CHAPTER SIX

1.1K 67 31
                                    

Heya, it's me imsinaaa! I know, i know, it's been a long time and i'm very sorry for being on hiatus for almost a year. I've been very busy with my studies and other responsibilities that's why I wasnt able to update my stories. But hey! I'm back!

Dont forget to leave tons of comment (it helps me and give me motivation reading your comments). Also, Merry Christmas and Happy new year! Have a wonderful starr of year 2022 and keep safe everyone!

===========

[Grammatical errors and any type of errors can be found in this chapter ehe :3]

===========

Lucas Guevara

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lucas Guevara

"So, how's your blind date?" Tanong ni Gina kay Lucas habang nakadantay ang magkabilang siko nito sa lamesa. Nakapatong naman ang baba nito sa kamay at nakangisi sa kaibigan.

Samantalang hindi nakikita ni Lucas ang klase ng tingin at ngisi na nakapinta sa labi ni Gina, nakatulala kasi siya sa kawalan. Lutang at nababahiran ng pagod ang mukha nito at iyon ang ipinagtataka ng ilang katrabaho na nakakita kay Lucas— lalo na si Gina. Kahit kailan kasi ay hindi nila nakitaan ng pagod sa mukha si Lucas, ngayon lang. Tila ba may trinabaho na itong gabundok na papeles kahit na magsisimula pa lang ang trabaho nila. 

Gina also noticed that Lucas is still wearing the same suit and shoes that he wore yesterday. ang pinagkaiba lang ay mukha itong bago— bagong laba. Ngunit mas lalong lumaki ang interest ni Gina na malaman ang nangyari sa blind date ng kaibigan nang makita ang singsing sa daliri nito. Saglit na napahinto si Gina. Nagtatalo ang isip niya kung tatanungin ba niya si Lucas tungkol sa singsing, kung saan ito galing o kung sino ang nagbigay nito.

In the end, Gina decided to shut her mouth. Mamaya niya na lang papaulanan ng tanong ang kaibigan tungkol sa singsing na 'yon.

Napabuntong hininga si Lucas bago luwagan ang suot na necktie, pakiramdam niya kasi ay nasasakal siya. Masakit ang ulo niya dahil sa hangover at sa mga nangyari nitong nakaraang gabi. Kasabaay ng hangover niya ay ang stress na nararamdaman niya. Sumagi rin sa isip niya na lumiban muna sa trabaho, but him being a workaholic man chose to work instead of taking a short break— a rest. 

"Hello, Lucas? Are you still there?" Gina snapped her finger. Ito ang naging dahilan para maibaling ni Lucas ang tingin sa kaibigan.

"Ha?" Taka nitong tanong.

Napairap si Gina. "Akala ko nilamon na ng lupa 'yang kaluluwa mo." She tsked. "Anyway, I'm asking you about your blind date. Anong nangyari?" Dagdag ni Gina.

Sabik na sabik itong malaman kung ano ang nangyari sa date ng kaibigan. Of course, she really is excited because her workaholic friend is starting to experience the thing called Love life. Sinong hindi matutuwa at masasabik kung ang kaibigan mong kulang na lang ay asawahin ang trabaho ay magkaroon bigla ng interesting love life.

Office Blind DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon