Chapter4: "You should have said YES!!"
Hariette's POV
Agad akong lumabas ng kwarto at pumunta sa office ni daddy, I'm sure that he's still awake because of his works sa company. Kumatok ako sa office nito.
"Yes?" si Daddy iyon.
"Daddy, can I come in?" tanong ko.
"Yes, my baby. Come here," dahil super masunurin ako ay pumasok na ako agad. Nakaupo lang si daddy sa swivel chair niya habang nakatingin sa mga document niya. Somehow, naawa ako sa kanya.. He's too busy working for me. Iyon ang sabi niya, for my future pero heto't napakapasaway ko pa.
"Daddy, do you want some coffee? Ipagtitimpla po kita," tanong ko sa kanya. Parang nakalimutan ko na kung ano ang pakay ko kanina kung bakit ako nagpunta rito. Minsan lang kasi kami magkita ni daddy dahil lagi itong busy sa trabaho niya.
"Oh, yes please. Thank you, baby," maikling sagot niya. Agad naman akong pumunta sa kusina at pinagtimpla siya ng kape. Si mommy ang laging gumagawa nito sa kanya dati no'ng nabubuhay pa ito. Pero syempre nang mawala na si mommy ay wala na ring nag-aasikaso kay daddy, ako na lang.
Supposedly, ako nga sana pero ang nangyayari ay ako na lang lagi ang inaasikaso ni daddy because of my sickness. Maya-maya ay bumalik na ako dala ang kape nito.
"Here, daddy," inabot ko na at ininom na niya agad iyon.
"Hmm, it tastes so good. Thank you, my baby," tapos napabuntong-hininga siya. "I remember your mom, I miss her so much."
"Me too, dad," sabi ko. Namatay si Mommy dahil sa sakit sa puso at namana ko 'yon sa kanya. Kaya naman alagang-alaga ako ni daddy, ayaw niyang mawala rin ako sa kanya.
"Kaya baby, please behave now? Don't be so stubborn," sabi niya sa malungkot na boses.
'Yes, dad," tugon ko.
"So, why are you still awake? Have some problem with your tutor?" tanong niya, pag-iiba ng usapan. Alam kong ayaw na rin niya na maalala pa ang pagkamatay ni mommy. "Want to get rid of him?" tanong nitong muli pero umiling lang ako.
Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin kay Daddy na gusto kong makuha number ni Mr. Tocson. I want to know if he's thinking of me too.
"So you like him huh?" tanong niya ulit. Tumango lang ako. "Well, that's good," ngumiti siya ng malawak iyong parang nakakainsulto. "I knew it from the start that Mr. Tocson is the one for you."
"Huh? Alam niyo po?" tanong ko. Ano pinagsasasabi ng matandang ito? Hay, si Daddy talaga.
"Yeah, alam kong siya lang ang may kayang magpatino sa matigas mong ulo."
"Daddy! Matino na po ako, hindi na kailangan pa ng magpapatino sa akin," reklamo ko. Pero kung si Mr. Tocson naman ang magpapatino sa akin, why not coconut? Puwedeng-puwede naman. Sige na nga, pasaway na ako.
"So, do you want me to fire him now?" tanong niya na may halong pananakot. Parang alam na alam niyang hindi ako papayag na tanggalin ito bilang tutor ko.
Nag-pout lang ako ng lips. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, bakit ba ako inaasar ni daddy? Nakakainis!
"Just kidding. Sleep now, baby," sabi niya pero nanatili lang akong nakatayo at nakatitig sa kanya. Lahat talaga binibigay ni daddy sa akin kasi mahal na mahal niya ako.
"Hmmmm...daddy?"
"Yes?"
"Can I get the contact number of Mr. Tocson?" tanong ko sa kanya. Finally, I said it. Nakakahiya kahit pa daddy ko siya. Baka sabihin niya pa may gusto ko kay Mr. Tocson.
BINABASA MO ANG
Ways To Win Your Heart✔️COMPLETED
Teen FictionBook Cover layout: Shania Suniega Photo credit: Pinterest For Hariette, No one could ever resist her beauty not even Mr. Tocson so she will do anything to make her gorgeous, hot, sexy and hard-to-get Tutor fall in love with her head to toe whatever...