bigla rin siyang pinagpawisan ng malamig.

Wala pa ang sampung kalahok na na uupo sa upuan na nasa harap ng entablado pero grabe na ang kaba na nararamdaman niya. Panakanaka niyang binabalingan ng tingin ang mga kaibigan na nasa labas, mabuti na naga lang at salamin ang nagsisilbing pader ng silid kung saan ginaganap ang laro. Kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam niya dahil nakikita niya ang mga kaibigan.

Clark gave him a big thumbs up, tapos na itong maglaro at may nakapili sa kaniya. Of course Clark will proceed to his blind date once na tapos na si Lucas. Gusto niyang makita ang resulta ng laro. While Gina? Siya na ang kasunod na kalahok, pagkatapos ni Lucas ay turn naman niya. Gina crossed her arms while looking at the nervous Lucas. Napangisi ito na ikinainis naman ni Lucas.

"Good luck!" Gina mouthed.

Napailing na lang si Lucas. Hindi dapat siya pumayag kahit na magalit o magtampo si Gina. Napabuntong hininga siya.

Hindi rin nagtagal ay lumabas na ulit ang sampu pang kalahok mula sa waiting area ng silid. Limang babae at limang lalaki. Ang iba ay hindi na pamilyar dahil sa tuwing may napipili na ang mga kalahok ay napapalitan din agad ang mga ito, ang mga hindi pa nakakapili ay mananatili, katulad na lang ng lalaki na nakasuot ng beige suit. Wala pa rin itong napipili, tama nga si Gina, masyadong mataas ang standards nito.

Kahit na alam ni Lucas na aalis din agad ang lalaki ay nakakaramdam pa rin siya ng kaba. That man is emitting a strong aura, sumisigaw din ng autoridad ang buong katauhan nito.

Napalunok si Lucas nang magtama ulit ang tingin nilang dalawa, muli, hindi nag-iwas ng tingin ang lalaki at nanatili lang itong nakatingin sa kaniya habang tinatahak nito ang daan papunta sa upuan. Hindi rin nag-iwas ng tingin si Lucas, he wont back down.

"Are you ready?" Tanong ng emcee kay Lucas na siya namang tinanguan nito bilang sagot.

"Let's start the first stage!" Tukoy ng emcee sa unang lebel ng laro.

He needs to attract the other contestants using his appearance.

Agad na inayos ni Lucas ang tayo. He also fixed his suit and gave them a warm smile. Kumikinang din ang mga mata ni Lucas na siyang naging dahilan kaya hindi napigilan ng iba na mapangiti, kahit na ang mga nakakasaksi ng laro.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Office Blind DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon